Chapter 2

542 26 0
                                    

Chapter 2

"Sorry, alam ko na medyo na cross ko ang boundary na meron ka. I'm sorry that I kind of pressured you by confessing to you in public but I did that for a reason. Pwede mo na akong ipahiya sa harap nila, I don't mind, I just did that for a reason."


"Ibang Samuel ang gusto ko at padadalhan sana ng letter but you were the closest Samuel that I could pull para ma-convince ang bestfriend ko na hindi kami parehos ng nagugustohan,"  hinihingal kong paliwanag habang samantalang kalmado lang siyang naka-sandal sa whiteboard.


"Are you done?" Tanong niya. Tumango ako at huminga ng malalim.


"Tapos na ko," sagot ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. My gosh! Alam ko naman na hindi ako gano'n ka talino pero hindi naman ako ganito ka bobo para gawin 'yong ginawa ko kanina.


"So, ipapahiya mo na ako?" Tanong ko sa kanya sabay turo sa sarili ko.


Seryoso siyang umiling dahilan upang bahagya akong nakahinga ng maluwag. Ok, hindi niya ako ipapahiya. Of course, he understood the assignment. Naintindihan niya na ang sitwasyon ko.


No! Definitely not!


"Anong gagawin mo sa'kin?!" He frowned. Giving me a confused and horified look.


"What do you think am I gonna do to you? Choke you to death?" Sarkastiko niyang tanong.


Napa-kurap ako ng tatlong beses habang iniimagine ang pagmumukha ko kung sakaling sakalin niya ako.  Napayakap ako sa sarili ko. Nakakakilabot!


"What are you doing?" Bigla kong napagtanto na nasa harap ko pa rin pala siya.


"Wala, ang weird lang kasi kung sasakalin mo ko diba?" Teka nga, tama ba na tinanong ko pa 'yon?


Umirap siya at napabuntong hininga na para bang konti nalang ay mauubusan na siya ng pasenya.


"May sasabihin ka ba? Wag kang mahiya sige na," saad ko sabay senyas na para bang zinizipper ko ang bibig ko.


Nakatitig lang siya sa'kin habang zinizipper ang bibig ko. Ngumiti ako't sinenyasan siya na magsalita na siya.


"Let's fool everyone, including your bestfriend."


Bigla kong natagpuan ang sarili ko na nakikinig sa paliwanag niya. Fool everyone, I did, I fooled everyone na may gusto ako sa kanya. Sa tingin ko rin naman ay maniniwala na si Aika sa'kin na wala akong feelings para kay Samuel Jay. 


"You need to fool Samuel and your friend right?" Tumango ako.


"I need to make everyone vote for me." Nakahalukipkip siya ngayon habang seryoso na nakatingin sa akin.


"I want to be voted as Outstanding Student of the Year at para makuha ko 'yon kailangan na maraming bubuto sa'kin." Ano namang meron sa'kin na maitutulong ko sa kanya? Gagawin ba niya akong campaign manager?

With Love, Samuel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon