Chapter 12

373 23 0
                                    

Naging abala kami ni Samuel sa mga kanya-kanya naming mga activities. Konting oras lang ang naging pagkikita namin at 'yon ay ang SSG meeting namin para sa upcoming foundation day pagkatapos no'n ay naging abala na kami't hindi na nakapag-usap.


Pero kahit na hindi ko siya kausap. Paminsan-minsan, habang kumakanta ako kasama ang mga kagrupo ko sa school choir, naiisip ko rin kung ano ang ginagawa niya sa mga oras na 'to.


Kung nakakasipa ba siya ng maayos. Kung hindi ba siya nasasaktan sa training niya lalo na't taekwondo player siya at maaari siyang ma-injured. Kung ayos lang ba ang araw niya. Sa hindi malaman-lamang dahilan, gusto kong malaman 'yon. 


"Tandaan niyo ang mga bawal inumin at kainin while nag-aantay kayo for your upcoming competition," paalala ni coach na agad naman naming sinang-ayunan. 


Umupo ako sa gilid ng stage para makapag-pahinga at nag indian seat. Hindi ko alam. Busy ba siya? Gusto ko siyang kamustahin pero paano kung nakaka-abala na ako sa kanya?


From: Malea Khristine

Natapos ko na practice ko sa choir. How about you? Ayos ka lang ba diyan?


Ibinaba ko ang cellphone ko. Pinag-iisipan kong tama ba na minessage ko siya o baka nakaka-abala lang din ako sa kanya. 


Samuel Khai sent a photo

Naka mirror selfie siya habang naka suot ng dobok. Magulo ang buhok niya't basa ng pawis tsaka hindi rin niya suot ang glasses niya kaya halatang kakagaling lang din niya sa practice. 


From: Samuel Khai

So you're done with your schedule for today?


From: Malea Khristine

May practice pa ako kasama ang bandmates ni Manolo mamaya. Ako kasi papalit muna samantala sa drummer nila.

Tsaka, may dress rehearsal pa kami para sa upcoming pageant.


From: Samuel Khai

I see. After everything, don't forget to take a rest.


Hindi ko mapigilang mapangiti sa paalala niya.


From: Malea Khristine

Ikaw din! Deserve mo rin ng pahinga. Fighting! Laban for the Gold medal Khai <33


From: Samuel Khai

:>

Napangiti ako pero agad 'kong napagtanto na parang nagmumukha na akong tanga rito na ngumingiti mag-isa sa gilid. 


With Love, Samuel (COMPLETED)Where stories live. Discover now