Chapter 4

497 24 2
                                    

Chapter 4

Gusto ko nalang maging hotdog sa refrigerator.

Pwede ring maging halaman nalang din ako kasi marunong nakong mag-photosynthesis. Light-Independent reaction here, light dependent reaction there. Kulang nalang makakakita na talaga ako ng liwanag dahil sa alas tres na ng umaga at wala pa rin akong tulog.

Ok lang, malakas naman kapit ko sa itaas.

Kumuha ako ng kape at tulalang inaalala ang lahat ng mga dapat kong tandaan para sa long quiz namin sa General Biology pero masyadong napagod utak ko kakaisip ng magandang concept at idea sa mga essays ko kaya nag cellphone nalang ako. Total long break naman.

Binuksan ko ang messenger ko at agaw pansin ang pinaka-unang account na walang profile picture. Kay Samuel.

[From: Malea Khrisine De Silva

Gising ka pa?]

[From: Samuel Khai

obviously]

Teka ba't ko naiimagine pagmumukha niya sa naging reply niya. Napatawa na lamang ako. Wala na talaga akong magawa sa buhay at nang-iinis na ako ng demonyo sa devil's hour kuno.

[From:Malea Khristine De Silva

Galit yarn?]

[From:Samuel Khai

Ikaw, ba't gising ka pa?]

[From:Malea Khristine De Silva

Wala nangangamusta lang alas tres na eh diba devil's hour daw ngayon, kumusta mga natakot natin today?]

[To:Samuel Khai

A lot, and if I see you in school maybe you'll be one of them.]

Imbis na matakot ako ba't ako natatawa? Totoo nga na wala na nga talaga ako sa katinuan ko. Kasalanan ko 'to pinili ko 'to eh kahit na noon pa lang alam ko na sa sarili ko na mahina talaga utak ko sa Mathematics at Science pumasok pa rin ako sa strand na 'to.

Mga matitigas ang bungo moments.

"Malea, jusko! Ano ginagawa mo dito? Alas tres ng umaga tumatawa ka ng mag-isa!?"

Muntikan na akong mapatakbo papunta sa pinaka-malapit na pinto dahil sa biglaang pag-sulpot ni Lola.

"La, I can explain." Tinignan ako ni Lola na para bang naloloka na talaga siya sa'kin.

"Diba sabi ko sa'yo matulog ka ng maaga! Puro ka selpon selpon," galit na wika ni Lola sabay kuha ng kalan sa aparador at kaserola na may tinola mula kagabi.

"Lola, nag-aaral po ako. Ngayon lang po ako nakalabas kasi magkakape po ako para mas marami pa po akong magawa," pandadahilan ko sabay patay ng heater sa water dispenser at kumuha ng mug para mag timpla ng kape.

"Leah, aanhin ko 'yang matataas na grado mo kong sa ospital ka babagsak? Jusko wag mo kong bigyan ng sakit sa ulo."

"Wag na wag ka talagang magkakamaling maligo sinasabi ko talaga sa'yo," panenermon niya tsaka inilagay ang kalan at kaserola sa stove para hindi na siya maghahanap pa mamaya kapag magluluto na siya.

Pumasok na siya sa C.R kaya nagpa-alam na rin ako na papasok na ako sa kwarto, bitbit ang kape ko sakto pagpasok ko natapos ang long break ko kaya nagsimula na akong magbasa ng libro ko sa General Biology.

Napadasal nalang talaga ako na sana mailagay ko lahat ng impormasyong 'to sa kokote ko.

**

Halos maligo na ang buong katawan ko  sa perfume. Kagaya ng bilin ni Lola, hindi pwedeng maligo pero dapat fresh pa rin ako noh kahit mukha na akong na aagnas na zombie dito.

With Love, Samuel (COMPLETED)Where stories live. Discover now