Chapter 6

436 20 0
                                    

Chapter 6



"Not me working hard to argue in a male dominated field." Ngumisi si Genevieve sabay inom ng kape.


"I mean you argue all the time so..." Isabelle chuckled before taking a sip from her mug.


Knocks naman english! Nahahawa na talaga ako sa mga tao sa paligid ko.



"Can't relate but I'm really looking forward to see all of you achieving your dreams. Lawyers and engineers, that my besties!" Excited na wika ni Isabelle sabay baba ng colored pencil niya.



"Pupunta kang New York after senior highschool diba?" Singit ni Yttrep na ngayon ay maayos na naka-upo at umiinom na rin ng kape.


"Actually, I would love to study fashion designing in New york pero it's very mahirap. Kailangan ko pa i-polish at i-handa ang self ko," pagpapaliwanag ni Isabelle na para bang may kaonting pagdududa sa kakayanan niya.


"Well, it's not very mahirap if you work really hard for it. Hindi mo pa nga na file ang application mo sa Parsons nagdududa ka na sa sarili mo." Itinaas ko ang kamao ko. Pinapaalala sa kanya na kaya niya.



"Leah already said that, we are capabae you guys. Kaya na'tin 'to," Genevieve said. "One of us is gonna dominate the Mechanical engineering world—"


"Alam ko na kaya ni Marina 'yan kahit tulog," singit naman ni Yttrep dahilan upang mapalingon kaming apat sa direksyon ni Marina na malapit na mahulog sa sobrang himbing ng tulog.


Tumingin kaming apat sa isa't isa at napatawa na lamang. "Kahit tulog yan may pangarap 'yan noh," pagpapatawa ni Yttrep dahilan upang mas lalo kaming mapatawa.


"Good morning," bati ni Marina habang inaayos ang maikli at straight niyang buhok. Nag pose pa siya sa'min bago naglakad papunta sa direksyon namin.


Sumandal siya sa kinauupuan ko habang kinukusot ang mata niya. "Gising na si gobernadora," pagpapatawa ko sabay sandal ng ulo ko sa tiyan niya.


"Correction..." she declare. "Palamunin na anak sa labas ng governor."


"Stop joking about it," seryosong suway ni Ginny.


Marina went through a lot. She was slut shamed, disrespected, bullied, lahat ng mga hindi magandang pwedeng gawin sa kanya ng mga schoolmates at classmates niya nagawa na sa kanya dahil lang sa anak siya sa labas ng governor.


"Gagi, parang hindi naman ako nakipagbardagulan."


Lahat kami nagtinginang lahat. Bumuntong hininga si Ginny sabay sarado ng laptop niya. "Marina Claire, Uminom ka nalang ng kape."


"By the way, mommy already got the invitations na for my debut. I'm super duper excited na talaga!" Isa-isang inabot ni Isabelle ang pastel pink na scroll na may nakapulupot na white ribbon. Nagkatinginan kaming dalawa ni Yttrep.


"Invitation palang yayamanin na," bulong ko sa kanya.


"Oo nga eh, sinasampal na naman tayo ng kahirapan." Kapwa kaming napatawa.


Binuksan ko ang scroll at binasa ang lahat ng mga nakasulat. From eighteen candles to eighteen roses, tsaka ko napansin ang pangalan ni Samuel. Samuel Khai M. Aguirre.


"Diba boyfriend mo 'to?" Napadilat ako sa biglaang pagsasalita ni Yttrep. Lumapit siya sa'kin at ipinakita ang pangalan.


"Anong boyfriend! Gagi, bakit hindi ako na informed?!"


With Love, Samuel (COMPLETED)Where stories live. Discover now