Chapter 18

339 17 0
                                    

All of Isabelle's 18 candles were gathered in the same room. May mga make-up artists na nakahilera para make-upan kaming lahat.

"Nagugulat pa rin talaga ako sa kung gaano kayaman 'tong kaibigan na'tin," bulong ni Yttrep sa'kin. Bahagya pa ko akong yumuko para sa kanya.

"True, parang barya lang sa kanila nagastos nila dito sa debut celebration na 'to," sagot ko naman sa kanya.

"Jusme, naka heels nako pero pa simple ka pa ring yumuyuko pa ra sa'kin," reklamo niya na agad namang nagpatawa sa 'kin.

"Naka-heels din naman kasi ako," I told her, showing my block heels.

"Parang nakakatanggal ng angas tong suot na'tin," bulong ni Marina sa amin na para bang gusto niya ng hubarin ang suot niyang pastel pink dress.

"Ang ganda mo kaya tignan," pang-cocompliment ni Yttrep sa kanya.

"Alam ko naman na maganda ako. Duh, pero hindi naman mala-princess 'tong ganda ko," bruskong sagot ni Marina tsaka tumingin sa direksyon ko.

"Ito 'yong gandang prinsesa." Turo niya sa'kin dahilan upang bahagya akong mapayuko.

"Maganda, matalino, talented, tapos mabait pa. Haist, masyadong pinagpala," tugon naman ni Yttrep habang nakatingin lang sa'kin.

"Kung maka-compliment naman kayo parang hindi rin kayo magaganda," sabi ko naman sa kanila.

"Gosh, I looked like some friendly girl next door..." singit naman ni Genevieve na parang hindi rin siya natutuwa sa piniling motif ng kaibigan namin. Wala siyang nagawa dahil special day to ni Belle. 

Meanwhile, I always loved pastel colors and pink kaya parang heaven na para sa akin itong debut celebration niya.

"But unfortunately, I'm not. Pink is not a terrible color but it's definitely not for me," dugtong ni Genevieve tsaka lumingon sa direksyon ko.

"Mas lalo kang tumangkad and you really look so regal," pang-cocompliment niya.

"Kanina pa namin sinasabi 'yan sa kanya. Parang hindi naniniwala," saad naman ni Marina.

"Why? You're stunning. Bagay talaga sa 'yo 'tong color scheme na napili ni Isabelle. Pastel pink, alongside yellow of course, is your color," wika ni Genevieve habang nakatingin sa'kin mula ulo hanggang paa.

"Good evening," bati sa amin ni Venice. I blinked a couple of times. Checking if she's real.

Green siren-like-eyes. A little dot mole near the tip of her pointy nose, and a  plumped lips. I can't help but admire the feature that she has.

"Genevieve, I've never seen you wearing anything pastel," mahinhing niyang wika sabay beso kay Genevieve.

"Everytime you attend parties and balls you always choose bold colors. I never expected you to rock this theme," Venice mused.

"Thank you and I also think that you're absolutely stunning tonight," Genevieve said in a modulated tone.

"You too, I love the short hair. Send my regards to your sister," Venice smiled at Marina.

"Sige," tipid na tugon ni Marina. Dahilan upang bahagya kaming mapatawa ni Yttrep.

Kahit na halos napapalibutan ng mayayamang sosyal itong si Marina ay hindi pa rin siya nahahawa sa mga english at ka-conyohan nila kaya heto siya. Parang siga na nakikipag-usap kay Venice na sobrang pormal.

________

Nasa venue na rin kami at hindi ko mapigilang mamangha sa disensyo ng lugar. Everything was absolutely beautiful.

With Love, Samuel (COMPLETED)Where stories live. Discover now