Chapter 7

401 17 0
                                    

Chapter 7

"Tol." 


"Tol!" Agad akong napalingon kay Manolo. Napakurap ako ng ilang beses at napagtanto na kanina pa pala ako tulala. 

"Eyang ayos ka lang ba?" Marahan niya akong niyugyog. "Ayos lang," sagot ko. Ayos lang naman talaga ako sadyang hindi ko lang talaga alam kung tama pa ba lahat ng mga desisyon ko sa buhay. 

"Salamat Teh Baby." Nagpasalamat na rin ako at sabay na kaming naglakad ni Manolo papunta sa bahay namin. Nasa tapat lang ng bahay namin ang bahay nila Manolo kaya ang dali lang na tumambay sa kanya-kanyang mga bahay namin. 

"Ganyang ba epekto ng love life sa'yo yang? Tulala? Hindi makakain? Hindi rin makatulog buhat ng iyong lokohin," pagpapatawa niya dahilan upang mapasubo na lamang ako ng isang buong kwek-kwek pero agad ko rin itong naluwa dahil sa sobrang init nito. 

"Oh baliw sinubo ng buo." Sinamaan ko siyang tingin dahilan upang mas lalo siyang mapatawa.

"Pero seryoso, may ginawa ba siyang masama sa'yo?" Nag-aalalang tanong niya. Nakatitig lang ako sa kanya at sa mahabang pilik-mata na meron siya. 

Napabuntong hininga ako kagaya ng parating ginagawa ni Samuel kada segundo. Halos sabay ng kaming lumaki nitong si Manolo, at alam namin ang mga sikreto ng isa't isa kaya hindi ako nagdadalawang-isip  kapag may mga sikreto akon gustong sabihin sa kanya.

"May sasabihin ako sa'yo-----"

Agad akong napatigil sa pagsasalita ng sunod-sunod na tumunog ang mga notifications niya. Halos sumabog na sobrang dami ng notif. Badtrip akong nakatitig sa kanya habang sinasawsaw sa suka ang kwek-kwek ko. 

"Sorry ha, sandali lang hehe. "Agad niyang binuksan ang cellphone. 

"GAGI!" 

Mabilis kong nginuya ang kwek-kwek sa bibig ko at tumabi sa kinauupuan niya. Napadilat ako ng mabasa ko ang nakalagay. 

Facebook user: Akala ko ba magjowa kayo Manolo Lachango. 

"Bakit ka minention ano ba  'yong post?" 

"Tignan mo nalang." 

[Grabe ano 'to? Hindi ko ineexpect na may ganito pala sa real life lol akala ko sa wattpad lang hahahahahaha. Ang cute nina Kuya Samuel Aguirre tsaka ni Ate Leah De Silva. Morally grey x Sunshine character yarn? Lol sana magbago napo talaga si Kuya.]

Napatakip ako sa bibig ko. Grabe ha, ano kami showbiz? Kailangan talagang pag-usapan sa freedom wall ng eskwelahan? 

"Gagi jowa daw kita." Tawang-tawa si Manolo habang ako naman etong nakatulala lang. Hindi ko naman ine-expect na big deal para sa kanila ang love-life ko. 

COMMENT SECTION

[Isabelle Del Clara: Awe sweet! It's the trope making for me lol]

[Marina Claire: Malea Khristine lods tignan mo.]

[Facebook user:Oo ang cute nila tignan nakita ko sila kasma 'yong taga HUMMS yung chess player na babae tsaka 'yong poging buksingero.

A Facebook user replied to this comment: Hala true, usap-usapan din sila faculty office.

Marina Claire: Yttrep lods double date daw kayo ni Killian AHAHAHAHAHAHAHAHA]

[Theodore De Jesus: Samuel oK lUnG yAn l0d1cAkeS bAwI kA nAlAng n3xT tiM3.

Lorenzo Gallego:Kung si Samuel ay pogi bakit hindi siya pinili? 

Theodore De Jesus: Samuel right now: Haha sorry sabi ko na. Sorry sa istorbo haha. Ayaw talaga sakin ng mundo, life is so unfair. Sana hindi nalang ako nagtanong haha. Sensya na ah eto lang kasi ako. I am just nobody walang magkakagusto haha sorry ganito lang ako.
Samuel Jay: Kung ang tagalog ng coconut ay buko, bakit kayo naging kaibigan ko?]

With Love, Samuel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon