Chapter 11

385 24 1
                                    

"Nakauwi na po ba si Daddy?" tanong ni Samuel sa isa sa mga katulong sa bahay.


"Wala pa po pero tumawag po siya kanina na darating daw maya-maya, may inaasikaso pa daw siya sa opisina."


Abala ako sa pag-tingin sa mga larawan sa gilid. "Are you ready?" Bigla akong napalingon kay Samuel na nakatingin sa'kin.


"Syempre...hindi," natatawa kong wika sabay baling ulit ng aking tingin sa mga larawan.


Agad na nahagip ng aking paningin ang isang larawan ng batang lalake na may kargang baby. Abot tenga ang ngiti niya at may mga missing teeth pa siya. Hazel brown na mga mata at mag beauty mark rin siya sa gilid ng kanyang kanang mata. Walang duda, si Samuel nga ang batang 'to.


"Ang cute mo dito," saad ko sabay turo sa picture. Nakapamulsa siyang yumuko upang matitigan ang picture. "Who gave dad the idea to put this here?" seryosong bulong niya sa sarili niya na parang naiinis sa kahihiyan.


Nilipat ko ang tingin ko sa kabilang picture frame. Mas malaki ito kompara sa picture kanina. Lumingon ako ulit kay Samuel at tinitigan siya upang ikompara ang babaeng nasa larawan.

"Mama mo ba 'to?" tanong ko sa kanya't agad siyang tumango. Nakatitig pa rin ako sa kanya.


Bow shaped lips, hazel brown eyes, and tiny dot-like mole at the end of his right eye. He really looks like his mother. Kahit saang anggulo mo siya tignan lahat ng parte ng kanyang mukha ay nakuha niya sa Mommy niya.


"Kaya pala ang gwapo mo, kamukhang-kamukha mo siya."


"I know, a lot of people told me that." Bigla kong napansin ang kaonting lungkot sa kung paano niya binitawan ang mga salitang 'yon.


"Makikita ko ba siya ngayon?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya agad nakasagot.


"She's in a much better place now," sagot niya dahilan upang agad kong matukoy na wala na ang mommy niya. "Sorry, hindi ko alam," sinsero kong wika pero hindi siya kumibo't lumingon lang sa'kin upang ngumiti dahilan para kahit papano ay mabawasan ang kaba na nararamdaman ko.


Agad akong napakapit kay Samuel tsaka ko siya ginawang pangharang. Bigla akong nakarinig ng ingay sa likod namin na naging dahilan ng pagka-gulat ko. Nasa likod ako ni Samuel at dahil nga hanggang labi niya lang ako ay sumilip ako sa may bandang leeg niya kung ano 'yong nalaglag. Baka pagbintangan akong nakabasag ng one-thousand-million-dollars worth of ancient vase.


"Sorry," pagpapaumanhin ng isang batang babae sabay yuko upang kunin ang mga libro't papel na nalaglag sa sahig.


Nagkatanginan kaming dalawa ni Samuel pero agad ko siyang natulak dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Agad na napahawak si Samuel sa pader tsaka niya ako binigyan ng mapanghusgang tingin. Nag peace sign nalang ako sa kanya't pabulong na nag sorry.


"Tulungan na kita diyan," saad ko sabay kuha ng mga nakakalat na papel sa sahig. Bigla kong napansin na hindi lamang ito mga ordinaryong schoolworks kundi ay mga musical sheets. "Nocturne Op. 9 no. 2," bulong ko habang nakatingin sa music sheet. Isa ito sa mga paborito kong tugtugin sa piano.


"Stephanie," tawag ni Samuel sabay hakbang papunta sa amin. Kumurap ako ng ilang beses at tinignan silang dalawa. "Magkapatid kayo?" tanong ko sa batang babae. Agad siyang tumango sa'kin tsaka niya isinilid sa maliit na case ang lahat ng mga nahulog niya kanina.


"And you're Kuya's girlfriend right?" mahinhing tanong niya sa'kin. Tumango ako sabay tingin kay Samuel na walang emosyon ang mukha. "Malea Khristine," pagpapakilala ko sa kanya sabay abot ng kamay ko. Ngumiti siya "Stephanie Kassandra," sagot niya sabay shake hands sa'kin.


With Love, Samuel (COMPLETED)Where stories live. Discover now