Chapter 10

399 18 2
                                    

Naka-upo ako sa tabi ni lola habang nasa harapan naming dalawa sina Samuel at Lolo. Hindi ko mapigilang mapalunok sa sarili kong laway dahil na rin sa sobrang kaba.


"Total, nandito ka namana hijo. Gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi namin basta-basta binibigay pahintulot namin para sa apo namin." Nagkatinginan kaming dalawa ni Samuel. Bahagya akong napatango sa kanya at napahiling na sana magamit niya lahat ng mga natutunan niya sa debate club.


"Opo, alam ko po 'yon. Kaya ho ako nandito para sabihin sa inyo na malinis po ang intensyon ko sa apo niyo," panimula ni Samuel.


"Gasgas na ang linyang 'yan hijo," pangungutya ni Lolo pero hindi pa rin nagpatinag si Samuel at nanatiling walang emosyon ang mukha niya.


"Tsaka hindi ka man lang pormal na nakapagpakilala sa amin. Ano ba pangalan mo?" Bruskong tanong ni Lolo sabay sandal ng siko niya sa lamesita.


"I'm Samuel Khai Aguirre, sir." Napadilat si Lolo sa pagbanggit ni Samuel sa apilyedo niya. Gaya ng inaasahan, nagulat sila at napatingin sa 'kin na parang namamangha sila at naka bingwit ako ng anak mayaman na may mala one-billion-thousand-hectares na yaman.


"Sir, I may not be the most perfect guy you could ever find for your granddaughter but I can provide a long list of reasons why you should let me love her." Napa-iwas ako ng tingin sa kanya matapos niyang banggitin ang mga salitang 'yon.


Bakit parang totoo? Ang galing naman atang umacting at parang pati ako'y nakukumbinse na rin.


"When we talk about academic achievements. I'm a consistent honor student, member of the debate team, and I've always been at the top of my class. I've also bagged awards from different competitions both local and international."


Napa nga-nga na lamang ako sa sobrang bilis niyang magsalita. Napansin ko rin ang paglalaro niya sa daliri niya sa ilalim ng mesa. Kinakabahan siya. Ganito pala kabahan ang isang Samuel Aguirre.


"I'm also a black belter in taekwondo. I train in mix martial arts. When we talk about hobbies; I spend my weekend, reading books and studying. I don't smoke, I occasionally drink with my father—but I'm not an alcoholic..."


Napatakip ako sa aking bibig, pilit na tinatago ang pagtawa. Halatang pinag-aralan niya ang mga dapat niyang sabihin pero sa hindi malaman-lang dahilan ay parang sasali na siya sa guiness world record sa bilis niyang magsalita.


"Teka—"


"Yes sir?" Tanong ni Samuel.


Nagkatinginan kami ni Lola ba bahagya ring naka-awang bibig sa sobrang pagkamangha sa nasilayan niya.


"If you want, pwede ko pa pong ipagpatuloy—"


"Wag na, basta umayos lang kayong dalawa, " saad ni Lolo sabay kamot sa napapanot niyang ulo.


With Love, Samuel (COMPLETED)Where stories live. Discover now