#23

56 3 0
                                    

#23

TRIGGER WARNING: Suicide

Makulimlim ang sumunod na araw. Minsan ay umaabon pero hindi naman nauuwi sa malakas na ulan tulad ng ibang nababalita sa t.v.

"Ate, o! Baha na sa ibang lugar," turo ni Mikay sa screen. Kasalukuyan kasing may bagyong naglandfall kagabi. Signal 2 na rin ang warning dito sa amin pero hindi naman umuulan. May kalakasan lang ang hangin.

Mabuti na lang dahil nakauwi na kami galing sa ospital. Magaling na si Gigi. Kaunting pahinga na lang ang pinaalala ng doktor. Si Papa ang naghatid sa'min pauwi. Nagvolunteer din kasi s'ya kagabi na sa bahay muna matutulog para mabantayan ang mga kapatid ko. Halos hindi kami nagkikibuan ni Mama sa buong oras na nasa kotse kami.

Pagkatapos akong tulungan ni Roque, hinatid n'ya ako pabalik sa kwarto ni Gigi. Nagpaalam din s'ya agad. Malaki ang pasasalamat ko sa kan'ya dahil kung hindi s'ya dumating, baka nawalan na ako ng malay sa labas kagabi. Hindi ako kinikibo ni Mama nang makabalik ako. Lagi lang s'yang nakatutok sa cellphone n'ya at maya't-mayang may tinatawagan pero hindi naman sumasagot. Iritado s'ya at hindi mapakali, samantalang parang hangin lang ang tungo n'ya sa'kin. Pinili ko na lang ding manahimik dahil umiiwas s'ya sa tuwing lumalapit ang distansya namin.

Alam kong nasaktan ko s'ya sa sinabi ko. Kung mayroon lang paraan para mabawasan ang sakit ng katotohanan, 'yun ang ginawa ko. Pero kailangan n'ya akong marinig. Kailangan n'yang malaman ang nararamdaman namin. Hindi habambuhay, mananahimik ako sa ganitong paraan n'ya.

Nagkulong lang si Mama sa kwarto nang makarating kami sa bahay. Ni hindi man lang n'ya tinignan si Gigi at hinayaan na akong mag-asikaso sa mga kapatid.

"Buti na lang 'di bahain sa'tin, 'no? May lawa kaya tayo!" komento ni Kikay.

Napansin ko si Jek na nakaayos at mukhang aalis. Bago pa s'ya makalabas, pinigilan ko na s'ya.

"Saan ka pupunta?"

"Sa bakery, Ate. E-extra ako para may pambili ng gamot si Gigi. Wala namang ulan. Ayokong umasa sa ibibigay ni Mama." Ramdam ko ang galit at lamig sa boses n'ya. Lubos akong naaapektuhan kasi maging sila masama na ang loob kay Mama. Si Amy halos 'di na nagsasalita at inabala na lang ang sarili sa pagbabantay sa iba naming kapatid.

"'Wag ka nang umalis. Ako nang bahala. May pambili pa tayo ng gamot ni Gigi."

Napapayag ko naman s'yang manatili na lang. Sa kabila ng hindi inaasahang nangyari kahapon, pinasigla ko ang sarili at nakipaglaro sa mga kapatid para hindi na nila maalala ang naranasang sitwasyon.

"Ate, kailan pupunta rito si Kuya Mon? Hindi pa ba s'ya babalik?"

Bahagya akong napanguso sa tanong ng kambal. "Hindi pa, eh. Sa weekend pa s'ya babalik. Pupunta 'yun dito. Sasabihin kong namimiss n'yo na s'ya."

Nang makausap ko kagabi si Mon, pinagsisihan ko agad na hindi ko sinagot ang mga nauna n'yang tawag. Hindi ko lang talagang maiwasang magtampo at makaramdam ng selos dahil kasama n'ya si Annika ngayon. Alam ko namang wala akong dapat pagselosan dahil ilang beses n'yang pinapakita sa'kin na walang namamagitan sa kanila ni Annika. Pero ewan ko ba. Kapag nakikita ko na sila, hindi ko maiwasang mainis. Idagdag pa na nasa hindi rin ako mabuting kondisyon nu'n.

Ngayong maganda na ang pakiramdam ko at nakausap ko na s'ya, mas lalo ko lang yata s'yang namiss. Kahit na magkavideo call ulit kami kanina, parang hindi pa rin sapat. Pero sa kabila nu'n, natutuwa ako dahil mukhang excited s'yang ituloy ang last round ng competition nila. Nagawa nilang makapasok sa huling round! Kulang na lang magpahugot ako sa screen nitong cellphone ko at i-cheer s'ya roon sa Davao!

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)Where stories live. Discover now