#26

47 2 0
                                    

#26

Sa loob ng pitong taon, ngayon ko na lang ulit naramdaman na buhay ako.

Na may babalikan pa ako.

Buhay s'ya... buhay ang Phillie ko.

At ngayong nakatitig ako sa kan'ya, ilang beses kong pinagpapasalamat sa Diyos na pinagtagpo n'ya ulit ang landas namin. S'ya na lang ang nakapitan ko sa tagal ng panahong nauubusan na ako ng pag-asa at hindi n'ya ako binigo.

"Good morning." I gasped at her sweet voice. I've longed so much to hear her again.

"Good morning," anas ko at pasimpleng pinakawalan ang hanging napigil.

"Napaaga ka naman. Nag-almusal ka na ba? Lika, sabay ka na sa'min," yaya n'ya at pinapasok ako sa loob ng bahay ni Ces. Binati n'ya ako at inasikaso ang anak n'ya. I carefully approached Phillie to help her set up the table. Bahagya pa s'yang napaigtad nang ako ang umabot sa hawak n'ya pero nagpatuloy lang s'ya na parang hindi sya nagulat.

Hindi pa rin ako makapaniwalang abot-kamay ko na s'ya...

"Rino, gusto mo ng kape?" tanong n'ya.

"Please."

Humaplos ang pinaghalo init at sakit sa puso ko nang bigyan n'ya ako ng ngiti. I bit my tongue. Kinontrol ko ang emosyon dahil alam kong gumagapang na sa akin ang pamilyar na takot.

Nakatitig lang ako sa likod n'ya. Heto na naman ako. Nandito na naman ako sa sitwasyon na abot-kamay ko s'ya pero hindi ko s'ya mahahawakan. May maliit na boses sa isip ko na nagsasabing ang taong nasa harap ko... ay hindi na si Phillie.

Alam ng Diyos kung gaano ko kagustong tumakbo sa kan'ya at yakapin s'ya nang mahigpit nang matagpuan ko s'ya sa rito sa Guimaras. Pero lahat ng 'yun ay parang tinangay lang ng hangin nang walang emosyon n'ya akong tinignan. Ni wala 'yung pakialam... na parang hindi n'ya ako kilala.

Hindi ko nakita ang sarili ko sa mga mata n'ya... ni katiting na epekto... wala.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan n'ya nang mga panahon na 'yun kaya inobserbahan ko s'ya. Nagtrabaho ako bilang magsasaka sa sakahan ng kapitan dahil madalas kong makita na sinasama ng anak n'ya si Phillie roon. Inupahan ko rin ang bahay na katabi lang ng sa kan'ya sa pag-asa na maging mas malapit kami pero maging 'yun, hindi n'ya napansin. Nanatili akong nakatanaw lang, hindi nagtatago pero hindi rin lumalapit. But my presence never bother her.

She looks at me... like she never has met me before.

Kumain ako nang tahimik habang s'ya naman nilalaro ang anak ni Ces. Hindi ko mapigilang alalahanin na ganito rin s'ya kay Gigi dati. Naalala n'ya ba 'to sa anak ni Ces?

"Nakatulog ka ba ng maayos dito?" bukas ko ng usapan dahil nag-umpisa na naman s'yang hindi ako pansinin. Nakalimutan n'yang nandito ako.

"Ah, mababaw lang."

Saglit ko s'yang tinitigan. "Napuyat ka?"

Alanganin s'yang humigop ng kape. "Namahay lang siguro ako."

"Dumaan ako sa bahay mo kanina. Sabi ni Kapitan pwede ka nang bumalik mamaya."

"Sige," simple n'yang sagot at wala nang balak dugtungan.

Binasag ko ulit ang katahimikan na nabuo. "Anong plano mo ngayong araw?"

"Sa trabaho lang. Marami pa akong hindi natatapos na order. Mamayag hapon may delivery ako."

"Okay."

"Rino..." Mapait akong napalunok nang tawagin n'ya ako sa pangalan na 'yun. Binalingan ko s'ya. "Hindi ko naman talaga kailangan ng bodyguard."

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)Where stories live. Discover now