#08

62 2 0
                                    

#08

Nakaupo ako sa hallway ng municipyo habang hinihintay si Phillie na nasa counter. Tatlong oras ang vacant namin ngayon kaya sinamahan ko s'ya para kumuha ng allowance n'ya.

Habang nasa counter ay paulit-ulit n'yang binibinilang ang perang nakuha. Napapapilig ang ulo at para bang nagtataka. Nagtanong pa s'ya sa cashier.

"Kabado ka?"

Bahagya akong nagulat nang may magsalita sa gilid ko. Nakita ko roon ang assistant ni Mayor na nakatingin din kay Phillie. She teasingly elbowed me.

"Nagtataka na talaga 'yan. Dalawang libo ang nadagdag sa allowance n'ya."

"Hindi naman po siguro," sagot ko. "Salamat po sa pag-aasikaso. Pasabi rin po kay Mayor na salamat."

"Naku, malakas ka roon sa ninong mo! Isa pa, maganda naman ang hangarin mo. Talagang pinanindigan mo 'yang pagiging secret Santa mo kay Loyola, ah?"

I just smiled. Truth is, napakiusapan ko si Mayor na gawan ako ng pabor pagdating kay Phillie. Dahil isa s'yang scholar ng mayor, nagagawa kong magpuslit ng pandagdag sa binibigay sa kan'yang monthly allowance. Mula sa naiipon kong allowance, nakiusap ako na kung pwede ay buwan-buwan akong magdadagdag ng 1k sa allowance na natatanggap ni Phillie. Pero ngayong buwan, 2k ang dinagdag ko.

Bumalik si Phillie sa tabi ko at nang makita ang assistant ni Mayor ay agad nagtanong. "Good afternoon po! Talaga pong nagdagdag si Mayor ng allowance?"

"Uh, o-oo! Natutuwa kasi si Mayor ngayon dahil mas magaganda ang natatanggap n'yang responses from scholars. Regalo na n'ya 'yan," palusot ng assistant na panay naman ang baling sa'kin. Mahahalata kami n'yan!

"Ganu'n po? Pasabi po kay Mayor salamat! Gagalingan ko pa po!"

"That's the attitude!"

Nagpaalam na rin sa amin ang assistant at nagpasya na rin kaming bumalik sa campus. Naghihintay sa amin ang iba dahil pupunta kami sa library ngayon para mag-aral.

"Itago mo na 'yan, panget," sabi ko nang makitang binibilang n'ya pa rin ang pera.

"O." Natigil ako nang maglahad s'ya ng isang libo sa'kin. Tumaas ang kilay ko.

"Anong gagawin ko d'yan?"

"Kunin mo. Ikaw kaya ang dahilan kung bakit ako nakakapasa," pabiro n'ya akong binunggo. "Pa-thank you ko na, panget."

"Hindi ko kailangan n'yan, Phillie."

"Lah, sige na! Partners tayo. Gusto ko i-share sa'yo 'yung blessing ko."

Are you kidding me? Ibabalik n'ya yung pera na ako rin naman ang nagdagdag?

Umiling ako at hinigit ang leeg n'ya para ipitin sa braso ko.

"Shutacca, Mon!"

"Ayoko n'yan. Bili mo na lang ako ng cucumber lemonade." Kinurot n'ya ako kaya napangiwi ako at nagkunwaring nasaktan. "Lagi mo na lang ako sinasaktan, Phillie!"

"Ang arte! Ang sabihin mo, gaya-gaya ka ng favorite! Akin ang cucumber lemonade. Mag-isip ka ng sa'yo."

Umirap ako at isinuot sa kan'ya ang sumbrero. Kinuha ko ang akin at nagsuot din nang makalabas kami ng municipyo.

"Gusto ko rin nu'n. Wala kang magagawa. Bili mo 'ko."

"Ang demanding ng baby!" Tumawa s'ya dahilan nang pagtabig ko ng sumbrero n'ya pababa kaya wala na s'yang makita. "Hoy!"

"Stop saying that, Phillie Layne!" My ears were fucking red!

Bumili kami ng pagkain para pasalubong sa iba naming kaibigan. Nag-aabang na sila sa amin sa canteen nang makarating kami. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa library para makapagsimula na.

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon