#14

72 2 3
                                    

#14

Pabalik-balik ang tingin ko kay Phillie, Ynok, at sa kamay nitong nakahawak sa kan'ya. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko habang nakikita s'yang lumalapit sa amin at gulong-gulo. Binitawan ko si Annika na umiiyak at hinarap s'ya. Naalala ko kung paano lumapit sa kan'ya si Lance na parang magkakilala sila.

"A-Anong nangyayari? Bakit ka nandito, Mon?"

"Bakit kilala mo si Lance?" Sinalubong ko s'ya na naguguluhan din. "Ikaw ba ang nagpasok sa kan'ya sa subdivision?"

"O-Oo. Gusto n'ya raw makausap si Annika. M-Mali ba 'yung ginawa ko?" Mariin akong napapikit at malalim na bumuntong hininga. Hindi alam ni Phillie kaya wala s'yang kasalanan.

"You should've called me! O kaya sinabi mo man lang sa'kin!" akusa ni Annika na hindi matigil sa pag-iyak.

"Ano ba kasing nangyayari? Bakit hindi n'yo sabihin ngayon?" si Ynok na lumapit kay Phillie. Binigyan ko s'ya ng nakakamatay na tingin at hinila si Phillie sa gilid ko.

"Ihatid mo na pabalik si Annika, Ynok." Hinarap ko si Phillie. "Mag-usap tayo."

"Ayoko. Sasama ako pabalik kina Ynok." Suminghap ako nang binawi n'ya ang kamay n'ya.

"Phillie," tawag ko pero tinalikuran n'ya ako. Kusang humakbang ang mga paa ko para sumunod sa nagmamadali n'yang lakad palayo.

Masama ang pakiramdam ko. Natatakot ako na kapag hinayaan kong makalapit s'ya kay Ynok, hindi ko na s'ya makukuha ulit!

"Phillie!"

"Ano ba!" palag n'ya nang muli kong mahawakan.

"Fuck off, Rino!" singhal ni Ynok. Tinulak ko s'ya palayo at madilim na tinignan.

"Stay out of this. Let's go." Hila si Phillie, lumayo kami sa kanila. Kailangan ko s'yang ilayo rito. I want our alone time. I want our peace. Para akong may hinahabol na unti-unting nawawala sa kamay ko.

"Bitawan mo ako."

"Malapit na rito kung saan nakapark ang sasakyan—"

"Hindi ako sasakay sa sasakyan mo! Bitawan mo ako, Richmon!" I stopped dead when I saw how mad she was. Nahigit ko ang hininga nang itulak n'ya ako. "Gusto mo mag-usap? Sige! Mag-usap tayo rito dahil hindi na rin ako makapagtimpi sa'yo!"

Tinitigan n'ya ako. "Oo! Ako ang nagpasok dito kay Lance. Desperado s'yang nakiusap sa'kin na gusto n'yang makausap kay Annika. Nu'ng una ayoko pero naawa ako!"

"That's her ex! Annika came from an abusive relationship. Sinasaktan s'ya nu'ng Lance na 'yun!"

"Paano ko malalaman kung hindi nga kayo nagsasalita?! You left me in the dark! Ngayon tuloy nilalamon ako ng konsensya ko dahil nakatrigger pa ako ng troma!" Mabilis ang paghinga n'ya dahil sa galit. "Kaya rin naman namin s'yang protektahan! Kung sinabi n'yo sa'min edi sana alam din namin kung paano s'ya ilalayo kay Lance! Sana hindi ako parang tanga na napaparanoid kung anong meron sa inyong dalawa!" Her following words were dripping like poison. "Maliban na lang kung may namamagitan talaga sa inyo..."

Nagtangis ang panga ko sa inis. "Wala!"

"Don't lie to me!"

That triggered me. "I'm not lying! 'Yan ang mahirap sa'yo, Phillie. Kahit ilang beses kong sabihing wala, hindi ka naniniwala!"

"Dahil hindi naman 'yun ang pinapakita at pinaparamdam mo sa'kin!" balik n'ya. "Tangina! Hindi mo ba naiintindihan kung bakit kita paulit-ulit na tinatanong? Kung bakit lagi kong pinapaalala sa'yo na sabihin mo sa'kin kapag may nagugustuhan ka na? Kapag may minamahal ka na? Para maiwasan kong masaktan ng ganito! Para alam ko kung kailan ako lalayo. Kung kailan kita kailangan pakawalan. Kung kailan kailangan ko nang tanggapin na may iba ka nang binibigyan ng atensyon!"

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن