#04

62 2 0
                                    

#04

"Rino, may naghahanap sa'yo," tawag sa'kin ng isang class representative nang pumasok s'ya sa office.

"Sino raw?" tanong ko. Abala ako sa pagsasalansan ng mga papel at ayokong maistorbo kung hindi naman mahalaga o si Phillie ang naghahanap.

"'Yung ultimate fan mo. Si Haley."

Tumaas ang kilay ko roon. "Sabihin mo ayoko."

"Takot ako 'dun, pre! Senior natin 'yun. 'Yoko ngang maaway."

May isa pang pumasok na representative. Mukhang nakikipag-usap s'ya kung kanino bago maisara ang pinto.

"Ah, Rino. Nandito ka pala. Hanap ka ni Phillie. Dinalhan ka ng lunch—"

Mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo at iniwan ang mga nakasabog na papel. Halos takbuhin ko ang pinto na ilang hakbang lang naman ang layo sa'kin.

"Hanap mo 'ko, panget—" Bumagsak ang enerhiya ko nang si Haley ang makita sa labas ng pinto. Inilibot ko pa ang tingin pero wala roon si panget. "Tagalang nanakot ka pa para mauto ako?"

I lazily looked down at Haley whose eyes were piercing at me.

"Ano na naman?"

Inangat n'ya ang lunchbox na dala kaya lalong bumagsak ang mukha ko. "Kunin mo."

"Ayoko."

"Hindi ako nakikiusap! Inuutusan kita na kunin mo!"

The nerve. Talagang pinapanindigan n'ya ang pagiging superior, ha. Sumandal ako sa ambahan ng pinto.

"It doesn't matter, Haley. Hindi ko kukunin 'yan."

"'Edi ako ang magbibigay!"

"Kaya mo?"

Halos maghimutok s'ya sa pula ng mukha dahil sa inis. Napailing na lang ako.

"Stop being a jerk and get this, Rino."

"How about stop being a coward and man up, Haley?" Matabang ang tono kong naiinis.

Bumukas ang pinto at dumaan sa gitna namin ang ilang representatives. Biglang tumamis ang ngiti ni Haley at pabebeng nagsalita.

"Sige na, Rino, please? Gumising pa talaga ako ng maaga para ipagluto ka. Promise, kapag tinanggap mo 'to, hindi na kita kukulitin." She sweetly swang the lunch bag and batted her eyelashes.

Tangina. Nasusuka ako.

"No."

Tinalikuran ko s'ya para pumasok sa loob. Narinig kong nagsinghapan ang mga babaeng nakakita sa amin. Sa huli, ako na naman ang nagmukhang poging heartbreaker.

Well, there's no denying that I'm good-looking.

"Rino!"

"Whatever, Haley."

Talagang pinapanindigan n'ya 'yang pagpapanggap na patay na patay s'ya sa'kin? She's my sworn enemy!

Hindi alam ng lahat, maging si Phillie na wala naman talagang gusto sa'kin si Haley. She sucks at dealing her emotions na nagugulo ang perception ng iba sa kan'ya. Pero hindi ko naman s'ya masisisi. She's just struggling. Ang ayoko lang, pati si Phillie dinadamay n'ya.

Nang matapos ko ang gagawin ay kinuha ko ang cellphone ko para i-chat si panget. Baka nalipasan na 'to ng gutom. Sakto namang pagbukas ko ay may chat na s'ya. Kanina pa ito.

Phillie Nuts: Panget.

Phillie Nuts: Pinagsulat kita ng notes ha. Pakopya ako sa quiz bukas!

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)Where stories live. Discover now