#20

67 3 0
                                    

#20

May kaba sa puso ko habang niyayakag si Phillie sa pasilyong madalas kong tinutungo lalo na kapag nangungulila ako sa kan'ya.

"Sa'n papunta 'to, Mon?"

Ngumiti lang ako bilang sagot at huminto sa tapat ng pinto. I gently squeezed her hand and punched the code to open the door. Well, there's no hiding anymore.

"Come." I motioned her inside at hinanda ang sarili ko sa magiging reaksyon n'ya.

"W-What..."

Nang buksan ko ang ilaw ng silid ay tuluyan s'yang kumawala sa'kin. May mangha at naguguluhan n'ya akong pinasadahan ng tingin bago magsimulang maglibot sa silid kung saan ko tinatago ang mga sapatos na gusto kong ibigay sa kan'ya.

Isa 'yung malaking kwarto na nakalaan lang talaga para sa mga sapatos ni Phillie. Mula sa mga local brands hanggang sa mga luxurious at limited item binibilhan ko s'ya kapag nakakaiipon ako ng extrang pera.

"Mon, ano 'to?" she breathed in awe because of what she was seeing. Lumapit ako sa kan'ya at marahan s'yang hinila sa isang rack. Kumuha ako ng isang sapatos at inilahad 'yun sa kan'ya. That was a Dior J'Adior Slingback Pump in nude color. Agad s'yang umiling at nahiya pero muli ko 'yung nilapit.

"You can touch it, Phillie. This is for you. All of this is for you."

Bumagsak ang panga n'ya. "H-Hoy! 'Di ka manggu-good time for today's video. Anong sa'kin 'yan? Nabuang ka na?!"

I chuckled. Maybe. "Seryoso ako, Phillie Layne. Lahat ng sapatos na nakikita mo, pinag-ipunan ko para ibigay sa'yo. Pero alam kong hindi ka pa handa para tanggapin ang mga ito kaya inilagay ko muna rito."

"Pero Mon, sa dami nito para ka nang magtatayo ng shoe store. Ang gara... m-mukhang mamahalin lahat!"

"Sapat lang para mapakain ka at magiging pamilya natin. 'Wag kang mag-alala, kapag maubusan na ako ng pera at wala nang mapakain sa'yo, ito ang ibebenta natin. Pero imposibleng mawalan ako ng pera kaya 'di mangyayari 'yun. Madadagdagan pa 'to."

Napangiwi ako nang bigwasan n'ya ako sa tiyan. Pinanlakihan n'ya ako ng mata pero bumaba rin ang tingin sa sapatos. Inabot n'ya 'yun at matamang pinagmasdan.

"This is too much. Parang hindi bagay sa'kin, Mon. Hindi ko yata matatanggap 'to," anas n'ya kaya kinuha ko ang sapatos at lumuhod sa kan'ya. Sinuot ko 'yun sa kan'ya at parehong nahigit ang hininga namin ng makita kung gaano 'yun kaperperkto sa mga paa n'ya. Tumayo ako hinarap kami sa salamin. Niyakap ko s'ya mula sa likod sabay bulong. "You look amazing."

May ningning sa mga mata n'ya at napangiti habang pinagmamasdan ang sapatos.

"Hindi mo naman kailangan mapressure na tangggapin ang lahat ng ito ngayon. Pero tandaan mo na sa'yo lang mapupunta 'to kaya I suggest, simulan mo na silang gamitin."

Hinarap n'ya ako nang may napagtanto. "Ibig sabihin dito galing 'yung binigay mong sapatos kay Amy?"

"Oo. Pero nasa kabilang kwarto 'yun. May nakalaan ding sapatos para sa mga kapatid mo."

"Ha?! T-Teka, alam ba 'to ni Abuela? Baka isipin n'ya sa'kin mo winawaldas ang pera mo!"

Hinila ko ulit s'ya sa rack na puro naman plain at classic design. "Oh, she approved this. S'ya pa nga ang nagpagawa ng shoe closet na 'to, eh."

Mukhang naooverwhelmed na s'ya sa mga nakikita. Muli s'ya kumuha ng sapatos at sinipat ang yari nito. Isa 'yung plain white rubber shoes na tila isang canvas. "Bakit sapatos?"

Napangiti ako roon. Giniya ko s'ya sa sofa'ng nandu'n para makaupo kaming dalawa. Sa tingin ko hindi pa rin n'ya narerealize ang dahilan kung bakit sapatos ang gusto kong ibigay sa kan'ya.

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)Where stories live. Discover now