#28

36 2 0
                                    

#28

WARNING: Mature Content

If I could just raise a white flag to surrender, I would.

Bugbog na bugbog na ako ng galit at masasakit na salita galing kay Phillie. Hindi ko na nabilang kung ilang beses n'yang dinudurog ang puso ko at walang awang tinatapak-tapakan 'yun.

Masakit nang malaman na may dissociative disorder s'ya. Na totoong hindi n'ya ako maalala o lahat ng nangyari bago at nu'ng kasagsagan ng trahedya. Pinanghinaan na ako nang sabihin n'yang ayaw n'yang bumalik at alalahanin ang lahat...

Pero nang itanong n'ya kung may importansya ba ako sa buhay n'ya? Para akong tinulak pabalik sa bangin na sandali kong inahunan. It was fucking heart-shattering.

But giving up is not an option. Hinding-hindi ko 'yun magiging option pagdating sa kan'ya. Kailan ba ako sumuko sa kan'ya? Napapagod lang ako pero hindi ako kailanman bumitaw. Ngayon pa ba kung kailan n'ya ako pinakakailangan?

Marami akong pagkukulang sa kan'ya at malaki ang posibilidad na panibagong muhi ang mararamdaman n'ya sa'kin kapag bumalik sa alaala n'ya ang eskandalo ng pamilya naming dalawa na naging dahilan kaya namatay si Tita Pia. Kapag mangyari 'yun... anong gagawin ko?

Maliban sa magmakaawa na bigyan n'ya ulit ako ng pagkakataon, wala na akong nakahandang plano. Kung hindi n'ya ako tanggapin... susubukuan ko ulit.

Wala akong magawa kundi bigyan s'ya ng masamang tingin. I feel like a fucking stupid. I am fucking pathetic. Bakit ang hina ko pagdating sa'yo, Phillie? Sagad na sagad na ako! Nasa punto na ako na konting-konti na lang, itatali na kita sa'kin at kikidnapin! Dadalhin kita sa isla na tayong dalawa lang ang tao para wala kang kawala. Kahit lumangoy ka palayo o maglupasay kakahingi ng tulong, sisiguraduhin kong sa tabi ko ang bagsak mo tuwing gabi!

Fuck! Mababaliw na yata ako. 'Yun lang ang ideya na meron ako para wala s'yang choice kundi piliin ako!

Malamig lang ang tingin n'ya. Pinaparamdam n'ya sa'king hindi ako welcome dito. Hindi na ako welcome sa buhay n'ya.

"Ano pa bang gusto mong malaman? Nasabi ko naman na kagabi."

Umiling ako. "I need the full details."

Hindi na n'ya napigilang umirap. Ikinuwento n'ya na sa'kin lahat ng nangyari mula nang magising s'ya sa Victoria hanggang sa kung paano s'ya napunta rito. Taimtim akong nakikinig. Pero habang dumarami ang nalalaman ko, mariin na lang ako napapalunok at mabigat na napapabuntong hininga.

In her unguarded moments, I saw her tamed yet confused expression. Nahihirapan ako na makita s'yang nahihirapan. Nawawasak ang puso ko na ganito kabigat ang pinagdaraanan n'ya sa loob ng pitong taon. I should've been there for her. Kulang na kulang ang effort ko.

Nahigit ko ang hininga nang sandaling magtama ang mata namin. Akala ko itataas na naman n'ya ang pader pero ikinagulat ko ang amo ng pagtingin n'ya sa akin. Sa guni-guni ko may kislap pa sa paraan ng pagtingin n'ya. Payapa s'yang huminga pagkatapos magkwento.

Gustong-gusto ko s'yang yakapin at sabihin na magsimula na lang ulit kami ng bago. Kung gusto n'ya rito, hindi kami babalik. Dito lang kami. Kung ayaw n'yang alalahanin ang nakaraan, rerespetuhin ko 'yun. Kung magbago ang isip n'ya ako mismo ang tutulong sa kan'ya.

Pero may kung anong pumitik na ugat sa'kin nang mabanggit n'ya si Haley. Sumiklab ang matinding galit ko para sa kan'ya. Kalokohan lahat ng 'yun!

"Mali ang lahat ng sinabi sa'yo ni Haley. She told you lies! Hindi kayo magbestfriend. Marami kang kaibigan. Pati ako sinadya n'yang hindi isama sa kwento!"

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)Where stories live. Discover now