Epilogue

57 3 20
                                    

Epilogue

"Teacher! Binato ni Phillie 'yung eraser ko!"

"Phillie! Bakit ba lagi mong inaaway 'yung classmates mo? Bad 'yan. Dapat magkakapatid ang turingan n'yo."

Tumigil ako sandali sa pagsusulat ng pangalan ko sa papel para lingunin ang batang pinagsasabihan ng teacher namin. Nagpaiyak na naman kasi s'ya ng kaklase namin. Araw-araw yata lagi s'yang narereklamo.

Pinagmasdan ko ang mukha n'yang nakabusangot at umismid sa sinabi ni Teacher.

"Ayoko ko s'yang kapatid, Teacher. 'Di s'ya maganda."

Lalong umiyak 'yung kaklase namin sa sinabi n'ya habang ako napaawang na lang ang labi sa bigla. Hindi ba s'ya tinuruan ng manners? Sabi ni Abuela hindi raw dapat tinatawag ang kapwa mo ng ganu'n. Naiirita ako sa ugali n'ya.

Uwian na. Wala ng pasok ang mga panghapon na kinder. Sinundo na rin 'yung kaklase naming pinaiyak ni Phillie kaya kaming dalawa na lang ang natirang bata sa room. Magkalayo kami ng upuan. Malapit ako sa may pinto habang si Phillie nasa unahan. Hindi ko pinahalata na naaaninag ko s'ya nu'ng tumingin s'ya sa labas para tignan ang kaklase naming masuyong pinapatahan ng tatay nito. Hindi ko tuloy napigilang lumingon din. Napansin n'ya ako kaya nang magtama ang tingin namin mataray s'yang umirap.

She's a brat. She's not nice.

Titingin na sana ulit s'ya sa unahan pero mabilis ulit napalingon sa gawi ko. Palipat-lipat ang tingin n'ya sa'kin at sa mga bagong dumating.

"Rino." Nagliwanag ang mata ko nang marinig ang boses ni Abuela. Inayos ko na ang bag ko para makaalis na kami pero hindi lang pala s'ya ang magsusundo sa'kin ngayon. Kasama n'ya rin sina Mama at Papa.

Kinausap nila si Teacher. Malaki rin ang ngiti nila habang pinag-uusapan ang maganda kong performance sa school.

"Bakit po sila nandito, La?" tanong ko. "Bati na po sila? Ayoko pong magschool sa Manila. Dito lang ako sa inyo, Abuela." Umiling pa ako para mapakita na ayaw ko talaga. Okay na 'ko rito sa Laguna. Madami akong kalaro. Sina Ate at Kuya wala namang pakialam sa'kin. Lagi rin namang galit si Mama tapos si Papa 'di ako pinapansin.

Hinaplos ni Abuela ang buhok ko. "Napakiusapan ko na ang Mama at Papa mo. Pumayag sila na rito ka lang muna, hijo. Marami rin silang aasikasuhin sa negosyo kaya ako muna ang mag-aalaga sa'yo."

Maginhawa akong napangiti nu'n. Lumapit sa'kin sina Mama at Papa nang nakangiti pero alam kong peke lang 'yun kasi nakatingin pa si Teacher. Mamaya hindi na nila ako papansinin.

Nahagip ng mata ko si Phillie na bitbit na ang bag n'ya at lumabas na rin ng room. Tinawag s'ya ni Teacher.

"Phillie! Wala pa ang sundo mo!"

"'Di po darating 'yun si Mama! Busy s'ya magtrabaho! Big girl na 'ko, Teacher. Kaya ko na pong umuwi! Ba-bye!"

Tumakbo na s'ya pero nang mapadaan sa'min ay sandaling nagdahan-dahan para mag-excuse tapos tumakbo na ulit nang makalagpas.

"Classmate mo 'yun, hijo? Bakit pinapayagan 'yun umuwi ng walang sundo? Baka mapahamak 'yun!"

"Susundan ko po. Ihatid natin, Abuela!" sabi ko at tumakbo rin para mahabol s'ya. Naabutan ko s'yang naghihintay makatawid sa pedestrian.

"Phillie!" Mabilis kong hinatak ang kwelyo ng uniform n'ya nang magtangka s'yang humakbang.

"Aray ko!" daing n'ya. Pinalo n'ya ang kamay ko. "Ba't ka nananakal? Suntukin kita gusto mo?!"

"Ba't ka tatawid, eh, green light pa!"

"'Di ako tatawid, tanga! Naayos lang ako ng tayo!"

Nainis ako sa sinabi n'ya. "That's a bad word! Stop saying that!"

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)Where stories live. Discover now