#09

65 2 0
                                    

#09

Maagang nagsimula ang araw para sa akin. Alas singko ng umaga ay pumunta na ako sa kliyente kong nagpalaba. Hindi 'yun karamihan kaya bago pa mag-alas siete ay natapos na ako sa pagsasampay. Wala akong pasok ngayon kaya mailalaan ko ang buong araw sa pag-aasikaso sa bahay.

"Salamat, Phillie! Maasahan ka talaga! Kaya gustong-gusto ko sa'yong magpalaba, eh. Kulang na lang kumintab na sa linis at puti ang mga tela!"

Natatawa ako sa tuwing nakakakuha ng ganu'ng komplimento. Parang humahaba ang ilong ko sa papuri. Aba, talaga lang! Kung si Gordon Ramsay ang master sa pagluluto, ako yata ang master sa paglalaba. This girl is the queen of sabon at planggana since 9 years old, baby!

Ipinagpapasalamat ko na marami ang nagtitiwala sa akin sa paglalaba. Dahil sa magagandang komento sa trabaho ko, parang buong block namin kliyente ko. Minsan nga nakakarating pa ako sa mga phase dahil narerekomenda ako roon.

Napaawang ang labi ko nang makitang sobra ang ibinigay na bayad sa akin. "A-Ate, sobra po ito."

Bago ko pa maibalik sa kan'ya ay hinawakan na n'ya ang kamay ko at tiniklop. "Ay, sige na! Natutuwa ako talaga sa trabaho mo. O, ito pa. Iuwi mo na 'to sa bahay n'yo. Sinadya ko talagang marami ang ilutong ulam dahil mamimigay din ako sa mga kapitbahay."

Todo pasalamat ako sa natanggap na pagkain. Hindi mo rin talaga maitatanggi na kahit nakakabwisit minsan ang buhay ay marami pa ring tao na may malasakit sa kapwa.

"Suking-suki na talaga ako ng pamilya mo, Phillie. Ang mama mo, sa mga gulay na tinitinda n'ya sa palengke. Ikaw sa paglalaba. Tapos si Jek sa mga paninda n'yang almusal. Naku! Gustong-gusto ko 'yung sopas at champurrado. Kayo ba mismo ang nagluluto nu'n?"

"Hindi po. Kumukuha lang din po kami."

"Alam mo, sa tingin ko, kaya n'yo 'yun! Baka nga mas masarap pa dahil alam nating magaling magluto ang mama mo. Bakit hindi n'yo subukan?"

Napag-isipan na rin namin 'to nina Mama at Jek pero hindi muna ngayon. Mas matrabaho kasi 'yun dahil gagawin pa at kami pa mismo ang magbebenta. Gustong ituloy ni Mama dahil aniya'y si Jek naman ang magtitinda habang ako ang mamamahala sa mga napagbentahan at si Mama sa pagluluto. I suggested that we should just settle with our particular jobs right now. Naaawa rin kasi ako kay Jek na alas tres pa lang nasa panaderya na para umekstra bago magtinda ng almusal ng alas singko.

Kung ako lang naman ang masusunod, ayoko na sana patulungin ang kapatid pero sa klase ng buhay na meron kami, kailangan din talaga namin ang tulong ng isa't isa. Si Amy nga ay nag-uumpisa na ring magtanong sa akin kung pwede rin ba s'yang magtrabaho na agad kong hinindian. S'ya ang naiiwang pinakamatanda sa bahay sa tuwing wala kaming tatlo. Ipinapaintindi ko sa kan'ya na hindi n'ya kailangan ng literal na trabaho para masabing nakakatulong s'ya sa pamilya. Sa pamamahala n'ya pa lang sa bahay at pag-aalaga sa maliliit naming kapatid sa tuwing wala kami nina Jek at Mama ay malaki ng responsibilidad. Malaking-malaki nang tulong 'yun.

"Salamat po! Mauuna na po ako. Good day!" Masaya akong naglakad pabalik sa bahay namin habang nagcha-chat sa gc naming pamilya na may ulam na kami para mamayang tanghali. Sa dami ng ibinigay ng kliyente ko, aabot na ito hanggang mamayang hapunan.

Phillie Nuts: Mabubusog na tayo mga dukha! May ibinigay sa aking ulam yung nagpalaba.

A(r)my: y0oooOwn!,, m4Y güLây vA DyAπn tíH? P4πà wAlàñ6 Takã$ unG kAmVäl!,,

Phillie Nuts: Yep. Dalawang putahe to.

Sinasanay kasi namin sina Mikay at Kikay na mahilig sa gulay. Kumakain naman sila pero medyo pahirapan kaya ginagawan namin ng strategy. We were raised to eat what's on the table. Una, dahil ipinagpapasalamat pa rin namin na nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw at pangalawa, dahil wala rin naman kaming choice para maging choosy sa pagkain.

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)Where stories live. Discover now