Day 96

1.9K 140 6
                                    

(Phone conversation)

01:38 PM

Magnus:
Hello, Paps. Meeting ko sa coordinator saka do'n sa Hammond ngayon. Gusto mo ba pumunta para makipag-usap? 

(Silence)

Liam:
Hindi na.

Magnus:
Sigurado ka? 

Liam:
(Sighs) Hindi. (Long pause) Pero mali naman manggulo. Baka maging notorious na 'kong obsess na ex.

(Silence)

Magnus:
Usap lang naman eh. Hindi ka ba magsisisi 'pag 'di mo man lang kinausap bago 'yong sa Sabado? 

Liam:
Magsisisi. Pero baka kaya hindi kami magtagpo nang maayos dahil hindi talaga dapat magtagpo. Puwede kong ipilit at kaya ko namang magmukhang tanga... kaso pagkatapos, ano na uli? Kaya 'wag n'yo na 'ko i-update. Naghahanda ako gamit para mamaya. 

Magnus:
Ano'ng oras alis n'yo ni Vernon pa-Quezon? 

Liam:
Alas-otso.

Magnus:
(Sighs) Alam kong 'pag may desisyon ka na, mahirap na baguhin. Gaya no'ng kay Maggie noon. Nagmakaawa ka no'ng kayo pa pero pagbitiw mo, bitiw talaga. Gano'n din ba kay Miles? Bumitiw ka na ba talaga?

Liam:
Baba ko na 'to. Ingat.

Magnus:
'Ge. 

Call ended. 

Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon