Day 29

2.8K 278 59
                                    

Mon | 08:34 AM 


Val: 
Papi, good morning! 🤗

Liam:
aga ah. anong atin, par? 

Val:
Ano ba yan, Paps. Pangit mo na ka-bonding! 

Liam:
hahahaha. ano ba yun, pretty?

Val:
Paalis na ba kayo para sa shoot nyo?

Liam:
maya-maya. bakit yun? may gusto ka ipabili sa vigan?
gusto mo pasalubong? 
wala akong pera

Val:
Mali ka, Papi. No need ng pasalubong. Actually, ako ang may ibibigay sayo para sa trip nyo mamaya.

Liam:
bakit? ano yan? 

Val:
Makatanong ka, Paps, parang ayaw mo sa ibibigay ko. Wala pa nga eh.

Liam:
di naman. kakaduda lang

Val:
Tama yan, magduda ka. Hahahaha

Liam:
siraulo ka, valerio. tumulong ako sa setup para sa bday ni chuchu ah. 
nangalay braso ko kabubuhat kahapon. wala akong atraso

Val:
Hahahahahahahahaha

Val:
Natatawa ako kahit nahu-hurt ako. Kakainis ka. 
At Tzutzi yorn! Hahahaha

Val:
Oo, wala kang atraso. Sobrang thankful ko nga sa tulong mo kahapon kaya may ipapabaon ako sa byahe nyo mamaya pa-Vigan.

Liam:
kabado ako ah
sama ng loob ba papabaon mo?
meron pa ko nyan

Val:
Hahahahaha. Ang arte mo, Paps. Pagkain lang papabaon ko sayo. 

Liam:
bakit?

Val:
Thankful nga kasi ako sayo para sa kahapon. 

Liam:
dami ko nang nagawa para sayo ah. bakit kahapon ka lang thankful? 

Val:
Sorry pu kung ganun, amo bossing. Kahapon lang nagising ang grateful heart ko. Ang gratitude ko, minsan ay depende sa datung. Hahahaha 

Liam:
hahahahaha

Val:
Hay naku, Paps. Wag mo na ko pahirapan at tanungin nang hard. Basta wag ka munang umalis at ibibigay ko sayo ang mga dapat ibigay. Tanggapin mo na lang.

Liam:
hahahahaha. bat ka galet?

Val:
Hindi ako galet. Thankful nga ako sayo, par. 

Liam:
haha. o sige, par. tatanggapin ko ibibigay mo, par. 

Val: 
Hay naku, salamat. 

Liam:
gege


09:17 AM 


Liam: 
ang dami pala nitong ibinigay mo. hindi halata sa plastik na pinaglagyan mo

Val:
Kutkutin at drinks yan. Tama lang yan dahil ilang oras din kayong babyahe. 

Liam:
naks. salamat.

Liam:
Ako lang to, Paps. Galante. Mabait. Maganda.

Liam:
iba ang kilala kong galante, mabait, maganda

Val:
Sino?

Liam:
si miles

Val:
Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee

Val:
Kung okay lang naman sayo, galante, mabait, at maganda rin ako.

Liam:
haha. gege

Liam:
yung bilin ko pala ah

Val:
Yes, Papi. Ako ang bahala sa Miles mo, Papi. 

Liam:
baka kursunadahin sa tapsilogan yan. sabi putot, pinag-uusapan na raw yan dun

Val:
Paps, 2 days ka lang wala. Hindi isang buwan at lalong hindi isang taon. Siguradong nakabalik ka na bago may makapiyok kay Miles. 

Val:
Sasabihin ko sa kanilang mumurahin mo silang lahat pag kinursunada Miles mo.

Liam:
gegege

Liam:
uwian kita pasalubong galing vigan. ano ba gusto mo?

Val:
Sabi mo wala kang pera. Hmp

Liam:
wala nga. kukunan ko lang si rohan. hahahahahah

Val:
Hahahahaha. O sige. Okay na ko sa lalaki na daks. 

Liam:
tarantado ka. hahaha 

Val: 
Alangan namang lalaking may smol lang. Boring. 

Liam:
hahahahahaha

Val:
Saya yarn? Haha 

Liam:
basta samahan mo miles pag need nya ha. masarap naman sya kasama. 

Val:
Baka in love ka lang.

Liam:
hindi ah

Val:
Hahahaha. Yes, masarap sya kasama. Wag ka na worry, Paps. 

Liam:
sige sige


Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Where stories live. Discover now