Day 36.5

2.7K 262 61
                                    

Mon | 10:58 PM 

Mama Lily:
Nasaan ka? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tanong ko? 

Mama Lily:
Inaabuso mo na naman yata si Miles!

11:18 PM 

Liam:
grabe bintang mo, ma. haha

Mama Lily:
Nasan ka? 

Liam:
nasa 145 po. pero wala akong ginagawang masama. 

Mama Lily:
Panong nandyan ka pero wala kang ginagawa. Bumalik ka sa unit mo kung wala ka palang gagawin! 

Liam:
nakaunan sakin si miles, ma. sarap ng tulog

Mama Lily:
Hay naku, Liam! 

Liam:
wala kaming ginawa. pinatulog ko lang

Mama Lily:
Anong klaseng patulog? Nagkamot ka ng kati? 

Liam:
lupit naman haha
hindi ako nagkamot ng kati
pinatulog ko lang talaga
cuddle lang ma

Mama Lily:
Cuddle cuddle. Wala bang ibang unan yan at naging unan ka? 

Liam:
boyfriend duties to, ma. hahahaha

Mama Lily:
Ang highblood ko sayo, mother duties din

Liam:
wag ka na highblood mama. wala naman kami ginawa. pramis. 
kahit mabulunan pa si vernon haha

Mama Lily:
Naku... Ang sabi kanina ni Putot ay may ipinagagawa raw sa unit mo.
Anong pinagawa mo na naman? 

Liam:
magagalit ka yata pag sinagot ko ah haha

Mama Lily:
Umayos ka, Liam.

Liam:
nagpa soundproof po.

Mama Lily:
At bakit kailangan mo na naman ng soundproof? Nung huli kang nagpa-soundproof, akala ko ay magkakaapo ako run sa marumi ang pusod!

Liam:
hahahaha taenang yan

Liam:
nubayan ma
hahahah

Mama Lily:
Ay totoo naman na ganun ang nangyari! Naghihintay kami nina Pretty na lumobo ang tiyan ni landi!

Liam:
dami dami kong condom ma

Mama Lily:
Hina-highblood talaga ako sayo, Liam! Hindi pa natin kilala ang pamilya niyan!

Liam:
iniingatan ko naman po si miles.  

Liam:
may naging gf na ba ko na nagreklamo sayo sakin? 

Mama Lily:
Wala pa.

Liam:
wala talaga dahil maingat ako. 

Liam:
saka napag-usapan na namin ni Miles yung sa pamilya niya. papakilala nya raw ako

Mama Lily:
Totoo? Baka binobola nyo ako.

Liam:
totoo haha

Liam:
tindi trust issue mo ah haha

Mama Lily:
Ay natural. Noon kay Maggie ay puro tayo plano sa pakilala, wala naman akong nakilala. Mas nakita ko pa yung ipinalit sayo!

Liam:
peyn

Liam:
pero past is past po haha

Liam:
nag-usap na rin kami na punta kami dyan sa weekend. para mapagalitan mo kami sa personal. hahahaha 

Mama Lily:
Pagagalitan ko talaga kayo, aba!

Mama Lily:
Alam kong malaki ka na pero kahit ikaw ang anak ko, ingatan mo si Miles. Lalo na kung wala na siyang magulang at puro tiyahin at pinsan na lang ang kamag-anak. Ikaw ang dapat na unang mag-isip ng para sa interes niya. Hindi porke girlfriend mo ay aabusuhin mo. 

Liam:
alam ko naman po. akong bahala sa kanya. turuan ko si Miles magsumbong sayo para lagot ako. haha

Mama Lily:
Lagot ka talaga sa akin.  

Liam:
ma, naiistorbo si miles sa katatawa ko rito. haha

Mama Lily:
Ay di wag kang tumawa!

Liam:
hahahaha

Liam:
wag ka na magalit. di pa naman ako mag-aasawa

Liam:
pero baka pwede na maging daddy

Mama Lily:
Punyeta ka!

Liam:
joke lang ma. hahahaha

Liam:
love you. wag ka na masyado highblood. haha

Liam:
tulog na. anong oras na o. 

Mama Lily:
Dyan ka ba matutulog?

Liam:
opo ma. boyfriend duties. luluto pa ko nang maaga

Mama Lily:
Paano ang lakad nyo bukas? 

Liam:
antipolo lang naman po yun. 

Mama Lily:
O sige. Huwag ka nang mangalikot diyan!

Liam:
hahahahaha

Liam:
hindi po

Liam:
kailangan magpahinga ni miles. may trabaho to bukas

Mama Lily:
Mabuti at naiisip mo. 

Liam:
sabi ko naman po sayo, misis montecristo, di naman masyado gago ang anak mo. hahaha

Mama Lily:
O siya sige. Good night na. I love you. Umayos ka.

Liam:
maayos naman po. love you.

Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon