Day 37

2.7K 231 57
                                    

Guwapo Lang Puwede Rito (Bat nandito ka, Vernon?)
Tue | 07:17 AM

Rohan Bato:
San ka na @Liam? 

Silas Uwak:
good morning sa lahat maliban kay @Liam landi.

Vernon Unggoy:
wag ka masyado masaya mag-almusal @Liam. anong oras na o. babiyahe pa. 

Silas Uwak:
buti nga kung gising na eh. 

Silas Uwak:
gumising ka na @Liam. hihiwalayan ka pa ni miles. hahahaha

Daddy Magnus:
san ka na paps? hahahaha

Liam Rupok:
ang aga aga, ingay nyo

Liam Rupok:
almusal lang kami ni miles tas alis na ko.

Daddy Magnus:
almusal o halikan? hahaha

Liam Rupok:
kasama na yun hahahaha

Silas Uwak:
ro, pa kick nga to haha

Vernon Unggoy:
unahin nyo sana almusal paps

Liam Rupok:
may trabaho si Miles. kaya kung hindi kayo istorbo, maya maya lang, tapos na ko rito. 

Vernon Unggoy:
sus. matatapos kayo kung di nyo inaalmusal isa't isa hahaha

Silas Uwak:
syang tunay

Daddy Magnus:
naol haha

Silas Uwak:
magjuwa ka kasi ng aalmusalin magnus. hindi puro dinner

Daddy Magnus:
hahaha takot ako sa commitment

Vernon Unggoy:
tanga nang aagaw ka ng role. kay rohan dapat yan haha

Rohan Bato:
Mga tanga. Hindi ako takot sa commitment. 

Silas Uwak:
sabihin mo, @Magnus takot ka kay Jelena. hahaha

Silas Uwak:
si Ro, hindi takot sa commitment. bulag sa commitment. hahaha

Vernon Unggoy:
hahahaha tumpak tama eksakto

Daddy Magnus:
gegegegege matigil lang kayo 

Rohan Bato:
Una na Silas, Magnus, at ako sa venue. 
Sunod na lang kayo ni Vernon @Liam. 

Liam Rupok:
isama nyo na si vernon baho. hahaha

Vernon Unggoy:
ayoko nga. kailangang siguruhin na on time ka ulol

Liam Rupok:
ikaw mag drive? 

Vernon Unggoy:
gagawin pa nga ako driver amp

Liam Rupok:
libre kita almusal
subuan pa kita gusto mo

Vernon Unggoy:
gago kinikilabutan na ko sayo paps
ibang iba ka na

Silas Uwak:
nagkajuwa ka lang, hindi ka sinapian papi hahaha

Daddy Magnus:
hahahah lakas ng tama nito
tanga era na naman yan pag nasaktan uli

Liam Rupok:
iingay nyo.

Liam Rupok:
daanan ko vernon sa clubhouse. dito muna ko sa Miles ko

Rohan Bato:
Wag kang male-late. Kakaltasan kita. 

Liam Rupok:
hahahaha pota ka

11:41 AM 

Rohan Bato:
Patapos na ba kayo sa bride? @Liam

Liam Rupok:
lapit na. kayo? 

Rohan Bato:
Lapit na rin. 

Daddy Magnus:
nakapagpa-reserve na raw sa restaurant coordinator. deretso na tayo run pagkatapos ng shots para sa bride at groom. 

Daddy Magnus:
tapos deretso tayo tanay para sa shots nila na magkasama.

Liam Rupok:
bakit nagbago plano? 

Daddy Magnus:
magbibigay raw bonus fee. 

Liam Rupok:
ge haha

Liam Rupok:
buti mabilis kausap 

Daddy Magnus:
bait naman tong coordinator. nagbago raw isip ng bride. gusto raw kasi mas maraming puno

Rohan Bato:
Sige. Bilisan na lang natin para makauwi bago rush hour. 

Liam Rupok:
(2) 

08:22 PM

Liam Rupok:
san na kayo? tulungan nyo ko rito

Liam Rupok:
sabi ko dito kayo deretso

Silas Uwak:
demanding ka paps.
libre ba foods?

Liam Rupok:
oo

Vernon Unggoy:
baka lomi lang yan. papagod na kami

Liam Rupok:
potaena hindi haha

Daddy Magnus:
pag hindi libre ni miles, di yan masarap hahaha

Liam Rupok:
tangina ka haha

Liam Rupok:
laki na gastos nun kagabi
wag kayo abusado

Vernon Unggoy:
eh di ikaw lang tumapos ng soundproof dyan haha

Silas Uwak:
syang tunay

Silas Uwak:
papagod pa sa shoot eh

Liam Rupok:
dadala rin ako pagkain sa sabado pag tinulungan nyo ko

Daddy Magnus:
bukod sa sisig?

Liam Rupok:
oo na

Vernon Unggoy:
latag muna pagkain o ako lalatag sa higaan

Silas Uwak:
hahahaha sigurista si gagu

Liam Rupok:
dadala ako crispy pata

Vernon Unggoy:
yun

Silas Uwak:
kung yan na sinabi mo kanina pa

Daddy Magnus:
tama. dali lang makipag-usap eh haha

Liam Rupok:
tapusin na natin ngayong gabi ah

Silas Uwak:
bakit? wala kayo bebe time ni miles?

Liam Rupok:
nag overtime sya. baka hatinggabi na umuwi

Liam Rupok:
sunduin ko sya maya

Vernon Unggoy:
tindi duty mo ah

Liam Rupok:
ganun talaga. malay mo maranasan mo rin ganito next life hahahaha

Silas Uwak:
peyn hahahahaha

Daddy Magnus:
sana nga meron na vernon next life hahaha

Vernon Unggoy:
mga tarantado hahaha

Liam Rupok:
bilisan nyo na. punta na rito

Daddy Magnus:
oo na.

Silas Uwak:
atat amp

Vernon Unggoy:
gegege




Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon