Day 42.3

2K 187 22
                                    

(Phone conversation)

04:14 PM

Liam:
Hello, Ma.

Mama Lily:
Nasa'n na kayo? Darating ba kayo? Naghahanda na kami ng iluluto rito. Panay lang ang lamon nito ni Rodolfo. Mag-aaway na kami, eh.

(Silence.)

Liam:
Sinong Rodolfo, Ma? Bago mong amigo?

Mama Lily:
Si pusa!

Liam:
(Laughs) Adolfo, Ma!

Mama Lily:
Adolfo ba? Rodolfo ako nang Rodolfo mula no'ng nakaraan, sumasagot naman. (Away from phone: Hoy, Rodolfo! Adolfo pala ang pangalan mo, sagot ka nang sagot 'pag tinatawag kita.)

Liam:
Baka sumagot na talaga sa 'yo 'yan, Ma. (Laughs) At ano 'yong naghahanda kayo ng iluluto? Sino'ng nandiyan?

Mama Lily:
Marami kang tanong, ah. Nasa'n na nga kayo? Sasama ba si Miles? O hiniwalayan ka na dahil hindot ka.

Liam:
(Laughs hysterically) Ano ba 'yan, Ma. Sagutin mo nga, Miss.

Miles on Liam's phone:
Hello po, Mama—Tita! Yes po, kasama po ako ni Liam po.

Liam:
Galang-galang ng baby ko. (Laughs)

(Slapping sound on background)

Liam:
Sa braso lang ako tinapik, Ma, hindi sa puwet. (Laughs)

Miles on Liam's phone:
Hey! Don't make her remember! (Low growl)

Liam:
Dinig mo 'yong growl, Ma? Nangangagat talaga 'to siya minsan. Gusto mo ba pakita ko 'yong kinagat niya?

Miles on Liam's phone:
(Whiny voice) I hate you na, baby...

Liam:
Joke lang. (Laughs) Opo, Ma, kasama ko si Miles. Nasa daan pa lang kami pabalik. Baka mga five o five-thirty, nandiyan na kami. Sino po nasa bahay? (Pause) Nandiyan ka pa, Ma?

Vernon on Mama Lily's phone:
Oo, nandito kaming lahat. Naka-loudspeaker kayo, tanga.

(Laughing on background)

Silas on Mama Lily's phone:
Nandito kami ni Vernon, saka sina Lolo at Lola. Pati si Adolfo, nagalit sa landian n'yo. Tindi ng kagat sa porkchop o. (Away from phone: Hoy! Swswswswswsws)

(Liam and Miles laughs)

Liam:
Mukha kang tanga diyan.

Silas on Mama Lily's phone:
Eh 'yon ang language ng pusa, 'di ba?

Vernon on Mama Lily's phone:
Tanga. Meow-meow 'yon.

Silas on Mama Lily's phone:
Tawagin mo nga.

Vernon on Mama Lily's phone:
Adolfo! Meow!

Silas on Mama Lily's phone:
O, tanga, nag-walk out. (Laughs) Swswswswswsw.

Vernon on Mama Lily's phone:
Meow. Meowww.

Mama Lily:
Hay naku kayong dalawa...

Liam:
Muntanga na naman 'tong dalawa. (Laughs) Ba't nandiyan sina Lolo at Lola?

Mama Lily:
Ay gustong makilala ang girlfriend mo, eh. Nalaman na nagpa-Batangas kayo.

Liam:
Nalaman o dinaldal ni Vernon?

Vernon and Silas on phone:
Siyang tunay!

Liam:
Duet pa kayo diyan. (Laughs)

(Laughing on background)

Mama Lily:
Sana ay okay lang kay Miles. 'Wag kamong matakot dahil kung hindi man boto itong Lolo at Lola mo, sa 'yo 'to hindi boto.

Silas on phone:
Peyn. (Laughs)

Vernon on phone:
Saket. (Laughs)

(Miles and Liam laughing)

Miles:
'Di po ako magba-back out sa dinner, Tita.

Mama Lily:
Salamat naman. Hindi naman kayo nakabuo ng apo ko sa Batangas, 'no?

(Silence.)

Liam:
Ano ba 'yang tanong mo, Ma.

Mama Lily:
Eh itatanong din naman mamaya eh.

Liam:
Eh 'di dapat mamaya na lang.

Mama Lily:
Naku. Para naplano mo na ang pagsisinungaling mo?

Liam:
(Laughs) Baka mahiya si Miles sa tanong mo kasi.

Mama Lily:
Ay bakit mahihiya eh pinagsabihan ko naman kayo? Saka hindi ako magtatanong kung hindi kayo nag-off ng cellphone no'ng nasa Batangas kayo.

Liam:
Istorbo kasi sina Silas, Ma. (Laughs)

Mama Lily:
Istorbo saan?

Liam:
Iniingayan ako eh. (Laughs)

Mama Lily:
Ay 'di hindi ka lumandi sa Batangas?

Liam:
Siyempre, lumandi. (Laughs loudly)

Mama Lily:
Hay naku, Liam!

Liam:
'Di naman kami umabuso, Ma. Daming ibang puwedeng gawin do'n dahil maganda lugar. Papakita ko sa 'yo video at pictures mamaya.

Miles on phone:
Yes, Tita. Hindi kami nagkulong lang sa house. I was pretty tired po from work last Friday so I was practically a zombie that night. And then, lumangoy kami kinabukasan and nag-food trip.

Liam:
Nag-bonfire din kami. 'Tapos kanina sa pier nila, namili kami ng isda at talangka. May dala rin kaming seaweed. (Pause) Okay na ba reporting, Ma?

Mama Lily:
Naku, kayong dalawa... (Clicks tongue) Kaya mainam talagang magsasalo-salo tayo mamaya para alam niyang marami siyang puwedeng singilin kapag sumala ka.

Liam:
'Di naman niya kailangang maningil kung hindi ako sasala, Ma. Iniingatan ko siya.

Vernon and Silas on phone:
Wooooh.

Liam:
Mga tanga! (Laughs)

Mama Lily:
Ayusin mo, anak, dahil ako ang unang lulumpo sa 'yo 'pag nagkamali ka.

Liam:
(Laughs) Alam ko, Ma.

Miles:
Oh-em-gee. Thanks po, Tita.

Liam:
Sarapan n'yo luto diyan, Ma. Gutom na uli kami eh.

Mama Lily:
Sige. Mag-ingat kayo sa pag-uwi. See you mamaya.

Miles:
See you po.

Liam:
See you, Ma. Love you.

Call ended.

Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon