Day 92.1

2.4K 202 41
                                    

(Phone conversation)

11:33 PM

Liam:
Hello?

Male voice:
Hello?

Liam:
Sino ka? Ba't tawag ka nang tawag? Ano'ng oras na, ah.

Male voice:
(Chuckles) Init ng ulo mo, brad. Si Liam Montecristo ba 'to? 

Liam:
Tumatawag ka nang hindi mo sigurado kung sino tinatawagan mo?

Male voice:
(Laughs) Liam nga. 

Liam:
Sino ka?

Male voice:
Si Quin. Pinsan ni Miles.

(Silence.)

Liam:
Bakit ka tumatawag, boyfriend ni Maggie? Wala akong atraso sa 'yo. 

Quin:
Break na kami ni Maggie.

Liam:
Wala akong paki. 'Yon lang ba sasabihin mo? Baba mo na.

Quin:
(Serious tone) Hindi ako tumatawag bilang ex ni Maggie. Alam ko na ring wala kang atraso sa 'kin. Kung nilinaw mo dati 'yong sa inyo ni Maggie, hindi sana kita nasuntok.

Liam:
Mukhang na-enjoy mo naman dati. Wala na 'kong paki.

Quin:
Tanga ka rin dahil wala kang sinabi.

Liam:
Maraming nakakaalam ng katangahan ko. Kaya kung katangahan ko lang ang itinawag mo, baba mo na.

Quin:
Ulitin ko. Hindi ako tumawag bilang ex ni Maggie. Tumawag ako bilang pinsan ni Miles.

Liam:
(Sighs) Wala akong atraso sa pinsan mo.

Quin:
Alam ko. Siya ang may atraso sa 'yo.

(Silence)

Liam:
Ayokong pag-usapan. Baba ko--

Quin:
Kung ayaw mo nang makita si Miles, sige, ibaba mo.

(Silence)

Liam:
Gusto mo bang ikaw naman ang suntukin ko?

Quin:
Ayoko. Pero kung gusto mo 'kong suntukin, kailangan mo muna akong puntahan. Gusto mo bang sabihin ko kung nasaan ako?

Liam:
Ano ba trip mo, ha? Kasi hatinggabi na. Itulog mo na lang ang trip--

Quin:
(Miles' voice: Kuya Kenken... I think I'm... throwing up?
Quin: Wait, baby. Don't--'Yan, inom pa.) 

Quin:
Wala akong balak pagtripan ka. Gusto ko lang kolektahin mo 'tong pinsan ko dahil ayaw sumama sa 'kin pauwi.

Liam:
Nasa'n si Miles? Uminom ba siya? 

Quin:
Oo, uminom. Hinahanap ka. 

(Silence)

Quin:
Lunes na Lunes, dumeretso sa bar. Tinawagan ako ng bartender dahil ang bilis daw nalasing at hindi nila malaman ang gagawin. Pinuntahan ko, pero ikaw ang hinahanap. Kaya tinawagan kita. 

Liam:
Pa'no mo nasabing ako ang hinahanap? Baka naman--

Quin:
Baby raw niya, eh. Ikaw 'yon, 'di ba?

(Silence)

Liam:
(Clears throat) Break na kami.

Quin:
Alam ko. Kami pa nga nagsabi sa kanyang makipag-break sa 'yo. (Sighs) Look. Alam kong mali ang ginawa ng pinsan ko sa 'yo. No'ng sinabihan namin siyang makipag-break sa 'yo, sinabi namin 'yon dahil masyadong magulo ang sitwasyon. Inunahan siya ni Maggie sa pagsasabi ng kung ano-ano sa pamilya namin. Muntik maniwala si Mommy kay Maggie. No'ng una, naisip naming baka nabilog mo lang ulo ni Miles. 

Quin:
O baka masyado siyang hulog sa 'yo. Hindi pa siya nagkaka-boyfriend at hindi pa rin siya nakipag-date kahit kanino. No'ng nalaman naming may nangyari na sa inyo, lalong nagkagulo sa amin. Dahil ang pagkakakilala namin sa 'yo, 'yong obsessed na naghahabol kay Maggie. 

Quin:
Dami ko yatang sinasabi. Tuloy ko ba?

Liam:
Ituloy mo.

Quin:
(Sighs) Kahit ang daming sinabi ni Maggie at may mga screenshot at voice clips pa... mas kilala namin si Miles. Alam naming hindi siya magsisinungaling nang walang mabigat na dahilan. Pinagplanuhan pala nila ng mga kapatid ko 'yong gagawin dahil lang gusto nila 'kong makipaghiwalay kay Maggie. Nabanggit ko kasing gusto kong yayaing pakasal si Maggie. (Sighs) Nakikita nila 'yong mga mali kay Maggie na hindi ko nakikita. Naisip nila, kung magkakabalikan kayo ni Maggie, mas madali para sa 'kin na makipaghiwalay. Ang alam naming lahat, obsessed kang naghahabol. Nagkaroon pa pala sila ng bukod na usapan ni Maggie para mapadali 'yong pakikipagbalikan sa 'yo. 'Yon ang parte na hindi alam ng mga kapatid ko.

Quin:
No'ng sinabi ni Miles 'yong ginawa niya sa 'yo at 'yong mga natuklasan niyang mayroon sa inyo ni Maggie noon--na ako pala 'yong nakasira sa relasyon mo at ikaw pala 'yong dehado at niloko--iyak siya nang iyak para sa 'yo. Hindi pa namin siya nakitang gano'n. Sabi niya, hindi siya makikipaghiwalay sa 'yo. Sabi niya, hihingi siya ng tawad sa 'yo dahil ikaw ang pinakaniloko. Pero ikaw ang nakipaghiwalay. At nagpapasalamat kami na ginawa mo 'yon. Dahil kung kailangan mo 'yon, kailangan din 'yon ni Miles. 

Quin:
Bumalik siya sa 'min no'ng naghiwalay kayo. Ang sama ng kondisyon niya no'ng mga unang araw, at nitong nakaraan, akala namin, mas okay na siya. Kasi hindi na laging nagmumukmok. Nag-aayos na uli. Ngumingiti na. Hindi rin naman namin nakikitang naghahabol sa 'yo. 'Tapos ito, biglang naglasing ngayon. (Sighs) At ayaw sumama sa 'kin dahil hindi raw ako ang baby niya. 

Liam:
Naisip mo man lang ba... na baka hindi pa rin kami dapat na magkita? O na baka mahiya siya kinabukasan? O na baka ayaw ko pa siyang makita?

Quin:
Naisip kong baka ayaw mo pa siyang makita at naisip kong baka mag-alala si Miles na ayaw mo siyang makita, pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay maialis siya rito dahil hindi na niya kayang uminom. 

Liam:
Alam mo, ayoko sa 'yo.

Quin:
Ayoko rin sa 'yo. Pero gusto kong malaman mo na naniniwala kami sa mga sinabi ni Miles. At kung mahal mo pa siya at gusto mo ng pagkakataon para sa inyong dalawa, open ang pamilya namin para makilala ka pa para sa kanya. 

Liam:
A-Ano?

Quin:
Hindi mo kasalanang... sinungaling si Maggie. O na pinrotektahan mo pa rin siya kahit habang nagsisinungaling siya. Naipit kayo ni Miles sa pagkakamali niya. I want to apologize.

(Miles' voice: I'm sleepy... baby...)

Liam:
Inaantok na si Miles. Pupunta ako. Nasa'n kayo?

Quin:
I'll text you the address. Bilisan mo.

Liam:
Sige. 

Call ended. 




Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon