Day 19.4

3K 314 173
                                    

(Phone conversation)

10:38 PM

Maggie:
Hello, Liam. If this is about earlier--

Liam:
Don't do that shit to me again, Maggie.

Maggie:
Wow. Are you calling just for that? Sinabi mo na 'yan kanina. Ilang ulit na.

Liam:
Ilang ulit ko ngang sinabi, natandaan mo ba? 

Maggie:
At bakit nakatawag ka? Wala na diyan 'yong isang babae?

Liam:
Ba't parang galit ka pa? Ano'ng karapatan mo? Wala kang pakialam kung sino ang kasama ko o kung bakit ko kasama. Wala kang pakialam kung may gusto akong bigyan ng bulaklak. Hiwalay na tayo. Ang tagal na. Nakalimutan mo ba?

Maggie:
May pakialam pa rin ako dahil para sa 'kin, hindi pa tayo tapos!

Liam:
Problema mo na 'yon.

Maggie:
Problema ko nga. Kaya nga kung saan-saan ako sumusulpot. All I'm asking you is to give me a chance to talk to you. 'Yong pag-usapan 'yong tayo. 'Yong linawin 'yong hindi malinaw--

Liam:
Pa'no tayo mag-uusap eh hindi ka nga marunong makipag-usap? 'Yong pagsugod mo rito at pagsira mo sa bulaklak na binili ko, usap ba 'yon? Nagagalit ka, para saan? Hindi mo na 'ko boyfriend. Sobrang tagal na. May iba ka na. Matagal na rin. Ano pa ba'ng usap na gusto mo?

Maggie:
Liam, I told you, Quin is--

Liam:
Wala akong pakialam kung nagkakaproblema kayo. Wala rin akong pakialam kung naisipan mo man akong balikan dahil nagkakaproblema kayo. 

Kung nakalimutan mo, ipapaalala ko sa 'yo. No'ng nahuli kitang may iba kang dini-date, nakiusap ako nang maayos sa 'yo na tumigil ka. Iniyakan pa nga kita, 'di ba? Kasi tanga ako, 'di ba? Pinamukha mo pa nga sa 'king marami akong kulang, 'di ba? Hindi mo ba naaalala 'yon? Alalahanin mo.

'Tapos no'ng nakipaghiwalay ka sa 'kin, nakiusap kang 'wag kong ipagsabi na nagloko ka. Ang gusto mong kuwento, 'yong ikaw ang nakipaghiwalay. Ginawa ko, 'di ba? Kahit wala ka namang karapatang mag-demand, dahil ikaw ang nanggago. Naisip ko, sige na lang. Mahal naman kita, eh.

No'ng binlock kita sa mga accounts ko, ang pinagkalat mo, ikaw ang nag-block sa 'kin. Dahil ano 'yon? Ako 'yong nangungulit at hindi maka-move on? Ayaw mong maghinala sa 'yo 'yong bago mo? Akala mo ba, hindi ko nalaman 'yong mga kuwento mo? 

Pero kahit nalaman ko, wala akong sinabi, 'di ba? Kahit putangina 'yong self-love mo, 'di kita minura. Kahit sina Silas, ang alam, ikaw 'yong nag-block kaya 'di tayo makapag-usap. 

Lahat ng respeto, binigay ko sa 'yo no'ng tayo pa, at kahit no'ng hindi na. Kahit ikaw 'yong putanginang nanggago sa relasyon natin, wala kang narinig na kagaguhan sa 'kin maliban no'ng putanginang lasing ako at ako pa ang sinuntok ng boyfriend mo. Kahit no'ng sinigaw-sigawan mo 'ko in public na layuan ka na parang ako ang habol nang habol, kasi may tao, 'di ba, alam ko, kailangan mong iligtas uli ang sarili mo... wala pa rin akong sinabi.

Kaya ano'ng usap ang gusto mo? Bakit ka lumilitaw kung saan-saan na parang ako ang may atraso sa 'yo? Bakit? Para saan? Ano'ng trip mo? At saan ka kumukuha ng lakas ng loob?

Hindi natin kailangan ng putanginang closure dahil malinaw pa sa mata ni Kulot na tapos na tayo. Kung halimbawang mahal mo pa pala ako, problema mo na 'yon dahil hindi na kita mahal. Kung akala mo, puwede mo uli akong gawing tanga kasi nagpakatanga ako sa 'yo dati, problema mo uli 'yan dahil ayoko nang maging tanga sa 'yo.

Mahal kita, Maggie. Noon. May chance kang bumawi at bumalik at magtino. Noon. May chance kang bilugin ang ulo ko. Noon.

Hindi na ngayon. Kaya 'wag ka nang lilitaw uli, please lang. At kung nagseselos ka man sa kahit na sinong babae sa paligid ko, tiisin mo.

Maggie:
No, Liam... 

Liam:
Sa susunod na makita kita, baka wala na 'kong respetong maibigay. Kaya tigilan mo na. Please lang...

Maggie: 
(Sniffing) I'm so sorry about before. I don't know what I want, too. Pero hinahanap ko 'yong mga panahong tayo. Please, Liam--

Liam:
Wala na rin akong pakialam diyan. Kung may problema ka sa boyfriend mo, do'n ka makipag-usap. Kung may kulang kayo, do'n mo hingiin. Hindi sa ex mo. Alam kong mahal mo ang sarili mo, pero irespeto mo kung sino ang karelasyon mo. Tigilan mo 'ko.

Maggie:
And what are you gonna do? Court that girl? Do you like that Miles? Because you're making a big mistake!

Liam:
Mahirap ka talagang kausap, alam mo 'yon? Bye na.

Maggie:
No, Liam! Wait--!

Call ended by Liam.



Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon