Day 77

2.4K 191 58
                                    

GC ng mga Tanga
Sun | 04:15 PM

Silas Tanga:
uy hapon na
hindi pa naman siguro late para batiin ko si paps ng happy independence monthsary paps! 
papansit ka naman!
hahahaha

Liam Tanga:
tangina ka silas

Liam Tanga:
nasa shoot pa kami gang ngayon dahil di ka dumating
uupakan kita pag nakita kita

Silas Tanga:
gagalet masyado
dapat lumamig na ulo mo ngayon ah
bat parang habang tumatagal, lalo ka gagalet? hahhaha

Vernon Tanga:
baka may nami miss

Magnus Tanga:
baka may hinahanap na hindi makita

Vernon Tanga:
baka may hindi makalimutan na hindi nagpaparamdam

Liam Tanga:
putangina nyo
nagpi feedback cp nyo sa audio ng camera

Vernon Tanga:
sus di naman need audio
ano audio ka capture mo sa super long shot ng tumatakbong kotse
tanga ka lang pero di ka bobo paps
hahahahahah

Magnus Tanga:
tangina mo vernon, tumatapang ka na

Silas Tanga:
ganyan pag ilang ulit ka nang ginawang third wheel tapos pinagtripan hahahhaha

Magnus Tanga:
pero happy monthsary paps

Vernon Tanga:
happy monthsary liam! hahahaha

Liam Tanga:
mga ulol na putanginang tarantado

Silas Tanga:
sarap
lutong
crispy mura na may panghimagas na mura hahahahaha

Vernon Tanga:
tanga ka silas
nag online ka lang ba para mang asar? hahahaha

Silas Tanga:
siyempre hindi
bukod sa mang-aasar ako, may ibabalita rin ako

Magnus Tanga:
ano?

Vernon Tanga:
ano?

Rohan Tanga:
ano? 

Silas Tanga:
oy tangang rohan, nadalaw ka?

Rohan Tanga:
Ano?

Silas Tanga:
hahahaha putangina si tanga

Silas Tanga:
babalita ko lang na may bago nang tenant sa 145
sinundo namin kanina ni tiya
nadala na rin mga gamit niya

Magnus Tanga:
babae?

Vernon Tanga:
babae?

Rohan Tanga:
Babae?

Silas Tanga:
sama ako sa inyo

Silas Tanga:
babae?
hahahahaha

Silas Tanga:
oo babae
ganda
parang type ako
kaso single
ayoko pa naman sa mga single 
😔

Vernon Tanga:
hahahahah gago

Magnus Tanga:
red flag kay tanga pag single amp hahahaha

Rohan Tanga:
Wala nang pag-asa katangahan mo. Hahahaha

Vernon Tanga:
pero awts kung may tenant na
di na makakabalik yung isa

Magnus Tanga:
tumpak
may iiyak yata uli sa inuman mamaya ah

Liam Tanga:
tama lang na may umupa run para hindi laging bakante
sayang kita

Silas Tanga:
weh?

Rohan Tanga:
Weh?

Magnus Tanga:
weh?

Vernon Tanga:
weh? 

Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon