Day 90

2K 164 27
                                    

Sat | 10:23 PM

Val:
Papi? Wala ka sa Montecristo?

10:45

Liam:
sa party kami
may shoot
bakit?

Val:
Ay.
Bukas ko na lang bigay tong dala ko.

Liam:
ano na naman yan?
napapadalas bigay mo ah

Val:
Ay gagalet yarn? Bawal ba, Papi?

Liam:
di naman
nagtataka lang

Val:
Di ba ako ganun kabait para magbigay nang madalas?

Liam:
di naman din

Val:
Sabi naman sayo sharing lang ako ng blessings, kasi you know, ganda ng takbo ng business ko ngayon ~ Tapos tumulong pa kayo ng boys nung nagpa-renovate ako salon and spa. Tapos nakailang hingi na ko pabor sayo para sa mga fur babies ko.

Val:
Tapos maganda at mabait lang talaga ako. Mwehehehehehe

Liam:
hahaha
oo na. lakas trip mo

Val:
Baka naman may iba kang naiisip sa mga pabigay-bigay ko. Someone na galante, mabait, at mahal mo. Mwehehehehehe

Liam:
tatrabaho muna ko rito valerio

Val:
Hahahahaha. Pangit mo na ka-bonding talaga, Paps.

Liam:
tatrabaho talaga ko

Val:
So bukas ko na lang to bigay ah.

Liam:
ano ba yan?

Val:
Pang-snacks lang. Kutkutin.

Val:
Saka seasoned seaweed para kay Cathy.

Liam:
ah sige salamat

Liam:
hilig nga cathy dyan.

Val:
Saka Paps, wala ka bang balita kay Miles?

...

Liam:
wala

Val:
Hindi mo ba sinubukang makibalita? Punta sa lab nila, ganun?

...

Liam:
bakit?

Val:
Wala naman. Thinking lang ako na baka pwede ko sya dalawin sa work.

Liam:
dalawin mo.

Val:
Cold naman, Paps. Kakakaba naman.

...

Val:
Pag dinalaw ko at nandun, gusto mo bang balitaan kita?

...

Liam:
kung gusto mo

Val:
Sige, Paps. Galingan nyo dyan.

Liam:
👍

Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon