Silas Tanga:
kung makapagsalita parang di umiyak sa pabulaklak at cupcake ah

Silas Tanga:
parang di nagbalak ipa preserve yung bulaklak ah

Liam Tanga:
di ko pina preserve tanga ka

Silas Tanga:
di mo napa preserve dahil inihian ni Adolfo. hahahahahaha

Liam Tanga:
putanginang adolfo yun na walang utang na loob

Magnus Tanga:
hahahahahaha

Vernon Tanga:
sama loob yarn? hahahahha

Rohan Tanga:
Ginutom mo kasi siguro

Liam Tanga:
anong ginutom? puro kain na nga lang ginagawa nun sa bahay at sa unit ko. parang siga kumain amp
kahit cupcake, pinatulan amp

Silas Tanga:
gagalet yarn? hahahahaha

Liam Tanga:
namili pa si gago amp
di naman kumakain ng cupcake, nangagat ng cupcake

Magnus Tanga:
yung sama ng loob mo, nag monthsary din paps ah hahahaha
happy monthsary
hahahaha

Vernon Tanga:
di naman sinira yung note
wag ka na gagalet

Liam Tanga:
tangina nyo

Silas Tanga:
yung note ang napa frame mo no?
#iba #lakastama

Liam Tanga:
tangina nyo 
puro kayo tamang hinala
wala ako pina frame

Silas Tanga:
👀

Vernon Tanga:
👀

Magnus Tanga:
👀

Liam Tanga:
tusukin ko mata nyo

Magnus Tanga:
pero seryoso
san na kaya si miles no? 
di mo man lang ba dinalaw sa lab nila, paps?

Liam Tanga:
bat ko dadalawin? di naman ako boyfriend

Magnus Tanga:
totoo ba? di mo minanmanan kung may bago na?
isang buwan na rin

Silas Tanga:
oo nga
pano kung alam ko na number ni miles?
tatawagan mo ba?

Liam Tanga:
hindi

Vernon Tanga:
bilis ng sagot ah
parang totoo ah
hahahaha

Silas Tanga:
di mo pa ba napapatawad paps?
nasasaktan ka pa ba? 

Silas Tanga:
parang mahal ka naman talaga nun
naipit lang sa sitwasyon

Vernon Tanga:
saka saya mo nun, paps

Magnus Tanga:
tindi rin ng iyak mo run paps haha

Silas Tanga:
at dami rin talaga kabobohan ni maggie run

Silas Tanga:
nababaitan ako kay maggie dati pero iba rin pala topak
sinong matino magre record ng usapan tapos puputulin para magamit sa pagsisinungaling? iba rin eh

Liam Tanga:
mahilig talaga yun sa ganun dati dahil lagi siya pinag uusapan pag nakatalikod siya

Magnus Tanga:
bat kasi sya tumatalikod?

Liam Tanga:
tanga ka

Vernon Tanga:
hahahaha panira sa usapan si tanga amp hahahaha

Silas Tanga:
di naman sa kinakampihan ko si miles
pero pag inisip mo yung nangyari sa inyo
baka kaya pursigido yun lumayas noon sa montecristo
para di na sya magamit ni maggie sa pagmamarites sayo

Vernon Tanga:
rapper ka ah hahahahaha

Silas Tanga:
punyemas ka hahahaha

Magnus Tanga:
ganyan din tingin ko kay miles

Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Where stories live. Discover now