FLY: Chapter Four

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yeah. Sure. Nasa room ko ang key."


Sigurado si Chynna na tuwang-tuwa na ngayon si Margaux dahil alam na nitong break na sila ni Vinz. Hindi na siya magugulat na bukas ang ang dalawa naman ang magkarelasyon. At wala rin naman siyang pakialam kung mangyari iyon dahil hindi naman niya mahal si Vinz. Sinagot lang niya ito kasi gwapo at mayaman ito.


—-***—-


ANG gulat na mukha ni Peter ang sumalubong kay Chynna nang magdoor bell siya sa bahay ng kanyang kaibigan. Sinabi niya agad dito na bumibisita lang siya kasi alam niyang iisipin nitong makikituloy lang siya. Pinapasok naman siya ng kaibigang bakla.


Sa kanilang magkakaibigan ay ito ang kasundo niya talaga. Dito niya sinasabi ang lahat ng inis at galit niya sa buhay lalo na kapag tungkol kay Margaux.


"So, saan ka ngayon nakatira?" tanong ni Peter sa kanya. Nasa kwarto nito sila.


Si Peter ay all out na gay. Nagbibihis babae ito at nagme-make up din.


Itinirik niya ang kanyang mga mata. "Kina Margaux!"


"What? Seriously?!"


"Yes! Kung may iba nga lang, ayoko doon. You know how much I hate her! Alam ko naman na masaya siya ngayon dahil wala na kami ni Vinz. For sure, nagpaplano na siya ngayon kung paano niya lalandiin ang ex ko. Well, bahala siya! Magpakasaya siya sa tira-tira ko!"


Malakas at malanding tumawa si Peter. "That's my girl! You're such a bitch talaga!"


"I know that! Teka, ano iyon? Parang may naririnig ako..."


"Ang alin-"


"Shut up!" at sinenyasan niyang tumahimik si Peter na ginawa naman nito.


Tumahimik silang dalawa. Parang may naririnig kasi siyang tunog ng lumilipad na malaking langaw.


"Parang... buzz ng flying big fly..." aniya pa.


"That's imposible. Walang langaw dito sa room ko, 'no!"


"Eh, ano 'yong-There!" saay turo niya sa langaw na lumilipad-lipad sa ulunan ni Peter. "Ang sabi mo-"


Hindi na naituloy ni Chynna ang kanyang sasabihin nang biglang lumipad palapit sa kanya ang langaw at pumasok iyon sa kanyang bibig. Napaubo siya at naduwal pa pero ramdam niya na talagang pumasok sa kanyang lalamunan iyong langaw. Ilang ulit pa siyang napaubo dahil sa nangyari.


Agad naman na dinaluhan siya ni Peter. Hinimas-himas siya nito sa likod habang panay ang ubo niya. "Are you okey, Chynna? Where's the fly? Nakain mo ba?!"


"Fuck!" Hindi na napigilan na mura ni Chynna.


SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon