"Tara na."

Dinala na siya ni Rus at bumili na sila ng pagkain. At sa inaasahan ay bigla na lang sumulpot si Irine sa harapan nila.

As usual, ay mukha na naman itong zombie.

"You need a massage?" Kae suggests.

Irine shook her head. "No need. I can handle myself- Oh my."

Malakas na natawa si Kae ng bigla na lang napapikit si Irine sa ginhawang naramdaman ng imashe niya ang balikat nito.

"Sus, tignan mo 'nga sarili mo," natatawang sabi niya.

Hindi na sumagot si Irine at halatang natutulog na kaya bahagya niyang niyugyog ang balikat nito.

"Kumain ka muna. Rus, subuan mo 'to."

Agad namang napangiwi si Rus. "May kamay siya."

Pinanlakihan niya ito ng mata. "Putulan kaya kita ng kamay."

Nakangusong umayos ng upo si Rus at binalatan ang pagkain. "Eto na 'nga eh."

"Good dog," nakangising sabi niya kaya sinamaan siya ng tingin nito.

Hindi niya na pinansin si Rus na dahan-dahan pinapakain si Irine.

"Halos ilang linggo ka ng gan'yan, Irine. Natutulog ka pa ba?" nakangiwing tanong ni Kae at marahang pinipisil ang mga braso nito.

She whispered hopelessly, "I need to focus on my studies. I can't disappoint my parents."

Hindi na umimik pa ang dalawa at pinagpatuoy na lamang ang kaniya-kaniyang ginagawa.

"Oh subo, mahal na prinsesa," nakangiting sabi ni Rus habang nakalahad sakaniya ang pagkain.

Agad naman niyang kinagatan ang tinapay ngunit nanlaki ang mata nya ng kagatan din iyon ni Rus.

"Kadiri ka naman," nasusukang sabi niya kaya malakas siyang tinawanan ni Rus.

"Wala namang nakakadiri. Maarte ka lang."

"Wag mong isubo sa'akin 'yan, may laway mo na 'yan."

Napanguso naman ito kaya agad nag-iwas ng tingin si Kae ng bigla na lang namula ang pisngi niya.

Ang cute.

"Hindi ka man lang naawa sa gwapong katulad k- Aray ko naman!"

"Deserve," Irine laugh.

Napangisi na lang siya ng sapul sa mukha ang binato niyang lata kay Rus.

"Ang sama niyo talaga!"

Hindi na nila pinansin si Rus na naging isip bata na lang bigla. Malapit na ang oras na matatapos na ang recess kaya agad na nila tinapos ang kaniya-kaniya nilang kinakain at nagpaalam na.

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

"Flowers for you, miss gorgeous," bungad ni Rus ng mabuksan niya ang pintuan.

Natatawang tinaggap niya naman ang crochet flower na ginawa niya at dumiretsyo muli sa loob ng bahay nila. Agad namang sumunod sakaniya si Rus papunta sa kwarto niya.

Nilagay niya sa malaking vase ang crochet flower at nakangiting inayos iyon. Marami-rami na iyon at iba't-ibang kulay ang meron doon kaya mas lalong gumanda sa paningin niya.

"Iniipon mo pala d'yan," natatawang sabi niya at mabilis na hinalikan siya sa ulo.

Tango ang sinagot niya at naka krus ang mga brasong humarap sa kanya. Kailangan niya pang tumingala upang magtama ang tingin nila.

Stitch Of Bitter Sweet (Junior High Series #2)Where stories live. Discover now