25

993 33 0
                                    

Lia's POV

After namin sa Registrar para ipasa ang tunay kong birth certificate at papalitan yung pangalan ko at magparequest ng new ID Card na may real name ko, pumunta na kami sa magiging room namin.

"Beshy!!!!" Naiah exclaimed and run to me.

She hugged me and I also hugged her.

"Ano yung chinachat mo sa akin na may new challenge in life ka?" Tanong ko

She looked at Jai na hapit hapit ako sa bewang.

"4 months kami hindi nagkita, Prince" sabi ni Naiah sa kanya

Jai rolled his eyes at walang ibang nagawa kundi ang alisin ang kamay sa akin. Kinuha nya yung bag ko para ilagay sa lockers namin.

Hinila ako ni Naiah papunta sa pwesto nya at nagsimula ng magkwento

"So, ayun na nga, girl. May new challenge in life ako"

"Ano nga yun?"

"Kasi nagbakasyon kami nila Daddy sa Batangas, tapos sa private resort dun, may na-meet ako na guy, kinuha nya number ko at sino ba naman ako para tanggihan ang isang adonis diba? He also followed me in Instagram and added me in Facebook, nagkakachat na kami tapos nagkakatawagan, pag gabi nga Facetime pa"

"So kayo na?"

"Hindi pa girl, pero luluwas dya dito sa sabado magdidate kami"

"Student din?"

"Graduating sya ng College, culinary ang tatapusin nya, girl di ako magugutom kasi chef eh."

"He will come here on Saturday for you?"

"Yes, dapat sunday kasi maghahanap lang ata sya ng Condo kasi dito nya balak magwork, pero sabi nya Saturday nalang daw para makapag-date kami. So ang new challenge in life ko kapag naging kami is LDR"

"Ayus-ayusin mo mga desisyon mo sa buhay, Zenaiah Santos, ah! Pag yan manloloko, nako nako! Ngungudngod kita sa sahig"

"Ang harsh mo naman! Kung lokohin nya ako, promise hindi ako iiyak, atsaka hindi ko pa naman sya mahal, siguro attracted lang ako sa kanya"

"Fine, I will support you sa kung anong kabaliwan ang ginagawa mo sa buhay, if he hurt you, ako ang makakalaban nya, sinasabi ko. I also want to meet him, gusto kong makilala yung lalaking kinakabaliwan mo ngayon"

"Sige sabihin ko sa kanya sa saturday na imimeet ka namin, baka naman matakot sayo yun or kay Prince?"

"Bakit sya matatakot? Multo ba ako? Nangangain ba ako ng buhay?"

"Basta wag mo itaboy ah! Kilala kita Lia ah! Baka sabihin mo bigla is 'Ito 10 billion, layuan mo ang kaibigan ko'"

"Unang una wala akong 10 billion, pangalawa, baka sila Tito pa ang gumawa nun"

"Di ko muna sinasabi kila Mommy. Anyways, kamusta ka nung bakasyon? Wala kang bagong challenge in life?"

"You'll know soon. Ngayon palang nagsosorry na ako. Isinama ako nila Jai sa Spain nung bakasyon kaya wala ako sa Pinas"

"Ay taraaay! Na-meet na pala ang parents. So true pala yung kumalat na article na, may dinalang girlfriend si Prince sa Spain and na-meet na ang parents nya."

"Somehow true" I said

Nang dumating na ang prof namin, I am not even surpised na sya ulit ang homeroom namin. Baka sobrang miss nya kami kaya kinuha ulit kami as homeroom nya.

"Sir!!! Na-miss ka namin!!"

"Talaga ba? Na-miss ko rin naman kayo kaya ito ako at homeroom ko parin kayo. Masaya ba kayo?"

I am the Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now