13

1K 32 0
                                    

Lia's POV

Andito kami sa room, free day namin pero bawal magcutting and attendance is a must parin.

Naka-ub-ob lang ako dito sa table ko dahil masakit yung katawan ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nakipag-sparring ako doon sa isang nagte-training tapos wala akong warm up

Pakiramdam ko nagawa ko na sya noon kasi ang natural ng galaw ng katawan ko, pero di ako sure. So ngayon, ito suffer tayo sa body pain

Tapos itong Kris na to kanina pa ako inaasar. Si Naiah naman andun sa room nila ng MathHenyo Org, dun sya natutulog.

Kalat narin sa buong school na may relayon kami ni Jai, wala naman kaming sinasabi, ni hindi kami nagsasabihan ng I Love You and such, tapos hindi rin naman sya nanligaw, pero kasi yung mga kilos namin kahit ako minsan napapatanong kung kami ba talaga o ewan. Para kaming MU, pero wala naman syang sinasabi sa akin na gusto nya ko or what, but he always call me Mi Amor and Baby.

"Don't sleep, Mi amor. Malapit na mag-break time" sabi nya

"Ang sakit ng katawan ko" naiiyak kong sabi sa kanya

"Ako ba nag-utos na gawin mo yun? Did I force you to do that sparring thing?" He asked calmly kaya napanguso nalang ako.

"Sermon ka ngayon" sabi ni Kris.

"Eres feo" sabi ko sa inis ko. You're ugly

"Bro" sabi nya sa gulat

"Walang nag-utos sayo na asarin sya, Kristoff" sabi ni Jai habang binubuksan yung tumbler ko ng tubig

Inalalayan nya ako uminom at ibinalik sa bag ko yung tumbler.

Ang sabi ko masakit katawan ko, hindi ko sinabing nauuhaw ako!

"What do you want to eat? Magpapabili nalang tayo sa guard ng food if you can't walk" sabi nya at nilabas ang phone nya

"Gusto ko yung sweet and sour na chicken, tapos ice cream"

"Alright" sabi nya at tinype yung sinabi ko.

After nun, naramdaman ko nalang yung kamay nya na pasimpleng hinihilot yung likod ko. Nakakita naman ako ng ballpen tapos napagdiskitahan ko yung kanan na palad nya

"Mi amor" he warned, but I just smiled at him. "Fine" sabi nya at huminga ng malalim.

"Ano Bro? UNDERstanding ka na?"

"Shut up, Moron" mahinang sabi nya kay Kris.

Nang dumating ang breaktime, ayun nga dinala dito ng isang guard yung pinabili na food ni Jai at nagsabay sabay kaming tatlo kumain.

Si Jai naman sinusubuan ako, kasi ayaw daw nya lalong sumakit yung katawan ko.

"Nakakabitter naman dito, di pa ba kayo nilalanggam?" Tanong ni Kris

"Kalalaki mong tao, ang daldal mo" sabi ko. "Saan ka ba pinaglihi? Sa chismosa?" I added

"Ang importante pogi ako. Tsaka hindi masakit katawan ko sa pakikipagbakbakan ng walang paalam nung weekends" sabi nya

"Pogi? Saan banda? Pangit mo!" Singhal ko habang nakasimangot na

"Stop. You two." Nanahimik kami pareho nang magsalita si Jai at sinubuan ulit ako. "Ikaw, patahimikin mo muna ng asar please. And you beautiful angel, I thought you're having body pain?"

"Eh kasi eh..."

"Sasagot pa"

"Sorry" I said and pouted.

I looked down and played with my fingers, mannerism ko na ata.

Nang matapos ang breaktime, nagsibalik din mga kaklase namin. Nakaunan lang ako sa braso ni Jai habang nakatanaw sa ulap na naman.

"What are you looking at?"

"Yung ulap. It looks peaceful and I love the clouds kaya nga gustong gusto ko yung kwarto ko eh. But, there is something about the clouds that's making me shiver in fear" I said seriously while looking at the clouds.

He kissed the side of my head and continue on what he is doing.

Napaayos ako ng upo nang dumating yung prof namin, yung homeroom na prof namin.

"Ok class, don't worry hindi ako maglelesson ngayon. I am here kasi di ba Sports Fest na next next week, so we're looking for some representatives each class for the following sports na pwedeng salihan. Shai, kindly write these list of sports on the board"

Tumayo si Shaina para isulat yung mga listahan ng sports na pwede salihan. Nang maisulat nya yung Archery, hindi ko alam pero biglang nagningning yung mata ko.

I saw Kris and Jai looking at me.

"P-Pwede ako sumali?" I asked Jai.

"What sport?"

"Archery"

"Have you tried archery?"

"Hindi pa, or hindi ko alam if na-try ko na sya before, pero gusto ko i-try, please Jai" I pleaded him

"Fine, I'll train you" he said and pinch my cheeks lightly

Nang magsimulang magtanong si Sir, medyo nasa dulo kasi yung Archery kaya nananahimik ako dito sa gilid.

Si Jai walang sinalihan, si Kris naman napilit ng mga kaklase naming lalaki na sumali ng Basketball.

Ayaw daw sumali ni Jai kasi para makapagfocus sya sa pag-train daw sa akin sa Archery.

"How about Archery? Who wants to join?"

"Ako po" I said. Bigla akong nakaramdam ng kirot nang itaas ko bigla yung kamay ko.

"I said careful" mahinang sabi ni Jai

"Are you sure, Lia? Nakapag-try ka na ba ng Archery before?"

"Hindi pa po, pero gusto ko po i-try. Promise Sir, hindi ko po ipapahiya ABM1" I said with determination.

"Ok, let's give our trust to Lia. Anyone else who wants to join Archery?" Nang walang nagtaas kinlose na nya yung sa Archery. Ako lang ang only participant sa Archery.

Para akong na-excite, walang halong kaba, pure excitement lang.

Sana manalo ako kahit first timer lang

After nun, binigay ni Shai yung listahan kay Sir para maipasa sa POC ng Sports Fest at umalis narin si Sir

Naghintay lang kami hanggang sa mag-uwian para makauwi

Hindi ko nakita ng buong araw si Naiah ah! Baka busy sila? Alam ko kasi may booth sila sa Sports Fest eh.

Tinext ko nalang sya na ingat sya pauwi.

Nang makauwi kami, nagbihis lang kami tapos dinala narin namin si Tofi sa vet para sa last vaccine nya at para ipa-groom narin sya kasi humahaba na yung kuko at buhok nya.

I am the Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now