level thirty

34 4 0
                                    

    "You're kidding right?"

    "Unfortunately, not. According to Ivan, Markian has the potential to become this city's hope."

    "Not to be disrespectful ha, pero naniniwala ka bang magagawa ni Markian ang bagay na 'yon?" 

   Pero kung tutuusin, kahit naman sira ulo si Mark medyo nakikinita ko rin naman ang punto ni Ivan. Kita mo, hindi siya nagdalawang isip na makipagkaibigan kay Typo at ituring ito ng totoo sa kabila ng mga bagay na naririnig niya tungkol dito. Siya lang ang nakapagparamdam kay Typo na welcome siya sa mundo ni Mark. sa kabila ng kaibahan ng estado nila sa buhay.

   Masyado siyang madaldal pero tumatatak siya sa mga taong nakakausap niya. Hindi ko lang alam kung dahil pa sa paghahampas niya sa mga ito kada natatawa o dahil sa magaan na trato niya sa mga tao, kahit pa minsan ay matabil ang dila niya, pero either ways, pansin ko namang magaan ang loob ng mga tao sakanya lalo pa't nakilala nila siya ng lubusan. 

   Ipinagkibit balikat lang ni Orion ang naging tanong ko kanina. "Well, I believe in Ivan, that's there is to say."

   Grabe, hindi ko rin talaga alam kung anong gagawin ko sa isang 'to e. Pinanliitan ko siya mg mga mata. 

   "If you believe in Ivan and you can clearly understand his reasons for parting his way, then why didn't you chase him and be with him?" Napapamewang ko siyang pinasadahan ng tingin. 

   "Why did you let him let you go?" 

     Sa mga sandaling iyon ay bahagya lang siyang natawa at parang bata na ginulo ang buhok ko! 

     Tumayo na rin siya pagkatapos no'n tumampisaw sa tubig. Pero bago pa man siya tuluyang sumisid ay nilingon niya ako. At sa mga sandaling 'yon ay mas napansin ko ang kabuuhan ng pagkatamlay niya. 

   "Because spending my whole youth with him was enough. Those seven years was enough for me to keep going, even if it ended up for us to have our separate ways now." 

    "H-hindi ko maintindihan?" kunot noo kong tanong dahil napakapamilyar ng mga sinasabi niya at hindi ako natutuwa. 

   "It's simple. The world is not a neverland and people needs to grow. With or without those they wanted to grow old with." 

•••

    Matapos ang mahabang gabing iyon ay bigo akong makapag imbestiga sa tunay na kalagayan ni Typo. Naka uwi na sina Mark at Chenzo pero itong si Orion ay kinapalan na talaga ang mukha at humingi pa ng extension.

    Pinakilala ko na siya kay Typo bilang kapatid ko at tutulungan niya kako akong i-comfort si Nanay. Well, 'yon naman kasi ang totoo dahil pakiramdam ko hindi ko kayang gawin mag isa ang bagay na 'yon. 

    Masyado pa akong nawiwindang sa lahat ng bagay at sa tingin ko ganoon rin naman si Orion. Pero pagtutulungan namin 'to. Magtutulungan kami para mabuo namin ang pamilya na mayroon dapat kami. 

    Sa kabila ng sitwasyon ay hindi ko maiwasang mapangiti habang tinatakbo ang daan patungo sa Master's Bedroom. 

Sabi kasi ni Mang Ernie ay pinatatawag daw ako ni Typo kaya naman ay agad na akong nagtungo doon. Although na delay lang ako ng ilang minuto dahil nakipag videocall pa sa 'min si Markian at Dennis, pero heto na ako ngayon at kakatok na nga!  

    "M-master, pinapatawag niyo daw po ako? Sorry na late ako," humahangos kong saad. 

    Nang hindi makarinig ng tugon ay nagpaalam nalang ako na papasok na. Doon tumambad sa 'kin ang tulog mantikang si Typo suot ang puti niyang long sleeve polo. 

my name is not loveWhere stories live. Discover now