level twenty

36 6 0
                                    

Sa huli ay iniwan namin ang sasakyan sa daan at sama samang nagtungo sa direksyon na pinanggalingan ng tilian. Si Ivan ang nangunguna sa 'min habang si Mark naman ang nagbabantay sa likuran. Nakapwesto naman kami ni Rui sa magkabilang gilit habang ikinukulong sa gitna sina Chenzo at Lana. At sa pinaka gitna ay andoon si Daz.

May kanya kanya kaming mga flashlight ng cellphone. Ibinalot namin ito sa plastic bag para hindi mabasa kaya kahit papaano ay medyo naiilawan namin ng mabuti ang madulas at bato batong daan.

Ang nakakainis, ay dahil sa sobrang sama ng panahon ay napaka walang silbi ng payong na bitbit namin. Kaso wala din naman kaming magagawa dahil si Ivan ang nagsabi na dalhin parin namin para naman daw ay may magamit kaming sandata pagnagkataon. Maliban doon ay pinagkukuha niya rin kami ng kahit na anong bagay na maaari naming magamit para maprotektahan ang sarili sa-

"Hala putang ina!"

Napatalon ako sa gulat dahil sobrang lakas ng boses ni Markian. Halos sabay naman kaming napalingon sa direksyon niya at inilawan ito ng mga flashlight. Aklmang magtatanong na nga sana si Dennis kung ano ang problema ngunit goon nalang talaga ang pagkapit niya sa likuran ni Markian nang mamataan ang dahilan ng malutong nitong pagmumura.

Maging kami ay sinundan ang direksyon ng tingin nito at ganoon nalang din talaga ang pagsitaasan ng mga balahibo sa katawan nang mamataan si Lori na nasa itaas ng malaking puno. Naka bukas ang tiyan, nakalabas at nakabitin ang mga lamang loob mula doon.

Ang mas nakakagago pa ay mayroong malaking pako ang naka tusok sa noo niya at ganoon din sa mga kamay at paa nito. Para bang pinapako siya krus, dahil na din sa porma ng mga sanga ng puno!

Halos mangatal ang lalamunan ko at animo'y nakalimutan na kung paano magsalita, o maski nga ang huminga. Ngunit sa pagkakataong 'to ay hindi na ito dahil sa lamig ng panahon, kundi dahil sa kahindikhindik na bagay sa harapan ko.

"W-wala 'to sa script," giit ko sa sarili habang ang mga paa ay hindi na nga maigawang ihakbang dahil sa panginginig.

Kahit nga sinabihan kami ni Ivan na magdikitkikit at mag patuloy na sa paglalakad ay hindi ko parin magawa. Nanatili ako sa pagkakatuod sa kinalalagyan habang naka angat ang tingin sa kalunoslunos na dinanas ni Lori.

Hindi. Hindi 'to pwede.

"Let's keep going. Tara na sabi- holy shit!"

Muling nagkaroon ng komusyon sa direksyong tinatahak nila ngunit parang ayoko nang lingunin. Kung hindi lang talaga ako hinila ng katabing si Chenzo ay makakaligtas na sana sa panibagong kilabot ngunit hindi e.

Pagkahatak na pagkahatak sa 'kin ni Chenzo sa direksyon nila ay lantaran din namang tumambad sa akin ang naka handusay na bangkay ng... isa sa mga kaibigan ni Lana.

"Oh my gosh! Fleri!" bulalas nito at halos ipagtulakan na kami para mabuang ang formation at makalapit sa kaibigan. Mabuti nalang at nahila siya ni Ivan bago pa ito tuluyang makalapit sa nagkalasog lasog na katawan ng kaibigan.

Animo'y pinagpupukpok ito ng malalaking bato ng paulit ulit. Lalo't nagkalad sa mga bato sa paligid ang dugo mula sakanya.

"What the fuck! What th fuck!"

"Tangina hindi na 'to prank!"

Sa puntong 'yon ay nagsimula nang magpanic ang lahat. Sa gitna ng kawalan at kadiliman ng gabi, halos magtalo talo at hindi na magkaintindihan ang lahat. Habang.nanatili naman akong tahimik at wala sa sariling nakatitig lang sa bangkay ng kaibigan ni Lana.

Kasi kung tutuusin, sina Lori at Fleri, kapwa sila wala sa listahan ko. Ni hindi nga ganito ang estilo ng pagpatay ng fictional character ko kaya talagang hindi ko na alam kung anong susunod na mangyayari.

my name is not loveWhere stories live. Discover now