start

549 25 8
                                    

   

----

Wanted: 
Manslaughterer 

An infamous serial killer.

Weapon: Baseball bat filled with barbwire.
Target: Working Class,
Noble Families and their enablers.

Dead or Alive

---

    "Can you introduce yourself?" 

    Ngumiti ako ng pagka lapad lapad at taas noong hinarap ang buong klase namin. Aktong magsasalita na sana, ngunit bahagya namang natigilan nang may mapansing kung ano. Naka upo sa pinaka likod katabi ng bintana, ang isang babaeng naka hoodie ng itim. Idagdag mo pa ang malusog nitong eyebags at ang matamlay na mga mata...

    Mukha talaga siyang pinagkaitan ni Lord ng tulog. Kawawa naman. 

    "Miss Del Puerto?" muling tawag ng adviser ko. Mabilis naman akong nabalik sa reyalidad. Napatikhim pa't nag umpisang sabihin ang nakatutuwang pangalan. 

    Nilaro ko ang heart shaped pink necklace bago nagpatuloy. "I'm fond of writing stories since I was in elementary and I used to have a Wattpad Account—"

    "Anong story ang sinusulat mo? Fairytales?" mapang-uyam na putol ni Cody sa sinasabi ko. Nagtawanan sila dahil doon ngunit napakurap kurap lang ako. 

    Hindi ko alam kung dahil ba sa suot kong ribbon na nakatali sa dutch braid kong hairstyle, o sa pastel themed kong denim jacket, o sa light pink kong over the knee socks na mayroon pang tenga ng kuneho sa taas, o dahil lang talaga sa pangalan ko, kaya nila ako pinagtatawanan ngayon. Ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at muli silang nginitian. 

    "No, I'm a horror and gore novelist."

    Sa isang iglap ay binalot ng nakabibinging katahimikan ang buong silid. Pakiramdam ko nga ay napako na sa 'kin ng tuluyan ang mga atensyon nila. 

    I then left out a soft laugh and met their horrified gazes. 

    "My childhood friends were horror villains and the lullaby I always want to hear are people cries and suffering. I crave for your tormention and I hope you all guys rot in hell." 

    Katulad kanina'y wala paring nagsasalita at halos malaglag na ang mga panga nila. Napakagat nalang talaga ako sa ibabang labi at tuluyan nang napahagalpak sa tawa. 

    "Chill lang guys, it was a dialogue from one of my unreleased stories. I just quoted it para naman feel niyo na ang vibe ko. Haha!"

    Para silang nabunutan ng mga tinik sa dibdib. Maging si Sir Fletcher ay idinaan nalang din sa tawa ang pagka-ilang.

    Sa huli ay inayos ko nalang ang frame ng rounded glasses ko at lumunok muna ng laway nang may maalala.

    "By the way, hindi niyo na mababasa ang mga stories ko ngayon sa wattpad, tumigil na ako sa pagsusulat few years ago. But if you're curious, I used to have the username Manslaughterer." Ngumiti akong muli.

    "I was Manslaughterer."

•••

my name is not loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon