level twenty four

47 4 0
                                    

Third Person's POV

     Habang hawak sa kabilang kamay ang may kalakihang payong, marahan nang pinindot ni Cat ang doorbell ng isang mansyon. Pansamantalang binabalewala ang mga nagsisiksikang sina Archie, Rath, Mark at Orion sa likuran niya.

   Kinaumagahan kasi, matapos ang insidente sa abandonadong bahay sa kagubatan ng Mephistopheles Town, nakuha na ni Cat lahat ng impormasyong kailangan niya mula kay Daz. Simula sa newspaper na naglalaman ng public execution ng Yawaka City noong unang panahon, pati na sa mga patayang nagaganap na may koneksyon sa "fictional character" ni Nath.

     At lahat ng mga bagay na iyon ay naghatid sakanya patungo sa isang hakbang. Sa harapan ng tahanan ng mga Crisostomo.

   "Seryoso ba tayo sa gagawin natin?" kunot noong tanong ni Mark at kumamot sa batok.

     Nagkibit balikat lang si Archie dahil doon at binalingan ang nagsisilbi nilang leader na si Cat upang magantay ng sagot.

      "Yes seryoso tayo. We need to know more about what really happened during that kidnapping incident, who were the culprits and why the fuck would they do that in the first place," tugon din naman ni Cat at tumanaw sa loob ng gate ng mga Crisostomo.

      "Thanks to Yawaka City's love for threats and fabricated news, we need to investigate face to face. Because if those kidnappers before have a connection with the killers from today, then we won't just locate where Ivan and Nath right now, but could also take a glimpse of their entire plan and abolish it. We need to do shits one one step ahead."

       After saying those phases, someone from the residence finally opened their gates. And in instant everyone got silent.

      "Oy! Pareng Zephyr, ako 'to si Rath!"

     Well, except for that idiot.

    Hindi pinansin ni Zephyr ang maligalig na bati ni Rath at pinasadahan lang ng tingin ang mga nilalang na nasa labas ng gate nila. "Anong ginagawa niyo dito?" diretsahan niyang tanong at sa pagkakataong iyon at ipinukol na ang atensyon sa nakayukong si Orion.

     Mabuti nalang at makapal ang mukha ni Cat kaya siya na ang nagpaliwanag ng lahat lahat. Patapos pa lang siya sa kanyang litanya ng biglang may lumagapak sa screen door nila sa 'di kalayuan.

     Agad namang na baling doon ang atensyon ng lahat. Ganoon nalang din ang panliliit ng mga mata ni Zephyr at dahan dahang napasapo ng noo, nang matanto kung ano ito.

    "Oh my goodness! Anak ko~"

    Doon ay tuluyan nang iniluwa ng pintuan ang isang nasa late 30's na lalakeng may kahabaan ang buhok. Nakasuot lang ito ng simpleng oversized long sleeve, ngunit hindi pa rin maikakalila ang taglay nitong pagka elegante at mamahalin. Sa buhok pa lang nitong mayroong pinalamutian ng mga perlas na hairclips at sa paraan ng pagkaripas nito ng takbo patungo sakanila, malulula ka nalang talaga.

    Pakiramdam nga nila Markian ay mayroong imaginary glittery carpet ang nilalang na iyon nang dumaan ito harapan nila.

    "Anak ng tuleg, parang hindi tao, e’," bulong ni Rath ngunit rinig pa rin naman ng lahat. Akmang gagatungan sana ito ni Archie ngunit kapwa nalang talaga sila natuod sa kinatatayuan dahil sa mga sumunod na kaganapan.

    Biglang tumalon payakap 'yong nilalang kay Orion, sabay sabing "Ori, welcome home~"

    Ang kaso lang ay nasa malfunction era pa rin si Orion kaya hindi niya nasalo agad. Ang resulta ay lumagapak nanaman iyong nilalang, ngunit sa pagkakataong ito ay sa sahig na.

    "Lagot ka kay Ivan, 'di mo sinalo ang paborito niyang tatay," mapaklang saad ni Zephyr na nakatayo parin sa may gate. Ni hindi manlang tinulungan iyong lalake na mukhang wala na atang balak tumayo.

my name is not loveWhere stories live. Discover now