level twenty seven

44 3 0
                                    

"What's with that long face, Nathalie?"

Sa isang iglap ay para akong natuod sa kinalalagyan. Mayroon pa ring mga tao sa paligid, maingay pa rin a magulo. Ngunit dahil sa napaka pamilyar na boses na 'yon ay parang napokus na doon lahat ng atensyon na mayroon ako.

Dahilan upang mabilis kong hinarap ang direksyon kung saan iyon nanggaling. Nang matagpuan ko iyon kasama na ang may ari, ay parang nakalimutan na ata ng bibig ko kung paano magsalita.

Puting polo, hindi maayos na pagkakalagay ng necktie, magulong buhok, nangungusap na mga mata. Tumangkad lang siya ng kaunti pero siya pa rin ito.

"Y-young Master..."

Hindi ako sigurado kung nagawa ko ba talagang banggitin ang katagang iyon, gayumpaman ay ginawaran niya lang ako ng isang pilyong ngiti saka humakbang palapit.

"Nathalie, stop calling me Young Master, I'm not that young anymore."

Hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. Masyadong magulo ang isipan ko dahil sa mga nangyari at nasaksihan. Naghahalo halo silang lahat sa sistema, ni hindi nga matigil ang mga binti ko sa panginginig. Idadagdag mo pa ang nilalang na nakatayo sa harapan ko ngayon.

"It's okay, I'm here," marahang sambit ni Typo nang mahigit niya ang baywang ko. Sa isang iglap ay parang tuluyan na akong gumuho.

"You're safe now."

•••

Nang makarating sa tahanang nagmistulang kulungan buong buhay ko, tanging ang nakabibinging katahimikan lang ang bumati sa 'min. Animo'y alam na nito ang balita patungkol sa dati nitong hari.

Habang tinatahak nga namin ang ang daan patungo sa sala, marahil ay alam na ng mga guards at ng servants na nakakasalubong aang nangyari dahil sa balita. Baka nakita rin nila si Typo kanina since siya ang sumasalo ng mga tanong na ipinupukol sa akin at kay Ivan ng mga taong andodoon.

Pero pakiramdam ko ay walang kahit na isa sakanila ang nakapaghanda sa katotohanang kinakaharap namin ngayon. Na dahil wala na si Don Alejandro ay awtomatikong si Typo na ang hahalili bilang tagapagmana ng Dazarencio Clan sa fraction ng tatay niya.

Na siya na ang bago naming Don. Ang bago naming master.

Ang bagong boss na mamumuno sa mansyong ito.

"Hindi 'to maaari!"

Kapwa kami napaangat ang tingin nang may marinig na sigaw mula sa ginintuang hagdan. Doon ko natanaw si Nanay at ang mga mata niyang puno ng pighati at poot.

"H-hindi pwedeng patay na si Don Alejandro! Hindi ako makakapayag! D-dalhin niyo ako sa Ivan na 'yan, siya ang sinasabi nilang pumatay kay Alejandro si ba? Nasaan ang hayop na lalakeng 'yan?" nangagalaiting bulalas ni Nanay at agad kaming sinugod.

Although itinulak niya lang ako palayo at ku-kwelyuhan na sana si Typo, ngunit mas mabilis na nakaresponde ang mga bagong body guards ni Typo at nagapos si Nanay.

Imbis na rumisponde at protektahan si nanay, talagang napa buga nalang talaga ako ng hangin. Ni hindi ko akalaing kailangan ko pang masaksihan pati ito. Sa dinadami dami ng emosyon na hindi pa nga napa-process sa sistema ko, tapos ganito, ganito pa ang makikita kong estado ni nanay ngayon?

"Typo nasaan 'yong mamamatay tao na Ivan na 'yon? Kailangan ko siyang makita, sasakalin ko siya! Bakit niya kailangang gawin 'yon? B-bakit kailangan niyang patayin ang asawa ko?"

Napayuko ako dahil sa narinig at hindi nalang din tinulungan ang sarili na tumayo. Ayoko. Ayokong masaksihan 'to. Ayokong marinig ang mga pinagsasabi ni nanay ngayon. Ayokong maramdaman ang ganitong klase ng sakit ngayon.

Utang na loob, ubos na ubos na ako!

"Calm down Tita Aster, just like what Nathalie said, hindi si Ivan ang pumatay kay Daddy," malumanay na saad ni Typo, ngunit mas lalo lang nagwala si nanay.

Masyadong maingay, masyadong magulo. Pagkatapos kong mapagdaanan lahat ng kagaguhang 'yon, akala ko kahit ngayon lang ay magiging mapayapa ako dahil nakauwi ako ng buhay.

Pero saan nga ba kasi ako dapat umuuwi? Mayroon ba talaga akong lugar na matatawag na bahay?

Hindi ko na mapigilan ang mga luha sa pagtulo, at huli na ang lahat nang matanto kong nagtatakbo na pala ako palayo sakanila. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kasi pakiramdam ko wala rin naman akong pupuntahan. Sa huli ay nagtungo lang ako sa kwarto ko sa mansyong ito at pinagsarhan ng pinto ang buong mundo.

Wala sa sariling naupo lang ako sa sahig at mariing tinakpang ang mga tenga. Ayoko pa. Ayoko pa silang marinig. Kahit ang mga boses sa utak ko na nagsasabing simula't sapot wala pala talaga akong bahay. Wala pala talaga ata akong matatawag na tahanan.

Ayokong magalit kay Ivan kasi biktima lang din naman siya ng lahat. Pero bakit ang sakit sakit? Bakit pakiramdam ko hindi ko naman deserve na mag suffer ng ganito? Pakiramdam ko kung hindi dahil sakanya at sa pangmamanipula niya para gawin akong knight ni Typo, malaya naman sana kami ni Nanay ngayon.

Oo maghihirap kami, pero magkakaroon kami ng tahanan na hindi gawa sa hawla. Magkakaroon ako ng mauuwian kapag ubos na ubos na ako. Alam ko kung saan ako pupunta para magpahinga at sa kabila ng magulong mundo, mararamdaman ko paring ligtas ako.

Knock knock.

Hindi lang ako kumibo o maski umusog manlang sa kinauupuan. Niyakap ko nalang sa sarili at ibinaon ang mukha sa mga tuhod.

"Can I enter? Well, I have the keys tho, but I still need your permission," rinig kong boses ni Typo sa mula sa labas. Malayong malayo sa agresibo at halos mangangain na ng tao niyang tono kada pinagsasarhan ko siya ng pinto noon.

At sa pagkakataong ito ay hindi na galit o takot ang nararamdaman ko dahil sa pagkatok na iyon. Masyado iyong malumanay at kahit papaano ay nakakabawas ng bigat sa dibdib. Hindi noon napapawi lahat lahat pero bahagya niyang pinapagaan ang lahat.

"Just throw me anything if you don't want to see my face okay. I'm going to enter."

Nakalimutan ko pala siyang sagutin kaya ilang sandali lang ay narinig ko na ang pag bukas ng pinto, maging ang maiingat niyang hakbang patungo sa akin.

Matagal pa bago ako nag angat ng tingin, at sa huli ay nadatnan ko lang siyang naka upo sa tabi ko. Kapwa naka sandal sa pader at yakap yakap ang mga tuhod. Medyo kaparehong senaryo noong dinadamayan ko siya sa may sala, noong mga panahong namatay ang nanay niya.

Hindi niya ako hinawakan o maski ginulo sa katahimikan ko. Tinabihan niya lang ako at inantay kung kailan ako magiging handa para pansinin siya. At ngayon, habang tuluyan nang nagtama ang mga mata namin, hindi ko nanaman mapigilan ang mga luha sa pag agos, pati na ang sarili na sugurin siya ng yakap.

Agad din naman niya akong tinanggap at sinuklian ito. Marami akong gustong itanong. Marami akong gustong sabihin at ilabas, pero tanging mga iyak lang ang kaya kong gawin.

Ilang sandali rin kaming nanatili sa ganoon, ngunit nang tuluyan nang maproseso ng sistema ko ang hindi pamilyar niyang kamay na nakahawak sa baywang ko, pati na ang ibang paraan ng paghalpos sa ulo ko, bigla akong natigilan.

Sa isang iglap ay parang nanlamig ang katawan ko, lalo't hindi pa rin naman niya ako binibitiwan at halos mapakandong na ako sakanya. Ngunit imbis na bigyang pansin pa ang pusisyon namin, mas nanaig sa akin ang kakaibang pakiramdam dahil sa mga paghawak at pagdampi ng palad niya sa balat ko.

Just like earlier, our gazes met again, he even caressed my face and gave me his warmest smile.

"Don't worry you're not going to suffer anymore. I'm here."

Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla akong kinilabutan. Yes, his touches were soft and his voice was too gentle. But his eyes. There was no sincerity in his eyes.

Hindi ganito ang mga mata ni Typo.

my name is not loveWhere stories live. Discover now