level two

267 10 3
                                    

     Malalim na ang gabi nang makarating ako sa kuta ko, sa likod nang lumang City Library. Hinubad ko ang denim jacket na lagi kong suot at agad akong naupo sa isang punit na karton, mag-isang ginagamot ang mga bagong sugat na natamo. 

    Sa tulong ng street lights ay kahit papaano'y naiilawan ang pwesto ko. Kung hindi lang talaga dahil sa pink kong sando at maong na shorts, baka nag mukha na akong mummy dahil sa mga benda ko sa katawan. Mabuti nalang at walang nakakakita sa 'kin ngayon. 

    Pero sino bang inu-uto ko? Kahit pa siguro maghubad ako dito wala namang makakakita. 

    Sa katiwalian nga ng Noble Families ay nagbubulagbulagan sila, sa katawan pa kaya ng isang hamak na katulad ko? 

    Mapakla akong natawa at napa iling na lang dahil sa mga naiisip. Sinimulan ko nalang din na iligpit ang mga gamit sa dalang pink na shoulder bag at marahang sinipa patago sa ilalim ng basurahan ang isang punyal na nakita.

    May mga gamit kasi akong nakatago sa kung saan saang sulok dito sa likod ng City Library, mga patalim at notebook na naglalaman ng mga estilo kung paano pumatay at magtago ng bangkay.

    Wala e, writer nga kasi ako at kailangan ko ang mga impormasyong 'yon, para mas effective ang magiging patayan sa istorya ko. 

    Don't worry, hindi ako kriminal. 

    Well, hindi pa. 

    Isang ngisi ang pumorma sa labi ko nang maalala ang isang bagay. Isang klaseng bagay na sa tingin ko ay magpapalaya sa 'min mula sa mala impyenrong lugar na 'yon.

    Masakit man ang tagiliran ay mahina pa rin akong natawa at pinagmasdan ang papel. 

-------

Mondevilla's Bloodshed Tournament 

Be anonymous, knock down your foe and win up to one million pesos. 

Ps. Sagot na namin ang funeral expenses.

-------

    Hindi ko mapigilang mapasinghal at mapatingin nalang sa patay na kalangitan. Alam kong kagahuhan 'to, pero wala akong ibang choice. Isa sa ang mga Mondevilla sa Noble Families kaya malamang sa malamang, maco-cover up lang ang aktibidad na ito. 

    At since hindi rin naman ako pakikinggan ng mga pulis kapag nag sumbong ako, edi sasali nalang ako sa tournament! Aba syempre, hindi ko palalagpasin ang tsansa na mabigwasan si Typo at magkaroon ng pera dahil doon.

    Gusto ko sanang humagalpak uli sa katatawa, ngunit naurong lang din lahat nang 'yon at mabilis na napayakap sa sarili. Bigla ba naman kasing nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok. Pakiramdam ko pa tuloy may nakatingin sa 'kin! 

    Mabilis akong nag palinga linga sa paligid ngunit wala naman akong nakitang kakaiba.

    Napasinghal ako't sa huli ay kunot noong tinitigan ang tinted na binta sa likod ng lumang City Library. Gago naman, bakit pakiramdam ko may nakatingin sa 'kin mula sa loob ng library?

•••

    Kinabukasan ay pilit ko nang inialis sa isipan ang kilabot na naranasan ko sa sariling kuta, at kinumbinsi ang sarili na baka kako nahamugan lang ako kaya kung ano-anong nararamdaman ko. Kaya ayon, habang nagkaklase ay nag-pokus malang ako sa pagsulat ng mga To Do List at mga exercises na kailangang gawin upang ma-kondisyon ang sariling katawan. 

my name is not loveWhere stories live. Discover now