level five

183 8 1
                                    

  
    "Y-young Master." 

    Bahagya akong napa-atras nang humakbang ito palapit. Katulad namin ay naka school uniform rin si Typo, ngunit masyado namang maluwang ang pagkaka-lagay sa necktie nito. Isama mo na din 'yong turnilyo sa utak niya.

    "You're cheating on me, aren't you?" seryoso ba naman nitong saad at marahas akong hinila palapit.

    'Young Master, fourteen ka palang at wala naman talagang tayo!'

    Gusto ko sanang sabihin, ngunit alam kong ikasasama ko lang ang bagay na 'yon. Baka kako idamay niya pa sila Tatay sa galit niya, kaya huwag na lang. Wala rin naman kasi akong ibang magagawa. Sa huli ay wala pa ring kwenta lahat ng training na ginagawa ko kapag nasa labas kami at hindi ako naka maskara.

    Kaya humanda talaga siya sa 'kin sa  Bloodshed Tournament, doon ako gaganti at ibubuhos lahat ng galit na mayroon ako para pamilya nila!

    "What? answer me, Nathalie!" Akmang hihilahin na naman niya ako ulit, ngunit sa pagkakataong 'to ay agad na pumagitna si Ice Bear sa 'min at pinigilan ito. 

    "Let her go, Typo. That's not how you treat a girl." 

    Nagkasukatan sila ng tingin ngunit hindi pa rin naman ako binibitawan ni Typo. Mali,walang maski isa sakanila ang gustong bumitaw!

    "But I'm not treating a girl. I'm treating a pet," taas noong saad ni Typo at muli akong nahila. 

    "But even a pet shouldn't be treated that badly. You should take care of them." 

    Wait, did just Ivan agreed on calling me a pet?

    Aba talga naman! 

     Magsasalita sana ako, ngunit agad din naman 'yong naputol ng bungisngis ni Typo. "That really came from you, Zoen Ivan? Why? Have you learned how to shelter someone now, without the urge to leave them behind in the end?"

    Suminghal pa ito at inakbayan ako na parang hostage. "Should we applaud you for that? Hey come Nathalie, let's congratulate this bastard," natatawang saad nito at mula sa likuran ay hinawakan niya ang magkabila kong kamay. Para akong puppet ng kontrolin niya ang mga ito upang pumalakpak. 

    "I'll try..." 

    Bahayang nanlaki ang mga mata ko dahil sa naging sagot ni Ivan. Lalo na nang magsimula siyang humakbang palapit!

    "So get your hands off her, Typo. You don't own her." Sinubukan niya akong agawin at nagtagumpay naman siya. Ang akala ko nga ay ikagagalit 'yon ni Typo, ngunit isang malakas na tawa lang ang itinugon niya doon. 

    "Oh, so you're fighting for this girl, now? That's strange. ano kayang mararamdaman ng lahat ng taong sinukuan mo kapag nalaman nila 'to?"  Napangisi ito. 

    "At ano rin kayang mararamdaman mo kapag sinabi ko sa 'yong... ginagamit ka lang naman ni Nathalie para makasali siya sa Bloodshed Tournament." 

    Para akong natuod sa kinatatayuan dahil sa narinig. Pakiramdam ko nga ay biglang nanlamig ang buo kong sistema, lalo na ng bahagyang nanginginig ang mga kamay ko. 

    P-paano niya nalaman ang bagay na 'yon?

    "Nathalie isn't a type of person that will ask for help. She was born to save herself and will just use people to her advantage," dagdag pa ni Typo, na naging dahilan upang maramdaman ko ang unti-unting pagbitaw ni Ivan sa kamay ko. 

    Mabilis naman akong napa iling. Sinubukan ko siyang titigan sa mga mata at magpaliwanag ngunit walang maski isang salita ang gustong kumawala sa bibig ko. Nalintikan na! 

my name is not loveWhere stories live. Discover now