level twenty nine

Start from the beginning
                                    

   Simula pa lang nang mapadpad kami sa lugar na 'yon ay ginawa ni Mark ang lahat ng makakaya niya. Nakipagtalo pa siya kay Ivan na huwag kaming magwatak watak, prinotektahan niya ang sa tingin niyang may kailangan no'n ay sa huli ay inilabas niya ng buhay sa nasusunog na mansyong ang mga kasama. 

    Hinanap at binalikan niya ang walang malay na si Rui sa nagliliyab na lugar na iyon. Kahit nga si Lana na pinagsasapak at nagwawala ay hinatak niya parin palabas. 

    Mabuti nalang at natagpuan nila ang mga kabanda ni Orion sa labas pati na sila Ate Cat at Archie. Laking pasasalamat ko rin sa ate ni Rui kasi inalalayan niya sina Mark at Orion noong mga panahong pati sa ay nahihirapan nang magpakatatag. 

   Speaking of her, kailangan ko palang hanapin si Rui para mapasalamatan ang ate niya! 

   "Ah talaga ba?" 

    Natigilan ako dahil sa pasaring ni Chenzo na bigla nanamang pumuslit papasok sa classroom namin. Napakurap kurap pa ako at akmang ipapaliwanag na ang pakay ko lang naman talaga ay pasalamatan si Ate Cat, ngunit nang matantong kay Markian pala ito nakatingin ay naka hinga ako ng maluwang. 

   Gagatong pa ang loko e, mabuti nalang at nahimasmasan na si Markian. Kaya ayon at hinatak niya ang munting m Chenzo saka ito pabirong niyakap sa leeg gamit ang kanang braso niya. 

   Ang mga sira ulo ay nagkumpulan na akala mo naman talaga ay may maibubuga si Chenzo sa laki ni Markian. Baka nga isang pitik lang siya niyan lalo't mas maaliit pa siya kay Dennis. Matapos ko silang hayaan sa mga buhay nila, pati narin ang mga matang nakatitig sa direksyon namin ay sawakas naman at tumigil na sila. 

   "By the way Nath, ayos ka lang ba sa inyo?" seryosong tanong ni Chenzo at naki upo sa armchair ng upuan kung saan naka pwesto si Mark. 

    "What do you mean?" 

    "I mean, bumalik na si Typo. At base sa mga naging kwento ni Hope sa 'kin kapag nasa gig kami saka sa mga narinig ko sa Mephistopheles Town, sa tingin ko medyo hindi naging maganda ang mental health mo noon dahil sa prisensya niya." 

   Dumakwang ito at akmang bubulong. "So gusto mo ba ng bagong bahay? Naghahanap ng roommate si Rui sa nilipatan niyang boarding house. Para daw may kahati siya sa bayad."

    Bahagya lang akong natawa dahil doon saka napailing iling. Kasi oo nga pala at kailangan ko pang kausapin si Rui pagkatapos ng lahat ng 'to. Pero bago iyon ay muli ko nalang na itinuon ang pansin kila Chenzo at Mark. 

    "Well, honestly pareho namang hindi naging maganda ang mga mental health namin dahil sa isa't isa. At kahit nga nagkahiwalay kami ni Typo ay hindi pa rin naman ako naging okay," sagot ko sa tanong ni Chenzo kanina.

    Kapwa naman sila nagsiksikan sa harap ko na para bang top secret ang isinisiwalat ko sakanilang kwento.

   "Tapos?" 

    "Tapos dapat nga maging masaya ako dahil nakabalik na siya. Pero may parte talaga ng pagkatao ko ang hindi kumbinsido sa pagbabalik niya. Pakiramdam ko… ibang tao siya. Pakiramdam ko nagpapanggap lang siyang si Typo." 

    "Paano kung pinatay nga nila si Typo doon sa France at may isa pang miyembro ng Ideale Clan ang nagnakaw ng katauhan at buhay niya? After all malaking role ang pagiging heir." Napasinghap ako dahil sa sariling tinuran lalo't maging sila Chenzo ay nag umpisa nang mag panic. 

    "Kung ganoon delikado kayo ng nanay mo doon sa mansyon. Kailangan niyo nang lumayas!" suhestyon ni Mark at halos maalog pa ang utak ko dahil sa pagkakahawak niya sa 'kin sa magkabilang balikat. 

my name is not loveWhere stories live. Discover now