level twenty eight

Magsimula sa umpisa
                                    

    Dahil biglang iniluwa ng pintuan ng library ang inosenteng si Ivan. Medyo magulo ang buhok nito at mukhang hindi rin ata nakatulog ng maayos. 

    Ngunit sa kabila ng kasalukuyang estado niya ay hindi napigilan ni Typo ang pagtuonan ito ng pansin. At sa isang iglap ay animo'y natahimik ang lahat. 

    Parang biglang numipis ang hangin sa paligid, lalo na dahil sa magagaang mga hakbang na ginagawa ni Typo patungo kay Ivan. 

    Patungo sa kanyang nakatatandang kapatid.

    "Long time no see Mr. Loverman," taas noong sambit ni Typo at pasimpleng hinarangan ang daanan nito.

    Doon ko lang din napansing halos magkasing tangkad nalang silang dalawa. Pero kung ang tindig at dating ang pagbabasehan, parang napakaliit na ni Ivan ngayon. Idagdag mo pa ang katotohanang hindi manlang ito kumibo o maski nakipag pantayan ng tingin kay Typo.

    Napakunot ang noo ko sa nasaksihan pero wala naman akong sapat na lakas upang awatin sila. Kasi first of all, wala namang ginagawang masama si Typo. Sinasalubong lang naman niya ang kapatid niya. 

   "Are you just going to stay silent and keep your head low? Where the hell is your pride now, Ivan?" mapaklang natawa si Typo at bahagya pang napatingin sa paligid. 

   Mayroong mga estudyante nagkukumpulan na para bang soap opera ang pinapanood nila. Mukhang nagustuhan naman ni Typo ang bagay na iyon kaya marahan niya pang tinapik tapik sa pisngi si Ivan. 

   Pero imbis na magreklamo o tapunan manlang ito ng tingin ay mas pinili ni Ivan na lagpasan lang ito. Ang akala ko nga ay magagawa niya, kaya ganoon nalang talaga ang pagsinghap ko nang marahas siyang hilahin ni Typo pabalik!

   Ang nakakaloko lang ay dahil sa lakas ng pagkahatak sakanya ni Typo ay napatumba ito sa sahig! Oo si Ivan na teacher ko sa pakikipaglaban, napatumpa lang ni Typo ng gano'n kabilis!

   Anak ng tuleg, kailan pa siya naging ganyan ka lakas?

   Magkabilang bulungan at mga ingay ang ang nanaig sa paligid. Mayroong nangaasar at pinagtatawanan ang sinapit ni Ivan, mayroon din namang masasama ang tingin kay Typo. 

   At heto nanaman ako sa parte ng buhay ko kung saan hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko rin naman kasi problemang magkapatid 'yan kaya dapat silang dalawa rin ang mag resolba. Masyado akong maraming pinagdadaanan ngayon para maging referee pa sa nangyayari sakanila, kaya napalunok nalang talaga ako ng laway sa isang tabi. 

  "Did just the down grader downgraded for real? How pathetic. But anyway, if you're not gonna talk to me then whatever. You can just call at the Dazarencio's Master Hotline if you finally want to beg and catch up. Ciao." 

   Right after that, Typo casually bidded me his goodbye then walked his way towards his classroom. Napakurap kurap pa ako ng ilang ulit habang nagsisi alisan na rin naman 'yong ibang mga estudyante sa paligid ko. Nang mahimasmasan ay agad akong napakamot sa ulo at pinagmasdan si Ivan na ngayon ay nakatayo na at nagpapagpag ng sarili. 

   "What the hell was that?" kunot noong tanong ko. 

   "What the hell was what?" Sawakas ay sagod niya na, ngunit wala naman iyong damdamin. 

   Like seriously? Nakapamaywang ko nalang talaga itong sininghalan. Hindi ko akalaing sa dinami dami ng pinagdaanan namin at mga bagay na nalaman ko tungkol sakanya, mabubwisit pa rin pala talaga ako sa pagmumukha niya. Pwede pala 'yon?

   Sa huli ay napailing iling nalang talaga ako at sinubukan siyang hilahin papuntanta sa kung saan. "Nevermind, may mas seryoso tayong dapat pag usapan."

my name is not loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon