"Ang bilis mo naman. Kakakilala pa lang natin." Pilyong sabi niya. Gustong kong takpan ang bibig niya. Kung wala lang akog kailangan, hindi ko kakausapin ang lalaking to!

"Ano ang alam mo sa susi?" Hinawakan ko ang susi at itinago sa loob ng blouse ko.

"Oh! Nothing much!" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko. Unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin

Itinulak ko siya ng sobrang lakas. Napabitaw siya sa akin. At nanlaki ang mga mata.

"Don't you dare!" Saad ko. Nakagat ko ang aking labi. Minsan lang ako mag-ingles. Kapag galit lang ako.

"Hindi mo na ba ako natatandaan Veronica?" Umiling ako. Kilala niya ako? Tumalikod ako sa kanya at tumakbo ng mabilis.

Huminto ako ng nakalayo na ako. Magaling lang siguro siyang manghula. Imposibleng kilala ko siya. Humugot ako ng malalim na hininga at naglakad papuntang sakayan ng taxi. Sa taxi muna ako sasakay. Baka mamaya, makita ko na naman ang lalaking yun.

Humiga agad ako sa kama pagkadating na pagkadating ko sa hotel room ko. Hindi nga pala ako nakapagpahinga nang dumating ako dito sa Pinas.

Ngayon ko lang naramdaman ang jet lag na kanina'y wala naman. Saan na ngayon ako magsisimula? Hindi na ako makakabalik sa museum at wala naman na doon ang pinto.

Kinuha ko ang gintong susing dahilan ng lahat. Gintong ginto pa rin ang kulay at nakakabighani pa rin ang mga disenyo. Ngunit wala pa iyon sa disenyo ng Cervantes Door.

Napahawak ako sa akin tiyan. Nakasanayan ko na. Kapag naiisip ko si Eduardo napapahawak ako doon. Wala na ngang luhang lumalabas sa mga mata ko pero labis pa rin ang sugat sa puso ko.

Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Magiging matapang ako. Pangako ko iyon sa anak namin ni Eduardo.

4 years ago... Hospital

Dapat ngayon na ang alis namin ni Van papuntang New York pero hindi kami natuloy dahil pumutok ang panubigan ko ng papasok na kami sa eroplano.

Sinugod niya ako sa ospital na pinakamalapit. Labis labis ang kaba ko sa mga nangyayari. Hindi ko man lang alam na kabuwanan ko na pala. Takot kasi akong magpacheck up ulit dahil baka magtaka na ang doktor sa kalagayan ko.

Normal delivery. Nakatulog ako ng marinig ko ang iyak ng isang bata-ang anak namin ni Eduardo.

Nagising ako na nasa kwarto na ako ng ospital. Nakita ko agad si Van. Palakad lakad siya. Hindi mapakali.

"Van.." Garalgal na tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Maluha luha ang mga mata niya. "Ang anak ko?"

Hindi siya agad nagsalita. Nagtaas baba ang adam's apple niya at tumingin sa kisame.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Umupo ako sa kama kahit na mabigat pa ang pakiramdam ko.

"I'm so sorry Ate." Iyon lang ang sinabi niya pero napaiyak na ako. Ang anak ko..

Mahirap ang naging pagbangon ko pagkatapos non. Pumunta kami sa New York agad agad ng gumaling ako. Doon namin nakilala si Tito Nomer. Kamag-anak ng aming ama.

Nang nawala sa akin si Eduardo, gumuho ang mundo ko. Mas guguho pa pala ito ng mawala sa akin ang anak namin.
Itinuon ko ang pansin ko sa ibang bagay. Nagpaint ako. Canvas at pintura ang naging buhay ko. Si Van, naging busy sa pagtatrabaho sa kompanya ni Tito.

Akala ko kahit papaano, kaya ko ng mag-isa dito sa Pinas. Akala ko kahit papaano, nakapagmove on na ako. Hindi pa pala. Masakit pa rin.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Gagawin ko ang lahat para kay Eduardo. Kung kailangang ako ang pumalit sa kanya sa loob ng pinto, gagawin ko. Hindi ko na ulit siya hahayaang magsakripisyo para sa akin.

Nagising ako nang dahil sa tunog ng doorbell sa kwarto ko. Napatingin ako sa wrist watch ko. Halos limang oras pa la akong nakatulog. Tamad akong pumunta sa pinto. Sino naman kaya ito?

Binuksan ko ang pinto. Laking gulat ko ng sumalubong sa akin yun lalaki kanina. Paano niyang nalaman na nandito ako?

Stalker ko ba siya?

Ngumiti siya sa akin at kumaway. Tsk. Parang bata. Isasarado ko na sana ang pinto ng pigilan niya ako.

"Hindi mo man lang ako papapasukin?" Pilyong sabi niya.

Nagpumilit siyang pumasok. Kinuha ko agad ang phone ko upang humingi ng tulong.

Hindi pa ako nakakapagdial nang kunin niya iyon at ihagis.

"Ano ba?!" Hinawakan niya ang kamay ko. Natigil ang pagwawala ko nang makita ang maluha luha niyang mga mata. Pakiramdam ko nakita ko na ang mga matang iyon.

Niyakap niya ako. Nung una ay nagulat ako pero nakita ko na lang ang sarili kong niyayakap siya pabalik. Tila kusang ginawa iyon ng mga braso ko.

"Mommy." Nanlaki ang mga mata ko at pilit kumawala sa mga bisig niya. Lumayo ako sa kanya ng kaunti. Noon ko nakita ang basang basang pisngi niya.

"Mommy, ako to." Umiling ako. Hindi ko masikmura ang mga sinasabi niya. Humakbang siya at hinawakan ulit ang mga braso ko." Ako 'to si Angelo. Ang anak niyo ni Eduardo Cervantes."

Ang Stalker kong Bampira (Rebooting)Where stories live. Discover now