Chapter 21: A Night of...

Start from the beginning
                                    

            "T-teka, bababa na kami!" Monic shouted back. "Tara na, Alannah."

            Inakay na niya ang bata pababa ng hagdan kung saan sinalubong sila ni Marky sa dulo—ni Marky na badtrip pa rin ang itsura—badtrip, hanggang sa makita siya nito. Napakurap-kurap ito sa kanya bago binaling ang tingin sa ibang direksyon.

            "Tara, kain na." Sabi na lang ni Marky bago naunang umalis pa-kainan, making Monic frown in confusion.

            Problema ba no'n?

                                                                                                ***

THEY WERE AWFULLY quiet during dinner which made Monic feel more uncomfortable. Hindi na siya sanay sa ganung katahimikan tuwing kainan eh, all thanks sa pagiging makuwento palagi ni Malou.

            Idagdag pa roon ang kasalukuyang not-in-a-good mood ng dati niyang nobyo. Hindi rin siya sanay. Well, she had encountered that side of Marky before nung sila pa. But at least that time, nagagawa niya itong lambingin at kulitin para malaman ang ikinaka-badtrip nito. Unlike now, na wala siyang ibang magawa kundi pigain ang utak kakahula kung ano ba ang problema nito.

            Badtrip pa rin ba siya dahil sa paghihintay na ginawa niya kanina sa akin? Monic wondered as she was eating her dinner. Pero kanina pa 'yon. Tsk. Hindi kaya dahil siya na naman ang nagluto habang ako pasarap-buhay lang ulit sa pagbabantay ng anak niya?

            Pasimple niyang tinignan si Marky na nakapuwesto sa tabi ni Alannah sa kanyang harapan, at nakaramdam naman siya ng awa sa itsura nito. Pagod na inaantok.

            That must be it... Dun na-realize ni Monic na baka pagod lang ito. Maaga nga pala kasi itong umalis sa Pasay para makapunta roon sa kanila. Nagmaneho ito ng ilang milya, tapos nagluto ng tanghalian, sinamahan ang anak sa pag-take ng exams, at nagluto ulit ng hapunan.

            "Tapos ka na?" Tanong ni Marky kay Alannah. Tumango lang ang bata at uminom ng tubig.

            Tumayo na si Marky, nang tumayo rin bigla-bigla si Monic.

            "A-ako na ang magliligpit at maghuhugas," tensyonado ngunit nakangiting pagpresinta ni Monic.

            "Hindi na, ako na lang..." Nagsimula na sa pagliligpit si Marky.

            "Marky, ako na." Monic did the same. "Ikaw na ang nagluto kaya ako naman ang—"

            Natigilan siya at napanganga nang hindi niya sinasadyang mahawakan ang kamay ni Marky na siyang nauna sa paghawak sa serving plate na kanya rin sanang kukunin. Natigilan din si Marky.

            W-what the hell, Monic?! Halos lumabas na ang puso ni Monic sa kanyang lalamunan. Ang bilis ng pagtibok nito. Sobra.

            "Uhm," madaling niyang nilayo ang kanyang kamay mula sa kamay ng dating nobyo at sumenyas-senyas na lang habang nagsasalita. "A-ayun, ikaw na nga kasi ang nagluto kaya hayaan mo nang ako ang magligpit dito, Marky. Magpahinga ka naman na."

            At saka lang muling gumalaw ang binata. Pinatong nito ang serving plate sa platong pinagkainan.

            "Okay," simple nitong sagot, sabay hinga nang malalim at baling ng tingin sa anak. "Alannah, hilamos na tayo sa taas."

            Bumaba na sa silya ang bata at umakay sa ama. Nang makaalis na ang ito upang pumanhik sa itaas, huminto si Monic sa ginagawang pagliligpit at tinignan ang kamay na napahawak kanina sa kamay ni Marky. At narinig na lang niya ang sarili na bumulong ng, "I missed that..."

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now