RBW II: Invitation

Start from the beginning
                                    


" Kailangan nating bumuo ng isang grupo " si Marco.


***


Pagdating ni Crescent nakita niya ang mga sugatang lalaki na madalas ay kasama ni Rozen sa loob ng bahay nila, nakabenda na ang mga sugat nito at nakahiga sa malaking sala nila, may nasa carpet at mayroon din sa sofa. Sinalubong siya ni Monique.


" Crescent " umiiyak ito kaya nangunot yung noo ni Crescent.


" Kinuha ng Imperial King si Rozen! " si Monique, dumating naman si Light nakita niya ang paglarawan ng pagkagulat sa mukha ni Crescent.


" Alam na nila kung nasaan tayo " si Light, tinitignan niyang mabuti ang reaksyon ni Crescent, bumakas ang galit dito at pagkuyom ng palad.


" Hindi ko siya dapat iniwan .. " si Crescent, hinawakan ni Monique ang kamay nito at sinabing " Wag mong sisihin ang sarili mo, babawiin natin siya" 


" Nag iwan sila ng liham, naglalaman nang patimpalak mula sa Imperial Lord,  kung may makakatalo sakanya ibibigay niya ang Imperyong sakop niya at ang lumahok lang dito ang paraan para mabawi si Rozen " si Light, pare-pareho silang natahimik, kanya-kanya ng mga reaksyon.


Tinakpan ni Light ang matang hindi kulay pula at tinignan si Crescent, nabigla siya sa nakita niya.


" Ako ang sasali " si Light,


" Kailangan kong kunin si Rozen, kasalanan ko , hindi ko siya nabantayan, iniwan ko siya " si Crescent, halata ang galit nito.


" Nasa bingit ka ng kamatayan! hindi ka pwedeng lumahok, balak ka lang nilang patayin! " si Light,


" Hindi ako mamamatay" 


Sa iba't-ibang dako nakarating ang paanyaya ng paglahok sa nasabing patimpalak, maraming makapangyarihan ang nais makamit ang halos kalahati ng mundo na sakop ng Imperial Palace. May nakatanggap ng espesyal na liham kasama ang seal katulad nila Greece, Crescent  at kasama sa paanyaya si Vlad na isang Pureblood, ngunit hindi bilang kalahok kundi bilang tagamasid ng laban, kasama niya ang anak na si Vincent sa pag-alis na walong taong gulang.


" Miguel Nightray " si Viel, ang ama ni Lyra ng makita sa loob ng imperial palace si Miguel kasama si Olive ang madalas nitong kasama, ngumisi si Olive ng makita si Viel.


" Wag mong ipakita nag mukha mo sakin, makita lang kita gusto na kitang patayin Viel Rainsworth " si Miguel na lumagpas, 


" Mas mabuti pa na wag kang humarang sa daan niya, ikaw din baka hindi kana makalaban sa patimpalak ,alam ko naman na nais mo ring agawin ang pwesto ng Lord King " ngiti ni Olive, ngumisi lang si Viel.


" Miguel, si Gabriel Nightray ang kapantay ko at hindi ikaw, namatay na siya at gusto mong buhayin siya kaya nandito ka. Darating ang mga Pureblood sa patimpalak kaya makikita ng pamilya mo at maging ang dalawang unang pamilya na di hamak na mas mataas na uri sainyong mga Nightray, sa palagay mo anong magiging epekto niyan sa pamilyang kinabibilangan mo? " si Viel, hindi humarap si Miguel at nagsalita nalang bilang sagot " Namatay si Gabriel dahil sa karamdaman, kung hindi siya nagkasakit dahil sa sumpa ng pamilyang dinala niya nasisiguro ko na kapantay ng pinakamalalakas si Gabriel. At ikaw .. " nlingon ito ni Miguel na nagpula ng husto ang mga mata " Mamamatay ka na, ikaw ang kauna-unahan kong papatayin, Olive umalis na tayo " si Miguel.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now