RBW II: Crossing Field

4.3K 167 17
                                    

                        RBW II

                 "Crossing Field " 

"HoneyLoves,mamili tayo ng damit ni baby " si Lyra na umupo sa hita ni Crescent na abala sa pagbabasa sa gilid ng kama nila,  inagaw nya ang libro dito at naglambitin ang dalawang braso sa leeg nito.

"please? " 

"Kaya mo na yun -- " si Crescent na nginitian si Lyra.

"Nakakainis ka naman ! " asar na tumayo si Lyra at lumabas ng pinto na halos balibagin, nangingiti naman na tumayo si Crescent para sundan ito.

"Madalas kang naiinis sakin - " si Crescent kay Lyra na kasalukuyang nakasimangot habang nanood sa sala ng isang sitcom.

"Talaga ! nakakainis ka talaga , umalis ka wag kang magpapakita sakin lalo ko naasar " si Lyra, napapansin nya rin sa sarili na naiinis sya madalas kay Crescent pag di nito napagbibigyan.

Umusog yasa pinakadulo ng sofa ng lapitan sya ni Crescent , nangiti naman lalo si Crescent sa ginawi nito.

"Lyra -- "

"Wag kang magsalita naiinis ako sa boses mo ! "  

"Lahat nalang ng meron ako kinaiinisan mo " ngisi ni Crescent.

"Oo ! umalis ka na .. gusto mo pumunta ka sainyo doon ka muna ! " si Lyra na tumayo na, naiirita sya agad kay Crescent panigurado na ito ang pinaglilihian nya.Gusto nya to laging nasa tabi nya at lahat ng gusto nya susundin nito dahil kapag di sya nito napagbigyan naiinis sya dito ng buong araw.

"Sige .. sabi mo yan ikaw ang nagpaalis sakin , wag mo kong susunduin hindi ako easy to get " si Crescent , si Lyra na maglalakad sana palayo dito ay natigilan at nangiti .

"Saan mo natutunan yang easy to get na yan ha?"  nawala agad ang inis nya, naupo na sya sa tabi nito at niyakap ito.

"Ngayon dumidikit-dikit ka sakin , umalis ka nagugusot ang damit ko -- " si Crescent, si Lyra naman nagdikit nag kilay at humiwalay dito na ikinatawa na ni Crescent ang pikon talaga nito.

"I love you .. " si Crescent na idinikit an tungki ng ilong sa tungki ng ilong ni Lyra.

"Heh ! dinadaan mo ko sa ganyan mo " 

"I love you honey "si Crescent na hinalikan sya sa labi ng saglit, sapat na yon para mapaamo si Lyra.

"Bihira mo talaga ko tawagin na honey , gusto ko lagi mo kong tatawaging Honey hindi yung Lyra ka ng Lyra nakakabastos ka ! " 

"Ang hirap naman non Ly -- Honey " kahit si Crescent natatawa sa sarili nya.

 "Wag kang ngiti ng ngiti , nakakalimutan kong galit ako sayo! " 

"Sungit .. "

"Okay ng masungit , mahal ka naman ng masungit na to kahit pa wala kang kasweet-sweet sa katawan ! " 

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon