RBW II: Secret base

3.6K 209 72
                                    




RAISED BY WOLVES


" SECRET BASE "



Nagtungo si Lyra sa Kastilyo ng mga Wolves, si Break ang sumalubong sakanya at ang anak nito kaya nginitian niya ito at kinarga.


" Ang laki mo na " ngiti niya dito, 


" Sino ka po? " wika ng batang karga niya, nangiti naman si Alunsina na nagbalik na si Lyra. Hindi nila babanggitin ang anak nito, iyon ang bilin sakanila ng Ina ni Crescent. Iiwasan nilang maalala nito ang masakit na nakaraan.


" Tita Lyra " aniya dito at hinalikan sa pisngi.


" Yukino " sagot ng bata.


" Magandang pangalan para sa isang napakagandang prinsesa" wika ni Lyra, naisip niya na sana magkaroon din siya ng little version ni Crescent.


" Yukino, bumaba ka na napapagod na si — " nabitin si Break ng magsalita si Lyra" hindi, gusto ko din siyang kargahin diba nga Yukino?" tumango naman ng nakangiti ang bata, nangiti nalang si Alunsina.



" Kumain ka muna, naghanda kami. Wala si Inang Julieth dito, maging ang ama kaya naman tayu-tayo lang" si Alunsina, masaya silang nagkwentuhan ni Lyra tungkol kay Yukino pansamantala bumaba ang galit ni Lyra maging ang sakit, nakakatuwang makakita ng isang bata, tila ba anghel ang mga ito na nakakawala ng mga negative energy.





**


Sinunod ni Lyra ang mga sinabi ni Crescent sa panaginip niya, natagpuan niya ang isang silid sa ilalim ng higaan nila. Hindi nga niya makita ang sinasabi ni Crescent na libro sa ilalim ng higaan nila, ngunit ng lumusot siya sa ilalim dahil hindi niya maitulak, naituon niya ang kamay niya at tila kinopya nito ang bawat guhit sa palad  niya. Sunod ang pagbubukas niyon na kasya lang ang isang tao sa pababang hagdanan. Sa loob niyon nakita niya ang iba'tibang uri ng sandata na ikinamangha niya, punong-puno din ang lugar ng mga simbolismo na para bang nasa loob siya ng Pyramid.



Nakita niya ang librong hinahanap na nasa loob ng isang salamin, babasagin niya na pero may barrier iyon na kulay pula ng tamaan niya ng sipa.



" Barrier? paano ko makukuha to? " aniya na inilapat ang kamay sa salamin, nabigla siya ng magtuloy-tulyo ang kamay niya na parang walang salamin. Tinignan niya ang mga kamay namumula iyon pero wala siyang naramdaman na mahapdi kahit kaunti, hindi kaya ang kamay niya ang ginamit nitong password para sila lang dalawa ang makakakuha ng aklat? Kinopya din kasi ng sahig nila ang kamay niya, hindi nga kaya? 




Niyakap niya ang libro ng makuha niya " Crescent, maghintay ka lang makukuha kita.. magkakaroon din tayo ng anak at isang magandang pamilya " hinigpitan niya ang yakap, hindi na yata mawawala ang pagluha niya. Ngayon na kilala na niya ang sarili alam niya kung sino ang mga pagkakatiwalaan niya.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon