RBW II: Unexpected

3.5K 181 65
                                    


RAISED BY WOLVES II

" UNEXPECTED "


Nahihipnotismo nang kanta si Kana. Nag-iiba ang kulay ng mata niya at tila siya nakokontrol na tawidin ang hangganan.


" Bahala ka diyan .. iiwanan kita " tumigil na sa paglalakad si Shin, pero nagpatuloy si Kana na ipinagtaka niya. Kahit kailan hindi ito natuksong tawirin ang hangganan.


" Magagalit si Papa, Kana! " sigaw ni Shin." Sabihin mo nalang sakanya na gusto mo makakita ng bituin, wag mo nalang tawirin yan! " dugtong pa niya, hindi niya alam kung seryoso 'to pero nakita niyang nasa hangganan na 'to.


" Halika na Shin .. ewan ko ba bigla ko naisipan pumunta dito " hinarap siya ni Kana at nginitian. Nakahinga naman ng maluwang si Shin, akala niya hihintayin pa nitong pagalitan bago tigilan ang hangganan. Nililipad ang buhok nito at nakangiti, ngayon pa nga lang para na 'tong anghel pakpak nalang ang kulang.Nanlaki ang mata ni Shin nang may palasong tumarak kay Kana mula sa kabilang hangganan.


"Kana! " sigaw ni Shin tatakbuhin niya 'to ng may tatlo pang tumarak ditong palaso na maging ito ay nagulat.


" Wag Shin .. marami .. sila " bumulwak ang dugo nito sa bibig at mabilis ang pagkalat ng dugo nito sa kasuotan. Tinakbo niya si Kana pero itinataboy siya nito. "Alis .. dalian mo! " bago pa siya makasagot may kumuha na ditong isang malaking bakal na kamay na tila robot, ang anghel na chain. Tinakbo niya 'to pero dahil nakalabas na 'to sa hangganan hindi niya magawang itapak ang paa. Nakaramdam siya nang takot.


" CRESCENT! " sigaw ni Lyra. Napalingon naman dito si Shin, nasa likuran na niya ang mama niya at tigmak ng luha. Nasaksihan din ba nito ang nangyari kay Kana? Tinakbo siya nito at hinila.


" Mama si Kana - " nagsimula na din itong lumuha na tila doon lang nagsink-in sakanya ang nangyari." Lumayo ka na dito, papatayin ka nila ako ng bahala " hinawakan niya si Shin at itinulak palayo.


Mula sa malayo nakamasid si Crescent sa litrato nilang pamilya na nakalagay sa isang frame nang marinig niya ang pagsigaw ni Lyra. Ang ngiti sa mga labi niya ay napalitan ng pag-aalala. Malalim na ang gabi at imposible na isa lamang iyong maliit na bagay.


LYRA'S POV


" Makinig ka, wag kang lalabas. Wag kang tatapak sa hangganan please? " hindi ko mapigil ang mga luha ko. Nakita kong wala sila sa kwarto kaya lumabas ako, mabilis ko silang maamoy kaya naman nalaman ko na naglalakad sila papunta sa hangganan. Bago ko pa sila matawag nakita mismo ng mata ko kung paano tinamaan ng palaso na may mas matatabang stick ang katawan ng anak ko. Tila piniga at pinira-piraso ang puso ko.


" Pero mama .. " umiiyak si Shin, tingin ko sobra siyang nabigla sa nangyari. Alam ko na nagka-trauma siya nang pagalitan ni Crescent dahil sa hangganan noon, kaya nga kahit sa kalagitnaan hindi na nito pinupuntahan.


" Hintayin mo ang papa mo, darating siya .. " Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at umusal ng spell gumuhit ako nang linya paikot kay Shin para hindi ito makaalis doon, baka bigla itong humabol.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon