RBW II: Broken

3.7K 175 67
                                    


Malakas ang ulan sa labas, nakatanaw lang si Crescent sa labas habang si Rozen ay nakayakap sa likuran niya.


" May iniisip ka ba? " si Rozen, humarap naman dito si Crescent sabay halik sa noo nito.


" Wala, nasaan sila?  " si Crescent.


Nagkibit balikat si Rozen " Ewan, baka nagdedate! " ngiti ni Rozen, 


" Halika na, magpahinga ka na " hinila niya si Rozen paakyat,


" Maaga pa, hindi naman ako ganoon kapagod " protesta ni Rozen.


" Dali na, magpahinga ka na " si Crescent na binukas ang kwarto ni Rozen, bago ito hinalikan sa labi at nginitian.


" Hmp! Oo na " si Rozen na ngumiti narin at kinabig si Crescent pahalik sakanya.


CRESCENT'S POV


May hindi nga kaya ako naalala? Ang pamilya ko, oo sila lang naman. Ang kabataan ko at pagiging reverberation ni Light natatandaan ko, ang plano ko at ang kagustuhan kong sirain ang Imperial Palace. 

Si Scarlet, kamukha siya ni Ceres pero hindi ko nakikita sakanya ang inis na dapat kong maramdaman sakanya. Inaagaw ni Ceres ang atensyon ni Light sakin noon, si Light ang lumikha sakin, siya ang bumubuo sakin.


 Si Rozen, nararamdaman ko na gusto ko siya. Minamahal? oo, hindi ko siya gustong masaktan, isa siyang Maiden Ruler, handa naman akong maghintay hanggang may pumalit sakanya, lalo pa at prioridad ko ang pagwasak sa Imperial Palace.


May isa akong dakilang tagasunod si Tomo, si Leo na alaga namin ni Light na nagkakaroon ng katawang tao dahil sa spell na ginawa ko sakanya. Namatay na si Leo noon, isa na siyang palmera o zombie pero hindi naman nawawala ang ugali niya katulad noon, kung paano siya namatay noon hindi ko na matandaan. Apektado din siya ng alaala ko.


Kinuha ko ang diary sa bulsa ko at muling pinalaki, naupo ako sa couch. Sabi ko hindi ko babasahin, hmmm. Tulog na siguro si Rozen, pagod siya, marami na siyang inaasikaso ayoko nang dagdagan, sumandal ako sa couch, tinignan ko ang pangalan ng anak ko " SHIN " gusto kong malaman kung bakit ko itinatak ang pangalan niya, gusto ko rin kayang malaman kung sino ang kanyang Ina?


May minamahal na ako ngayon, hindi rin mahalaga sakin ang nakaraan ko, nabubuhay ako para sa sarili ko, kay Light at kay Rozen. Sila ang huling nilalang na hindi ko gugustuhing mapahamak, kaso tinatanggalan nila ko ng kalayaan. Si Shin, siya ang inaasahan kong magpapatuloy ng lahat ng gusto ko.


Si Scarlet, hmm hindi ko siya magawang saktan. Para siyang batang kailangang alagaan, nagpapanggap lang siyang matapang kahit hindi.  Kapag nakalikha ako ng hiwalay na mundo, kukunin ko na ang anak ko. Alam ko kung nasaan siya, may nagbibigay at nagpapadala sakin ng mensahe na inililihim ko sakanila, gusto ko ng pagdanak ng dugo, kamatayan at pagdurusa, kapag nasa paligid ko ang miserableng kaganapan natutuwa ako, pero nababago ni Rozen ang pananaw ko, hindi siya katulad ko. Mahalaga sakanya ang bawat buhay, kahit ang mga halaman pinahahalagahan niya, isa siyang anghel ng lupa kaya naman nagdadalawang isip ako sa pagkawasak na gusto kong maganap.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon