RBW II: Together

4.1K 182 52
                                    


RAISED BY WOLVES

" TOGETHER "


" Papa! " si Shin na nakangiting sinalubong si Crescent nang pumasok 'to sa kwarto niya. Lumuhod naman si Crescent para makapantay ito.


" Gusto mo na siyang lapitan? "  si Crescent na ikinabilog ng mga mata ni Shin.


" Pwede kong lapitan si mama?" tila nagkaroon ng excitement ang boses nito.


" Puntahan mo na, wag mong tatakutin " nakangiti si Crescent, hindi pa siya tapos magsalita hinila na siya nito patayo para pumunta sa kwarto kung nasaan ang natutulog na si Lyra.


Mahimbing pa 'din na natutulog si Lyra, hindi niya alam na nakatitig na sakanya ang dalawa t nagngingitian na tila nagkakaintindihan. Dahan-dahan nagmulat si Lyra at nakita niya ang isang batang nakabungad sakanya at nakangiti, kulay itim ang buhok nito at cute na cute dahil may dimple itong malalim.


" Mama! " si Shin na naupo sa gilid ng kama, si Lyra naman akala nanaginip siya.


" Waaa! ayoko na magising!!! " naupo siya at niyakap si Shin. Hindi makahinga si Shin kaya nang humiwalay si Lyra huminga siya ng malalim.


" Papatayin mo agad si Shin? " si Crescent na nakangiting hinalikan siya sa noo.


"Shin? " kumurap-kurap si Lyra. 


" Imposibleng magkaanak tayo nang ganitong edad, wala pa ngang apat na taon tayong mag-asawa " si Lyra na nakatitig kay Shin na hindi nawawala ang ngiti, naluluha si Lyra nang yakapin si Shin.


"Inakala mo na namatay siya, isa pa wala pa siyang dalawang taong gulang mabilis lang ang naging paglaki niya" si Crescent, tinatamad na naman to magpaliwanag. Bakit ba may katamaran to?



LYRA'S POV 


Magulo man ang lahat binalikan ko siya. Dalawang linggo simula ng matapos ang nangyari sa Imperial Palace at ang pagkawasak ng Imperial City at ang kataka-takang paglalaho ng isla. 


Si Crescent o ang tinatawag nilang Dark, sa isang iglap nagawa niyang pumaslang ng napakaraming bilang. Siya ang Crescent na kinatatakutan ko noon pa at siya din yung minamahal ko.


Dalawa ang Crescent ayon kay Light, nasasaktan ako na nawala ang isa na siyang nakasama ko noon bago pa ko makarating sa imperial palace, nakita kong pinaslang siya ni Dark na sinasabi na naging isa daw sila, siguro nga totoo na iisa na sila dahil biglang nawala ang isang Crescent at sa palagay ko naman ganoon padin si Crescent. Walang nagbago.


Kahit gaano siya kasama, hindi ko padin mapigilan yung damdamin ko. Gustong-gusto ko siyang makasama, kahit pa tangkain kaming patayin ng lahat mas gugustuhin ko na kesa maging ligtas ng wala sa tabi niya.


Mahal na mahal niya ko, naramdaman ko 'yon. Hindi niya ko hinawakan ng maruming palad o ang ginagamit niya sa pagpatay. Left-handed si Dark at ayaw niya na nakakakita ako ng pagpatay na siya mismo ang gumagawa, hindi nalang niya napigilan dahil sa biglaang pagdami ng kalaban.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now