RBW II: Angel, Prince, Love(Ending)

4.5K 258 139
                                    


  RAISED BY WOLVES II

" ANGEL, PRINCE , LOVE " 


 Nagising si Shin na katabi si Crescent. Nakangiti itong bumungad sakanya, oo nga pala isang linggo na simula ng mawala si Kana. 

 " Papa -- " hindi niya 'to magawang titigan.

 " Wala akong nagawa para iligtas siya," ipinikit niya ng mariin ang mga mata at naalala ang naninising mga tingin ni Vincent.

" Shin, hindi ba magiging isa siyang bituin? " ngiti ni Crescent, " Hindi ka dapat panghinaan, hindi ka dapat sumuko.. " 

 " Hindi ako susuko papa, nandito ka pa at si mama hindi na tayo mababawasan hindi ba? "

 " Ikaw ang pinakamahalaga sa'min. Kung mawawala kami tandaan mo na mas ginusto namin na mamatay kesa sa' yo, kapag nawala ka sa'min ni Lyra mahihirapan kaming bumangon kaya maging malakas ka .. " 


 Dinala siya ni Crescent sa loob ng Abyss. Sa loob ng ilang taon noon nalang siya muli nakaapak roon. Nasa pinakatuktok sila ng isang bundok at humanga siya ng husto, napakaganda ng lugar at tila isang perpektong mundo sa kakaibang panahon, isama pa ang naghuhumindig at nagyayabang na kastilyong yari sa yelo na nasa pinakasentro. 


 " Shin, para sa'yo ang mundong ito kaya naman nararapat lang na ikaw ang magkamit nito. " Hinawakan siya ni Crescent sa ulo at nanatili siyang namamangha.

 " Darating ang oras na hindi mo na 'ko makakasama, gawin mo ang lahat para sa taong mamahalin mo maging kapalit man no'n ang buhay mo iyon lang siguro ang magandang kaya kong ipayo sa'yo" nangiti si Crescent na ikinangiti din ni Shin.Bumaba si Crescent para makapantay si Shin na nakipagtitigan sakanya.

 " Makinig ka, hindi ako isang mabuting nilalang at may sarili kang buhay kung paano mo gustong gamitin yan.. Ikaw lang ang may karapatan na maging Emperador ng lugar na 'to at nasasa'yo na Shin kung gusto mong ibigay 'to sa iba " hindi nawawala ang ngiti ni Crescent. 

 " Bakit ka ba ganyan magsalita papa? " sumimangot si Shin na lalong ikinangiti ni Crescent.

 " Gusto ko lang sabihin sa'yo na mas mahalaga ka sa lugar na 'to. Kung hindi ka man kayang tanggapin ng kabilang mundo, tatanggapin kita dito ng buong-buo. Hindi ako mawawala, ang buong lugar na 'to ay ako kaya naman wag mong iisipin na iniwan kita. " ang mga salitang iyon ang nagpatitig at nagpakirot sa damdamin ni Shin.

 " Pangako, aangkinin ko 'to ng buo at magiging pinakamalakas ako! Ipaghihiganti ko si Kana at magiging anak mo 'ko hanggang kamatayan!" hinawakan ni Shin ang magkabilang balikat ni Crescent na bahagyang nabigla pero agad ding ngumiti ng makabawi.Nang makatulog na si Shin matapos niyang ihatid sa kuwarto nito ay hinalikan niya 'to sa noo kasabay ng pagsusuot dito ng isang kuwintas. Hinaplos niya 'to sa mukha.

 " Hihintayin kita .. Aasahan ko ang mga pangako mo "Sa paglabas niya ng kuwarto nito nagharang siya ng barrier sa pintuan nito para hindi ito makalabas sakaling magising ito. Sunod niyang pinuntahan si Lyra na tahimik na nakaupo at nakaharap sa salamin. 

 " Maganda ba 'ko? " Tumayo si Lyra at nginitian si Crescent para ipakitang matatag siya pero nang yakapin siya nito doon na halos bumigay ang damdamin niya, at sa pagkakataong iyon hindi niya alam kung may babalik pang asawa sakanya paglabas nito ng kuwarto nila. 

 " Mahal na mahal kita. Hindi kita ipagpapalit, palagi kitang hihintayin .. " humihikbing wika ni Lyra. 

 " Kailangan ka ng anak natin. Lyra " hinawakan ni Crescent ng magkabilang palad ang mukha ni Lyra at nginitian ito. 

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon