Ngunit ang mokong ay ginantihan lang ang lahat ng iyon ng isang mahinang tawa, akala mo naman nakikipagbiruan ako!

     "I'm also Ice Bear, huh? Do you know who was the first person who called me that name?" 

     "Seriously? Ngayon mo pa naisipang magbaliktanaw sa nakaraan? Aba'y malay ko! Sa pagkakaaalam ko, ako e!" pasigaw kong saad ngunit marahan lang siyang umiling. 

     "Nope, it was your brother." Bahagya akong natigilan, lalo pa't nang mapagtanto ang isang bagay. 

      "Well, I guess it really runs in Del Puerto's blood to somehow stop me from being the Modern Day Lucifer." 

Third Person's POV

      "Ice Bear, andito ka ulit!" The twelve years old Orion immediately left his unfinished vandalism under the Merlin Bridge, just to greet Ivan with a bright smile on his face. 

       "For the nth time, why won't you stop calling me with a fluffy name?" Ivan responded nonchalantly. As if he didn't just run the extra mile just to arrive on time.

      "Because I think you're indeed fluffy and just needed a hug." 

     "Hugs won't solve everything." Ivan retorted, but immediately creased his forehead the moment his eyes noticed the new set of bruises and wounds on Orion's skin. Making him unable to quickly escape from Orion's warm embrace. 

     "But it can make you feel better. So does this make you feel better?" This time Orion's voice loses its enthusiasm. Making him more vulnerable and transparent. 

    "N-no this makes my stomach rumble," Ivan said. Not really having an enough idea on how to respond with the only idiot who tried to hug him despite of the bloods in his hand.

     "And do you still think I'm worthy to be called with such an innocent name when I'm bound to be a monster?" he added but Orion didn't respond. He was just there, resting himself with his Ice Bear. 

     "Hey, did you fall asleep?"

      "While standing?"

       It's not actually his cup of tea to talk to himself so he just concluded that Orion passed out from his extensive training at the Asteranza Clan. Good thing he arrived in time. 

      Just in time where he could catch and take care of him. 

       "Well I think you're the one who needed a hug, Dollface. And I guess both of us won't be going home tonight."

•••

       "Orion kalma. Malapit na tayo," marahang saad ni William at hinawakan sa balikat ang bata.

      "I can't believe a day will come that I'm going to rescue Ivan. Hahaha!" 

       Agad na binatukan ni Rath ang nagsisilbi nilang driver na si Zephyr dahil sa naging pahayag nito. Matapos kasi ng usapan nila sa mumunting mansyon ng mga Crisostomo, napagkasunduan nila William na magsilbing back up sa gagawing rescue mission. 

      Oo, alam niyang delikado ang bagay na iyon, kaya nga hindi na niya isinama ang asawang si Shunari. Balak nga lang niyang si Orion ang ang isama, kaso nagpumilit din ang isa niya pang anak na si Zephyr sa driver's seat, at hindi na niya nagawang mapaalis pa doon. Dahilan kung bakit halos liparin nanaman ng sasakyan nila ang kalsada.

      "Takte pre, akala ko sa mga Ideales kami delikado, sa'yo pala!" pasaring ni Rath at kumapit nalang sa seatbelt na suot. 

     At oo nga pala si Rath. Hinila lang siya ni Zephyr pasakay sa front seat kanina. Hindi na rin nakalabas.

     "News update: Nahuli na ang isa sa tatlong kidnappers. Nakatakas ang dalawa pero pinaghahanap na sila ng mga pulis," seryosong saad ni William na mas lalo lang na ikinabahala ng lahat. 

     Nang makarating sa Misfit Hills ay nadatnan nila agad ang mga pulis na nagkalat sa paligid at ang isang maliit na lagusan for underground. Ki-nordonan ito ng mga pulis at ganoon nalang nga rin ang gimbal ng lahat ng may ilabas na bangkay mula loob. 

      Nakalagay na ito sa body bag kaya naman ay hindi na talaga nila alam kung makakahinga ba sila ng maluwag dahil mayroong mga pulis o mawiwindang sa malalaman. 

     "S-sino?" halos hindi pa mabigkas na ng maayos na tanong ni Orion at napaturo doon. 

     "Murdered. Don Alejandro. Bukas ang likod, nakahiwalay ang ribs sa spine at hinila iyon palabas kasama ng ilang mga balat. Parang pakpak. Tapos tinanggal din ang baga mula sa lukab ng kanyang dibdib," kunot noong saad ni William na ipinapasa sa mga kasamahan ang inpormasyong naririnig mula sa earpiece na suot. 

      "The culprit is Zoen Ivan?" maging siya ay hindi makapaniwala sa naririnig. Kasabay ng salitang iyon ang ang paglabas ng dalawang pamilyar na tao mula sa underground facility na pinagkakulungan. 

     Sa kabila ng kasasabi lang na pahayag ni William, mabilis na tinakbo ni Orion ang kahabaan ng daan patungo sa nilalang na tinagurian nanaman ng mundo bilang isang halimaw. 

     "Thank Goodness you are safe!" bulalas pa nito at agad itong sinalubong ng yakap. Ni hindi manlang niya napansin ang kapatid na kasunod lang na lumabas ni Ivan e. 

     Dapat nga ay mainis si Orion dahil nawalan ng kwenta ang mga sakripisyo niya, dahil sa pagmamanipula ni Ivan sa sitwasyon noon. Dahil ginawan knight ni Ivan si Nath sa laro niyang chess na buhay ang kapalit. Maraming dahilan si Orion para mainis, para lumayo at para hayaan nalang sana si Ivan sa mga bagay na pinasok niya. 

     Ngunit kahit pa sabihin nating matagal nang natuldukan ang kwento kung saan silang dalawa ang bida, alam ni Orion na palagi parin siyang iintindi at titindig sa tabi ni Ivan. Kahit pa bilang isang kaibigan nalang.

     Habang nasa ganoong sitwasyon ay mukhang nakakahalata na nga si Nathalie sa mga bagay bagay. Bagama't presko pa rin sa isipan niya ang kabababuyang nasaksihan, at lahat ng mga rebelasyong narinig, iisang tao lang ang agad na hinanap ng mga mata niya.   

      Kahit pa nagsisimula na silang lapitan ng iilang mga tao kuhanan sila ng statement at iba pa. Kahit pa napapalibutan siya at halos malunod na sa dami ng tao, iniligid niya pa rin ang tingin sa buong paligid para hanapin siya.n

     Kasi kung andito si Orion, sigurado siyang andito din ang mga kaibigan niya. 

    Mali. Ngayong hindi niya parin nakikita ang hinaganap, medyo napagtanto niya ang isang bagay. Baka nga umasa lang siya. 

    Baka nga masyado lang traumatizing ang lahat, at dahil nakita niya ang eksena sa pagitan ni Ivan at ng kuya niya ay umasa rin siya. Na tatakbo ng ganoon si Rui at buong pag aalala siyang sasalubungin ng mahigpit ng yakap. 

     Kaso wala siya. Wala si Rui. 

    "What's with that long face, Nathalie?" 

     Sa isang iglap ay para siyang natuod sa kinalalagyan. Mayroon pa ring mga tao sa paligid nila, maingay pa rin a magulo. Ngunit dahil sa napaka pamilyar na boses na 'yon ay parang napokus na doon lahat ng atensyon na mayroon siya. 

     Mabilis niyang hinarap ang direksyon kung saan niya narinig ang boses. Nang matagpuan niya iyon kasama na ang nagmamay-ari nito ay parang nakalimutan na ata ng bibig niya kung paano magsalita. 

      Puting polo, hindi maayos na pagkakalagay ng necktie, magulong buhok, nangungusap na mga mata. Tumangkad lang siya ng kaunti pero siya pa rin ito. 

     "Y-young Master…" Sawakas ay sambit niya. 

     Ngunit isang pilyong ngiti lang ang itinugon ni Typo doon at humakbang palapit sakanya. "Nathalie, stop calling me Young Master, I'm not that young anymore."

my name is not loveWhere stories live. Discover now